Saturday, November 4, 2017

THE GHOST BRIDE

Just got home from watching The Ghost Bride with co-starlets Vergel and Norvin .

Meron siyang feel ng Singaporean Horror Film ni Kelvin Tong, The Maid starring Alessandra de Rossi. Same mood and atmosphere.

Ang creepy ng movie! At nag-e-escalate ‘yung tension ng istorya. Kapana-panabik ang bawat kabanata. Ayaw mong umihi sa CR kasi baka may ma-miss kang detalye.

Bagay na bagay kay Kim Chiu ang material. ‘Yung fragile-looking face at body niya e bagay na bagay sa character ni Mayen, ‘yung di mo aakalaing kakayaning malagpasan ‘yung sumpang nakapaloob sa Ghost Wedding.

Sabi nga ni Jelai, kung ang GMA Films ang nagproduce nito, babagay daw ito kay Kylie Padilla. Chinita rin daw kasi si Amihan ng Encantadia remake. Sabeh???

Ito ‘yung pinoy horror movie na hindi sigawan lang ng sigawan ‘yung ginawa ng mga bida, or ‘yung may sumusulpot na mapaghiganting multo o ‘yung may halatang prosthetics na make-up na tipong pang-halloween Costume competition na barangayan levels.

No, hindi masasayang ang bayad niyo. Walang daya.

Pinag-isipan / pinaghirapan ang kuwento! Hindi tinamad ang researchers na alamin ang tungkol sa ghost wedding at sinipag silang gumawa ng kuwento out of it. Hindi lang ang mileu ang konektado sa kuwento, pati ang ‘negosyo’ ng pamilya ni Mayen, nakaangkla din sa plot. Tahing-tahi ang mga ginamit na device sa kuwento.

Hinusayan ang production design. Parang napatira ako sa Chinatown sa Binondo for two hours while watching it.

Hindi man ito kasing ganda ng Feng Shui part 1, mas nag-enjoy ako dito kesa sa The Healing (kung saan ipinangsangga ni Vilma Santos ang mangkok kay Kim Chiu) or sa T2 (kung saan pumasok si Maricel Soriano sa Encantadia).

It’s a pretty decent pinoy horror flick.

Hindi ang eksena ni yummy actor Victor Silayan o ni kalbong Isay Alvarez ang dapat niyong abangan kundi ang mga eksena ni Beverly Salviejo na gumaganap bilang majongerang sintu-sinto. Siya ang nagdala ng pelikula!

Tuesday, October 24, 2017

1922

Itong “1922” English novella ni Stephen King nasimulan ko na ‘to three years ago pero di ko tinapos. Na-bored ako sa setting ng kuwento,na farm tapos sa year 1922 pa nangyari. Ang luma! And medyo archaic ang mga termsy na ginamit ni Stephen King para bumagay dun sa milleu at backdrop ng kuwento. So nag-jump ako sa second story sa FULL DARK, NO STARS (salamat pala sa libro, ) na Big Driver story. Nagustuhan ko ‘yun. Pero ‘yung TV movie adaptation niya, hindi. Disappointed talaga ako dun. Parang pang-SOCO episode ‘yung pagkakagawa.

Kaya nang malaman kong ipalalaabas sa Netflix ‘tong 1922, binalikan ko ito para mapag-compare ko ‘yung novella sa movie. 

After koi tong matapos, na-disturbed ako at nalungkot.

Disturbed ako sa harrowing na kuwento ng father–and-son tandem for murder. Nanghilakbot ako sa kung paano nila pinatay ‘yung asawa/nanay nila. Last time na naramdaman ko ‘yun e nung napanood ko ‘yung pelikula ni Peter Jackson na Heavenly Creatures, kung saan pinatay nila ng best friend niya ‘yung mother niya kapalit ng liberty nilang dalawa from her parental control. Hindi ko yata kayang pumatay ng asawa. Much more, sa pamamagitan ng pag-gilit pa sa kanyang leeg.

Nalungkot din ako sa kuwento kasi, somehow, naka-relate ako sa solitude ni Wilfred na merong suicidal tendencies at kung paano siya lamunin ng kunsensiya at paranoia sa nagawa niyang krimen.

Ang kuwento ay parang tweak sa isang part ng isa pang novel ni Stephen King, ang “Dolores Claiborne” na kung saan pinlano niya ang pagpatay sa asawa for personal reason (si Dolores, upang makawala sa abusadong mister; si Wilfred sa “1922”, upang di matuloy ang pagbenta ng kanyang misis sa farm nila). Only this time sa “1922”, kina-kuntsaba niya ang anak nilang binatilyo.

Though parehong balon ang device sa anggulong pagko-cover sa bangkay ng dalawang minurder sa story, mas karumal-dumal ang pagpatay dito sa “1922”. Mas madugo. At in full detail!

Na may pagka-Bonnie & Clyde din ang substory dito ng anak niyang binatilyo na si Henry at ang girlfriend nitong si Shan. Mga napipintong notorious criminals!

Yung pagkakasulat ni Stephen King dito ay parang sa Dolores Claiborne din na continuous narrative, parang transcription ng spoken monologue. 

Tatak-Stephen King din ito dahil sa tatlong bagay na madalas na nakapaloob sa iba pa niyang mga kuwento (balon, bank loan, at daga).

Katatapos ko lang mapanood ‘yung TV adaptation ng 1922.

Ito ang masasabi ko: Sa lahat ng movie adaptations ni Stephen King, ito ang pinaka naging faithful sa novel niya.

Hindi dinagdagan ng eksena ng scriptwriter ang kuwento sa pamamagitan ng creative license. Kung meron man, very minimal lang.

Ito ang hindi nagawa ng pelikulang Misery ni Rob Reiner noon kung saan sanitized version ‘yung movie, nawala ‘yung gore na meron ang book ni SK. Or ng The Mist, na nabago ‘yung ending.

Yung gloomy atmosphere ng pelikula, very consistent din mula umpisa hanggang sa final scene.

Mas nagandahan ako sa kanya kesa sa Gerald’s Game at The Dark Tower.

For me, pinaka-da best na Stephen King adaptation this year. 

Nasa Top 5 ko of all-time SK movie adaptations.

Literal, binuhay niya ‘yung novella. Exactly how I had imagined it to be.

Bilang isang stephen King fan, sobra akong na-satisfied.

Sunday, October 22, 2017

THE FOREIGNER

Just got home from watching The Foreigner.

Hindi ako faney ng karate movies, much more ni Jackie Chan. Mas gusto ko ang mga spy/political thriller na mala-James Bond or action movies na merong handle ng “revenge” (‘yung tipong Death Wish ni Charles Bronson noon na favorite ng lolo ko – na makailang beses niyang pinanood sa TV dati - or mas recently, ng Man On Fire ni Denzel Washington).

At ito ngang latest film ni Jackie Chan e revenge action movie. Kuwento ito ng isang Chinese man na nakatira sa England at kung paano niya pinuntirya ang kinaroroonan ng mga bombers na dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak na dalaga at hindi siya tumigil hangga’t hindi niya ito napaghihigantihan o napapatay.

Hindi siya talaga tumigil.

Parang Jackie Chan sa totoong buhay, hindi tumitigil sa paggawa ng pelikula at kuma-karate pa sa hagdanan at nakikipagbakbakan sa apat na kalaban, sabay-sabay! Para kang nanonood ng pelikulang may bidang Action Star na Lolo. Yung tipong hinihintay mong atakehin siya ng rayuma or asthma habang uma-action sequence. Or worse, ma-cardiac arrest at mategi-bambam.

At hindi lang siya ang nag-iisang nangangamoy-lupa na ayaw paawat sa mga paandar.
Nandyan si “Pop Lola” Madonna na aktibo pa rin sa music industry, paggawa ng music videos at sumisirko-sirko pa na mala-acrobat sa kanyang mga concerts. Production number kung production number ang labanan. Parang lumaklak ng isang buong stem cell machine sa sobrang taas ng energy level!

Sina Anita Linda at Gloria Romero na visible pa sa indie movies at telebisyon. Kung minsan, maitatanong mo sa sarili mo, kasa-kasama kaya nila ang mga nurses or caregivers nila sa shoot? Or may nakaantabay kayang ambulansiya sa set?

Lately lang, nakita ko sa post ng FB friend ko, si Rosa Rosal e buhay pa pala at um-attend pa ng isang premier night. Saan nabibili ang dugo niya? Magpapa-reserve ako. Mga tatlong galon!
Si Apo Wang-Od, ang legendary Igorot magbabatok na guest pa sa isang convention/event dito sa Manila at the moment.

O ‘yung contestant ng Tawag Ng Tanghalan sa Its Showtime just recently, si Dominador something, na parang lolo na sa katandaan pero bumibirit pa rin ng Love Hurts ng Nazareth. Rod Stewart ang peg. ‘Yung ikaw pa ‘yung matatakot na baka mapatiran ng ugat si Lolo habang inaabot ‘yung nota sa pagkanta!

At ng favorite kong American novelist na si Stephen King, na kaka-70 lang last month at kalalabas lang ng bagong novel (a collaboration with his son).

Sila ang patunay na totoo ang gasgas na kasabihan na “Age is just a number”.

Ang mahalaga e kung capable ka pang ipamalas ang talento o kakayahan mo at kung may tatanggap pa sa’yo.

Parang ‘yung TV program “Kapwa Ko, Mahal Ko”, ayaw paawat. Nakita ko lang ulit sa telebisyon kaninang umaga at umeere pa rin pala after 40 years. Si Connie Angeles e ganun pa rin ka-kalmado ang boses at nandun pa rin sa loob ng inserted circle ‘yung nagsa-sign language.

Stronger pa rin ang foundation. Kasi, ang mahalaga, may sumusuporta at naniniwala sa kanila.
Going back to The Foreigner, maganda siya, decent flick pero huwag kayong umasa na kasing-ganda siya ng Taken ni Liam Neeson na nag-e-escalate ang suspense habang tumatagal. Hindi napaangat ang puwet ko sa silya!

Ganunpaman, satisfying ang eksenang niratrat na ni Jackie Chan ‘yung mga bombers na pumatay sa kanyang anak.

Ayun.

Tuesday, October 10, 2017

BALLERINA (LEAP!)

A few nights ago, sinuggest ng friend/neighbor kong si Norvin na panoorin ko daw ‘tong animated film na Ballerina (na may American title na Leap), kesyo maganda daw ito eklat keme. 

Nagdalawang-isip ako kasi super fail sa akin ‘yung last na animated movie na sinuggest niya, ‘yung Cloudy with a Chance of Meatballs. Tungkol sa inventor ng machine kung saan nata-tranform ang tubig sa pagkain. Hindi ko nagustuhan ‘yung konsepto ng ‘umuulan ng hamburger, steak at french fries’! Tinulugan ko ‘yung cartoons na ‘yun. It bores me. 

Kaya ‘di ako nadala sa suhestiyon niya. 

Until sabihin niyang tungkol daw ‘yun sa mahirap na babae na naabot ang pangarap niyang maging ballerina. 

Magic words.

E aside from ‘one great love’, gustong-gusto ko ‘yung mga rags-to-riches/celebration of the human spirit/aspirational-themed movies.

So nang gabi ring ‘yon, inupuan ko siya.

At after ng movie, pinindutan ko siya ng golden buzzer.

Ang ganda!

Tungkol siya sa dalawang ulila (isang dalagitang pangarap maging ballerina at isang binatilyong pangarap namang maging inventor) na tumakas sa bahay-ampunan at napadpad sa Paris, France. Doon nagkahiwalay sila, nakipagsapalaran sa siyudad at nakilala ang mga taong magkakaroon ng significant roles upang maabot nila ang kanya-kanyang pangarap. Makakaranas si dalagita ng pang-aapi sa anak-mayamang bitchesa at ‘yun ang magiging sandalan niya upang maabot ang pinakamimithing pangarap, ang maging isang ballerina.

Isa siyang pinaikling pinoy teleserye na ginawang cartoons. Merong apihan, merong pasiklaban, merong teen love story, rivalry, etc. Ganun ang moda. May feels siya ng Princess Sarah, na cartoons noong 90s or ‘yung A Little Princess children’s novel.

To add, with magagandang featured songs na dumi-Disney musical.

Ang pinakanagustuhan ko sa movie, life–affirming siya. Fighter ang mga characters, lalung-lalo na ‘yung pinakabidang babae. Yung ‘di siya gumive-up sa pag-abot sa pangarap niya. Nagmanifest tuloy sa kanya ang Law of attraction! What you think, you become. Ganyan. Anlakas maka-positive vibes!

Isa ito sa mga underrated movies of 2016. Di siya pumasok sa radar ko last year kaya di ko siya nailagay sa watchlist ko. 


Aside from Legend of the Guardians: The Owls of Ga'Hoole
At Rise of the Guardians, isa ito sa mga animated films na nasurpresa ako. ‘Yung tipong wala kang inaasahang magandang mapapanood pero in the end, magiging isa sa mga favorite mong animated movies. Isa siya sa mga pelikulang mag-iiwan sa’yo ng ngiti at saya.

Very entertaining.

Highly-recommended.  

Sunday, October 1, 2017

GERALD'S GAME


Napanood ko rin ang Gerald’s Game. 

Nagustuhan ko siya. 

Sulit naman ‘yung paghihintay ng dalawang dekada sa movie adaptation ng Stephen King novel. Nabigyang hustisya ni Mike Flanagan ang one of my favorite SK books.

Decent flick. Kasing-creepy ng Get Out at It Follows.

Yung hitsura ng Moonlight Man ang nagdala. Mari-retain siya sa memory mo hanggang sa pagtulog. Katakot amf.

Watch it sa Netflix or download it sa torrents.

Highly-recommended. A must-see for a Stephen King fan like me.

Thursday, September 28, 2017

LAST NIGHT



For me, ito ang taon kung saan ipinalabas ang tatlo sa pinakamagagandang pinoy romantic movies sa mga sinehan. Sinimulan ng KITA KITA, sinundan ng 100 TULA PARA KAY STELLA. Tapos ngayong last quarter ng taon, itong LAST NIGHT starring Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Napakasimple lang ng istorya pero napakaganda. Tagos sa puso ang pelikulang ito. (Spoiler Alert)

Kung ako ‘yung magpi-pitch nito sa producer, ganito ko lang ito ipi-pitch: What if may dalawang taong nagpaplanong magpakamatay ang nagtagpo isang gabi at napagkasunduan nilang magsama ng buong gabi tapos, sabay na lang silang magpakamatay after? Kaso, along the way e nagka-inlove-an sila? Itutuloy pa rin ba nila ang pagpapapakamatay?

Ganun lang kasimple ang premise nito. Pero sa unique na interpretasyon ni Direk Joyce Bernal at kung sino mang magaling na manunulat ito nanggaling, naging very engaging siyang panoorin. Kulang nga ako sa tulog kaya first few scenes ng pelikula e inaantok na ako. Napapapikit na nga ako, papuntang pagkaidlip na antok ngunit dahil paganda ng paganda ang mga eksena, kinapitan ko ang kuwento kaya natapos ko ito ng buo.

Perfect casting dito sina Piolo at Toni. Ang pagkakaroon ng quirky personality ng karakter ni Toni at depth ni Piolo sa mga dramatic moments niya dito ang siyang tamang timpla ng on-screen chemistry ng dalawa. Parang pinagsama mo sina Ryan Gosling at Meg Ryan sa isang movie.

75% ng movie e rom-com ang moda. Kaiinisan mo nga ‘yung takbo ng story kasi mukhang niro-romanticize nito ang suicide process tulad ng TV series na 13 Reasons Why. Until that 25% remaining, kung saan naipakita ang punto ng movie na mas maganda ang mabuhay kesa magpakamatay at iwanan ang mga mahal sa buhay na nagdurusa.

Ang sakit-sakit.

Para kang lalabas sa sinehan ng may nanghiwa ng blade sa puso mo o muling nanariwa ang sugat nito.

Yes ganun siya kabigat. Pero maganda.

After watching the film, tulad ng pelikulang What Dreams May Come, nagkaroon ako ng certain realizations about life and death. Na-moved ako ng pelikulang ito.

Paglabas ko nga ng sinehan, para akong nagkaroon ng separation anxiety sa mga characters dito. Para akong ‘yung isa sa dalawang characters na ayaw maghiwalay sa ending pero trapped na siya sa iisang sitwasyon na di na niya mababago kailanman kaya wala na silang choice kundi ang magkahiwalay.

Watch niyo. Kakaibang romantic movie. Ngayon ko lang napanood ang ganitong klaseng timpla ng romantic movie from Star Cinema.

Inikutan ko ‘to ng upuan. For me, its a YES!

Wednesday, September 27, 2017

RESPETO



Just got home from watching RESPETO.

Ito ang take ko sa Cinemalaya 2017 Best Picture na ito:

First few scenes e aakalain mong mala-Brazilian film na Cicade de Deus (City Of God) ang tatakbuhin ng pelikula dahil sa pinakita nitong grit. Nang ipakita pa lang ang backdrop ng story, slum community in Pandacan, Manila e amoy na amoy mo na ang lugar.

Until i-present ang character ng matandang makata na si Dido de la Paz at mamuo ang unlikely friendship with the male lead, Abra. This time, ang moda na nito e ang Mexican film na Amores Perros.

UNTIL pumasok sa eksena ang bar girl na love interest ni Abra, si Candy. At idagdag mo pa diyan ang flavor na underground rap battle. Naging 8 Mile na ni Eminem ang pelikula.

Ang nagustuhan ko sa script e ang paglalagay ng profanity sa mga dialogue tulad ng “kantut_n, k_pal, at sandamakmak na put_ng ina”. Bumagay sa story. Kasi ganun ka-honest at ka-brutal ang kuwento nito.

Habang pinanonood ko ang pelikula, sigurado akong si Dido de la Paz ang nagwaging Best Actor. Kasi para sa akin, hindi ang karakter ni Abra kundi siya ang puso ng pelikula. Sa pinakahuling eksena, sinasabi ng karakter niya ditong “pelikula ko ito kasi nasa akin ang bagahe” o “Ako ang Respeto!”. Nag-iwan sa akin ng marka ang napakahusay niyang pagganap. Ramdam na ramdam ko siya.

Kaya after watching, ginoogle ko talaga agad ang mga list of winners ng Cinemalaya 2017 upang makatiyak ako sa aking palagay at nagulat ako nang malaman kong sa best supporting actor category lang siya nanalo.

Di ko pa napapanood ang Kiko Boksingero so di ko pa alam kung bakit si Noel Comia, Jr. ang itinanghal na panalo.

Pero para sa akin, hindi pang-best supporting actor si Dido de la Paz. Siya ang best actor!

No, hindi naman ako na-blown away sa pelikula. Maganda siya pero hindi kasingganda ng Pamilya Ordinaryo o Ma Rosa na napaangat ang puwet ko sa kakapalakpak sa pag-roll ng end credits.

Ito ay pinoy version ng 8 Mile na may political undertone. Kung pahuhulain mo nga ako kung sino ang nagdirek ng pelikula without knowing the real filmmaker who helm this project, sasabihin kong si Carlitos Siguion Reyna ang gumawa ng pelikula. May texture kasi siya ng Azucena.

Kung mahilig ka sa tula, sa fliptop o sa rap e siguradong magugustuhan mo ito. Habulin mo ito sa sinehan bukas na bukas din at di ka magsisisi. Hindi ka manghihinayang sa ibabayad mo.

Mukhang magkakaroon ito ng second week sa mga piling sinehan.

Saturday, September 9, 2017

STEPHEN KING'S IT



Just got home from watching IT with friends. 

I loved it! 

Headbanger si Pennywise! 

Na-build-up ng maayos 'yung characters at nai-set ng tama 'yung mood ng tension na parang traditional horror movie noong 80's. 

May hustisya ang film version! 

After Conjuring 2 at Get Out, isa ito sa pinakanagustihan kong horror film of the past 3 years. 

A must-see for a Stephen King fan!

Monday, September 4, 2017

LOVE YOU TO THE STARS AND BACK


Just got home from watching Love You To The Stars And Back. Nagkaroon ako ng interes na panoorin ‘yung movie because base sa trailer, Alien believer din dito si Julia Barretto, just like me sa totoong buhay. Kaya nang magsimula na ang pelikula, madali ko nang nakapitan ‘yung karakter ni Julia dahil ang moda ko, ako na si Julia Barretto at kuwento ko ‘tong panonoorin ko.

After one hour of the movie, saka ko lang naramdaman na pelikula pala nina Joshua at Julia ang pinanonood ko. Love story pala nila ito. Sila pala ang loveteam dito. Pero dahil kumita ang Vince, Kath & James last year sa MMFF, nasundan pa ng project ang dalawa. E kahit ano namang pelikula sa MMFF season, kumikita. Kung meron mang hindi, bihira. At saka pinanood ng mga baks ‘yun because of Ronnie Alonte!

Hindi sila Joshua at Julia ang bida ng movie. Pero nahatak ni Joshua ang hindi pang-masang presensiya ni Julia. Hindi rin bida ang kuwento.

Ewan ko ba pero after Kita Kita, e parang latak na lang ang lahat ng mga romantic films na napapanood ko. Sobrang taas ng bar na nai-raised ng Kita Kita kaya kahit decent pinoy romantic flick e hindi ko gaanong ma-appreciate like 100 Tula Para Kay Stella.

Ang bida dito ay ang theme song ng pelikula, ‘yung Torete. Naghiyawan sa kilig ‘yung humigit-kumulang na 30 moviegoers sa loob ng sinehan nang unang patugtugin ‘yung kanta sa JS Prom scene.

Kung tutuusin, mas Kathniel at Jadine material ‘tong movie. Pero dahil siguro sa bigat ng ilang eksena ng character ni Caloy (sa kadahilanang baka di mabigyang hustisya nina Daniel Padilla at James Reid), e binigay kay Joshua.

Kinaloka ko dito ‘yung isang eksena ng kontrabida Queen Ms. Odette Khan! At inakala kong episode ng Shake, Rattle and Roll movie ‘yung pinapanood ko!

Meron ding vital role dito ang ka-loveteam ng bibe sa Super Inday and the Golden Bibe, ‘yung manok na kulay puti, si Goldie. Ang Star Cinema talaga, nakiuso pa sa bird’s flu outbreak at nagpasok ng manok sa movie.

Kung ano man ang pinakanagustuhan ko sa movie, ito ay ang ang dialogue na: “Kung di ka sigurado, ang kailangan mo lang gawin ay maniwala ka. “ or words to that effect. Lumo-Law of attraction! Anlakas maka-word of encouragement. Power!

Kung susumahin ko ang movie, para siyang larong Pinball, maraming pinuntahan ‘yung bola pero, in the end, na-hit naman niya ‘yung Jackpot.

A decent romantic flick.

Kung faney ka ng Wattpad stories, siguradong magugustuhan mo ito. Watch it!

Sunday, August 27, 2017

CATFISH (DOCUMENTARY MOVIE)

Napanood ko ‘to kahapon ng madaling araw. Except sa Ancient Aliens, hindi ako nanonood ng documentary gaano. Hindi ako mahilig sa mga dokyu. Inaantok ako. Pero itong CATFISH, sa loob ng isa’t kalahating oras, na-entertain ako at hindi ako inantok. Napakaganda! Para akong nanood ng reality show/romantic comedy movie!

Kuwento ito ni Nev, isang photographer sa New York na gustong makita ang Facebook friend niya for 8 months na natutunan na niyang mahalin, si Megan, for confirmation na totoo ngang tao ito at upang hindi na siya umasa sa wala. Kaya sinurpresa niya itong pinuntahan sa Michigan at siya ang nasurpresa sa nalaman niya doon! May pa-big reveal!

Sa totoo lang, gustung-gusto kong ikuwento dito sa FB ang buong detalye ng dokyu na ito kaso baka ma-spoil ko lang ang panonood niyo. Maganda ngang concept ito ng romantic comedy movie e. Nakakawindang ang twist and turns. Ma-iinlove, kikiligin, matatawa, maaawa, magigimbal, malulungkot, maiinis at mababaliw ka sa pag-iisip na meron pala talagang ganung tao sa mundo. Aasa ka sa isang aakalain mong napakagandang love story pero ang ending, maaaning ka sa twist ng istorya!

Kung inaakala mong nakilala mo na ang pinaka-maimbentong tao sa buhay mo (‘yung mga kaibigan mong punum-puno ng prutas sa ulo, di nawawalan ng fabricated stories, pantasya, imagination at delusion of grandeur), puwes nagkakamali ka. Watch mo ito at nang makilala mo ang totoong si “Megan” at baka dito na-inspire gawin ni Jason Paul Lacsamana ang BABAGWA at ni M. Night Shyamalan ang SPLIT.

Nakakaaliw ‘tong documentary na ito!

Sinearched ko pa talaga ito sa Wikipedia after kong mapanood. At dahil sa critical at commercial success nito noong 2010, nanganak pa ito sa MTV channel ng TV Show version noong 2012. At nasa Season 6 na ito this year.

Ito nga at na-download ko na sa torrent at sisimulan ko na.

You can download it sa torrent or check sa Youtube if available ‘yung documentary film.

Well-recommended!

Thursday, July 27, 2017

DOLORES CLAIBORNE

Lutang pa rin ako sa ganda ng KITA KITA kaya in order na makawala ako sa ka-OA-yan ko, naghanap ako ng old movie na nagustuhan ko noon para muling panoorin at tuluyang ma-divert ang mood ko sa iba.

Just watched my all-time favorite mystery/crime drama movie DOLORES CLAIBORNE for the 4th time. At ganun pa rin ang dating nito sa akin tulad noong una ko 'tong napanood 22 years ago. Mas na-appreciate ko pa nga.

I still think na na-robbed ng Oscar nominations dito noong 1996 sina Kathy Bates for best actress, Jennifer Jason Leigh for best supporting actress at si Christopher Plummer for best supporting actor.

Favorite ko dito 'yung linyang "Sometimes, you have to be a high-riding bitch to survive. Sometimes, being a bitch is all a woman has to hang onto."

This is based from a Stephen King novel.
At nabigyang hustisya ni Taylor Hackford ang film adaptation nito. Dito ko unang nakita 'yung kakaibang style ng paggamit ng flashbacks transition.

May feels siya ng PRISONERS ni Denis Villeneuve.

Tuesday, July 25, 2017

KITA KITA


Nakakapunyeta sa ganda ang KITA KITA!

Buti na lang nahabol ko ito sa sinehan. Mag-iisang linggo na ito bukas.

After so many years of waiting, meron na tayong pantapat sa MY SASSY GIRL at WINDSTRUCK ng Korea!
Bukod sa may puso, may magic ang pelikula!

Umpisa pa lang, dama mo nang maganda ang pelikula. May korean movie feels siya.

Isa itong lesson sa mga rom-com directors ngayon na hindi mo kailangan ng guwapong leading man, sandamakmak na supporting characters, at mga kumplikadong kuwento para makagawa ng magandang romantic film. Sa sobrang simple ng story nito, hindi utak ang pinagana niya, kundi ang puso.

After ng film, napapalakpak ako mag-isa at nung bumukas ang ilaw, ‘yung mga tao e nagpapahid ng mata.

Nasambit ko sa movie buddy kong si Vergel ng: “Ang payak lang ng kuwento noh? Tapos dalawa lang silang bida. Pero tumakbong napakaganda ng movie.”

Sabi niya: At walang comebacking actress na gumaganap ng Nanay. Walang Ana Roces or Sunshine Cruz.

Natawa ako. Pati ba naman sa comment, ipinasok pa rin ang mga original starlets.

Pagpunta ko ng CR para jumingle, naririnig ko ang mga komento ng mga grupo ng kalalakihan.

Lalaki 1: Ang lupit, noh?!

Lalaki: Oo nga, pre. Ang ganda!

Ang pinakanagustuhan kong linya sa movie e: “Ako nga pala ‘yung pulubing pinakain mo ng repolyo.”

After that dialogue, ayun na, tumulo na ang luha ko.

Isa pang ganitong kuwento, Sigrid Andrea P. Bernardo at mukhang ipinanganak na ang bagong Reyna Ng Romantic Movies. Puwede na tayong makipagpukpukan sa mga Korean romantic stories!

Hindi ako magugulat kung, in the near future, magkaroon ng Hollywood version ito.

Friday, July 14, 2017

WAR FOR THE PLANET OF THE APES


Di ako magtataka kung sa near future e magkaroon ng award category sa Oscars ang Best in Motion-Capture Acting at dahil 'yan sa napakahusay na pagganap ni Andy Serkis bilang Caesar sa War For The Planet Of The Apes. Na-convinced niya akong totoong taong unggoy siya at hindi isang CGI lang.

Except sa Hiram Na Mukha ni Nanette Medved, ngayon lang ako nakanood ng movie na ang lead character e taong unggoy at kinapitan ko talaga siya. Siya ang bida ng kuwentong ito. Mas makatao pa siya kesa sa totoong tao e.

Sa totoong buhay naman talaga, mas marami ang anyong tao pero animal kung umasta. At mas marami ang mukhang hayop pero mas may puso at maayos makitungo sa kapwa.

#UnggoyMovieNaMayPuso

Monday, July 3, 2017

OKJA




After kong mapanood 'tong OKJA, parang ayoko nang mag-pork. Gusto ko nang mag-vegetarian.

Pinaiyak ako nitong higanteng baboy na 'to. May puso ang pelikula! May feels siya ng Mac n' Me, Andre at E.T.

Mas better sana kung hindi na lang inincorporate sa story 'yung tungkol sa Animal Liberation Front at mas nag-focus na lang sa story about friendship nina Mija at Okja. Mas mada-digest ng mga batang audience. Kasi 'yun ang promise ng trailer e. Kaso nung pumasok yung grupo ni Paul Dano na ALF, nabahiran ng adbokasiya ng cruelty against animals 'yung movie. Hindi na siya ultimate pambata movie.

Ang pinakanagustuhan ko dito e yung role ng favorite hollywood actor kong si Jake Gylenhaal bilang alcoholic zoologist. Di ko akalaing si Jake 'yun until a few minutes after niyang lumabas sa eksena. Ang husay ng atake niya sa role. Caricature!

Si Tilda Swinton din hindi nagpakabog bilang ansiya-ansiyang businesswoman.

At si Glenn Rhee ng The Walking Dead nandito rin!

Faney din ako ng direktor nitong si Joon-Ho Bong na siya ring naghelm ng favorite korean films kong Memories of Murder, Mother at Host. Pati na rin ng hollywood-produced dystopian film na Snowpiercer.

Four stars out of five.

Watch it!

Sunday, July 2, 2017

EVERYTHING, EVERYTHING

Ang balak ko talagang panoorin e Transformers today kaso I heard bad reviews from people online, ‘yung iba e hindi lang na-bored, nakatulog pa sa sinehan. So I ended up watching Everything, Everything instead. At hindi ako nagsisi.

Nyeta, nakakakilig! Ang lakas makapang-Millennials! Nakaka-teenager!

Parang ipapatikim niya muli sa’yo ‘yung virginity mo, ‘yung first love mo. Para kang na-devirginized sa pag-ibig sa matamis at napakagaan na paraan.

Sa lahat ng love stories na napanood ko, ito na yata ang pinaka-lightest romance. Mas light pa sa Baby Love ni Ana Larrucea at Jason Salcedo!

Yun bang sa sobrang gaan niya sa dibdib, lalabas ka ng sinehan at mapipindot mo ang sarili mo kung naging bulak ka na sa sobrang lambot tulad ng bidang babae o para kang may dala-dalang cotton candy sa sobra mong sweet.

Pag-uwi mo e aakalain mong katabi mo si Bianca Araneta at mapapa-ballet dance ka to the tune of Ang Gaan Gaan Ng Feelings. That Ivory TV ad theme song noon.

Girls, watch niyo at nakakabango siya ng pagkababae. Kung gusto niyong gumaan ang dibdib niyo sa problema at lumabas ng sinehan na nakangiti kayo ala Carol Banawa. Uuwi kayo na parang kabubuhos niyo lang ng Lactacyd Pink.

Tuesday, June 6, 2017

PSYCHO



30-Day Film Challenge will culminate with

Day 30 - My perfect film:

'PSYCHO'

Nung napanood ko ito nung bata ako, takot na takot ako. Sino ba naman ang makakalimot sa kahindik-hindik na iconic shower / death scene ni Janet Leigh at sa shocking twist sa bandang dulo nito?

At gawa ng horror fanatic ako, binili ko 'to sa pirated dvd nung makita ko 'to nung tumanda na ako.

At mas na-appreciate ko siya lalo.

Naranasan ko na kasi ang maging miyembro ng production at pati ng creative team so meron na akong knowledge sa paggawa ng pelikula.

Kaya masasabi kong 'yung pelikulang ito ay dumaan sa masusing pre-prod meetings at idinirehe to perfection ng isang henyo, ni Alfred Hitchcock. Pulidung-pulido ang pagkakagawa!

Sa lahat ng aspeto, simula sa acting to script to editing to musical scoring to cinematography to over-all direction, timpladong-timplado!

Ahead of its time. Wala pa rin akong nakikitang horror thriller na papantay dito sa ngayon. Kahit ang Halimaw Sa Banga or Tiyanaks ay 'di man lang nakapalag.

Dito yata na-introduce 'yung Dolly Zoom technique ng mga cinematographers pagdating sa suspense na eksena e? Or sa Vertigo ba?

To think, black and white film pa ito ha. What more kung colored pa?

Kaya nga nang magkaroon ito ng remake nung 1998 at claim ng ambisyosong direktor dito e 'it's Psycho in color', epic fail si Gus Van Sant. Hindi niya nabigyang hustisya!

Bakit mo iri-remake ang isang perfect film? At paano?

Kaya din siguro super favorite ko 'tong pelikulang ito e sa kadahilanang i dig horror movies. Most especially, 'yung may timplang psychological thriller at 'yung merong character na serial killer.

At itong pelikulang ito ang pinakamataas na pamantayan ng ganung genre.

At dahil wala akong makitang pagkukulang dito, wala akong maipintas hanggang sa dulo ng pinakamaliit na detalye kaya ito ang perfect film para sa akin.

Monday, June 5, 2017

WHAT DREAMS MAY COME

30-Day Film Challenge

Day 29 - The movie that taught me a valuable lesson

"WHAT DREAMS MAY COME"

The year was 1998... nineteen years ago.
At disi-otso anyos lang ako that time.

Pinanood ko ang pelikula ni Robin Williams na ito sa old Greenbelt Cinemas, Makati. Yung lumang simbahan pa at meron pa ditong nakapaligid na malaking fish pond.

Nakatulog ako sa kapuyatan at hindi ko matanggap na hindi ko siya napanood ng buo.

Uso pa noong panahon na 'yun umulit ng panonood sa loob ng sine.

So ganun nga ang ginawa ko. Nagbabad ako doon after closing credits para ulitin ang movie for free.

Ang nakakatawa, nakatulog ulit ako for the second time hindi dahil sa boring ang movie. Talagang puyat lang ako.

After ilang weeks, nakita ko siya sa pirated DVD. Binili ko ang isang copy at pinanood ko ulit.

This time, nasilayan ko na ito ng buo.

At iniyakan ko ito.

Nagbago ang tingin ko sa death after watching this movie.

I realized na dapat e ipakita at ipadama mo sa taong mahal mo ang pagmamahal mo sa kanya habang kayo'y nabubuhay pa. Mas mahirap itong gawin after niyong mamatay kasi ikaw, puwedeng sa langit mapunta, siya naman e sa impiyerno. So mas hassle ang journey mo kung susuyurin mo siya sa impiyerno para iakyat papuntang langit. Tulad ng nangyari sa dalawang characters sa pelikulang ito.

Parehong mahusay ang pag-arte na ipinamalas nina Robin Williams at lead actress niyang si Annabella Sciorra dito. Na-snubbed ng Oscars itong movie na ito in terms of acting categories. Pero nanalo naman itong Best Visual effects noong 1999.

Base ito sa novel ni Richard Matheson, ang sumulat din ng paborito kong ghost story, ang Stir of Echoes at ng I Am Legend.

Ito ang pangalawa sa pinakapaborito kong movie ni Robin after "MRS. DOUBTFIRE".

Sunday, June 4, 2017

WHATEVER HAPPENED TO BABY JANE?



30-Day Film Challenge:

Day 27 - A movie that no one would expect me to love

"WHATEVER HAPPENED TO BABY JANE?"

It's a black and white film, released in 1962. Nakita ko 'to sa isang blog some years back, kasama sa listahan ng Top 10 Psychological Thriller Movies ng blogger. So sinearched ko siya sa google. Nung nabasa ko 'yung positive movie reviews niya, nilagay ko na siya sa watchlist ko. Kesehodang black and white pa siya. E yung favorite horror film ko ngang PSYCHO e in black and white din tapos mas ahead pa ng two years ipinalabas kesa sa kanya. So kahit luma na, basta maganda, maganda talaga.

Lately ko lang siya na-download online at napanood, sa suggestion ng FB friend kong movie buff din.

One month after, pinalabas na ang FEUD, ang mini-series kung saan based sa dalawang artistang bida dito ang kuwento (Bette Davis at Joan Crawford), kung ano ang naganap before, during at after the production of this film.

Akalain mo 'yun, meron palang namumuong rivalry sa dalawang artistang bida sa psycho thriller movie na 'to. Parang pinagsama mo sina Nora Aunor at Vilma Santos sa Huwag Mong Buhayin Ang Bangkay! Pukpukan!

Hindi siya kasingganda ng PSYCHO pero nagustuhan ko 'yung story at performance ni Bette Davis. Mukhang 'yung pagganap niya dito ang naging template ng mga hollywood actress when it comes to baliw-baliwan acting (Glenn Close in Fatal Attraction, Piper Laurie in Carrie, etc.)

Dito ko rin narinig 'yung isa sa pinakapaborito kong linya na sinabi ng isang artista sa pelikula:

"You can lose everything else, but, you can't lose your talent."

At sinabi 'yan ng isang maluwag ang turnilyo sa utak na karakter sa pelikula.

Saturday, June 3, 2017

THE PRINCE OF EGYPT



30-Day Film Challenge

Day 26 – My most favorite animated movie

“THE PRINCE OF EGYPT”

Hindi ako relihiyosong tao kaya hindi ako fascinated sa mga biblical stories. Pero itong animated version ng kuwento ni Moses sa Book of Exodus sa bible e sobra kong nagustuhan. Nangilabot ako nang magsimulang kantahin ni Tziporrah ‘yung theme song nito sa movie. At napaluha ako nang mahati ang dagat! Parang nandun mismo ako at nasaksihan ko ‘yun sa aking harapan. Para akong nasapian ni Elsa at napaniwala talaga sa Himala!

Idagdag mo pa diyan ang pamatay na theme song na When You Believe na merong pop version sina Whitney Houston at Mariah Carey.

EPIC.

Friday, June 2, 2017

WONDER WOMAN (2017)


Kapag batang bakla nung 80s – 90s, dalawa lang ang gusto mong maging superhero, sina Darna at Wonder Woman. Kaya nga sa mga Halloween Parties, sa mga Miss Gay contests, comedy bars at lalung-lalo na sa mga cosplayer conventions e di nawawala ang baklang naka-Darna or naka-Wonder Woman costume. Bakit? Kasi relate na relate kami sa kanila, feel na feel ng mga bek-bek na tulad sila ng dalawang superheroine, kahit babaeng-babae (may magandang mukha at balingkinitang katawan) e kasinglakas naman sila ni Superman. At nakikita nila sa mga ito ang pantasya na makapagsuot ng bra at panty sa publiko na katanggap-tanggap sa tao. Idagdag mo pa na namumulaklak ang love story ng mga ito.

Kaya nga nang mabalitaan ko na magkakaroon ng movie version ang Wonder Woman years ago e na-excite ako. With advanced CGI technology ngayon, alam ko, mapapaganda nila ito.
Sinubaybayan ko ang lahat ng lumabas na updates about Wonder Woman. I was rooting for Megan Fox to take the role. Or kaya, si Beyonce para magkaroon ng kauna-unahang black Wonder Woman. Epic yun!

Kaya nang in-announced na na si Gal Gadot ang naka-bag ng role, ang tanong ko (at ng halos lahat), DA WHO? CYNTHIA?

Pero alam ko, kahit sino naman siguro ang magsuot ng costume ni WW e siguradong mababagayan nito e. Karakter ang bibihis sa’yo, so kiber na sa pangalan ng artista.

So ang taon ng paghihintay ay naging buwan… weeks… araw. Until today. First day of showing ng Wonder Woman first movie ever!

Excited akong gumising ng umaga kanina sa sobrang excitement. Pero later tonight ko pa talagang balak panoorin ito kasi nga may Maynila creative meeting kami sa Trinoma kanina ng 1 pm.
Sa meeting, binigyan ako ng writing assignment ng aming headwriter at sa sabado na ang deadline. Ang title: Wonder Mom. Bagay na bagay sa araw na ito.

By 5 pm, e natapos din ang meeting at ni-release na kami ng aming headwriter. So I texted my beki friend kung gusto ba niyang manood ng WW. Puwede daw siya. He suggested na sa Cash And Carry na lang daw kami manood ng 9:30 pm, last full show. So umagree ako. I went back home and sleep for a while. Nang magising ako ng 8 pm e biglang sumakit ‘yung ulo ko so tinext ko si beki friend na di na ako tutuloy manood, siya na lang.

I went back to sleep. Nagising ako ng 10 pm at nawala na ‘yung sakit ng ulo ko pero hindi ako mapakali. Napaisip ako, mukhang hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko kapag napalampas ko ang first showing day ng WW at hindi ko ito napanood sa sinehan! Alam kong I need to see the movie bago man lang ako magkulong ng bahay at magsulat ng script for two days!

I need an energy booster!

Kailangan kong makanood ng magandang pelikula.

Kailangan kong maisakatuparan ang isang task.

Kailangan kong mapanood ang Wonder Woman sa unang araw nito. By hook or by crook!
Chineck ko sa Click The City ang merong pa-midnight screening nito na malapit sa Guadalupe. At presto, merong 11:30 pm sched ang Venice Grand Canal Mall diyan sa Mckinley Hill, BGC. Super lapit lang sa place namin.

In just five minutes e nakagayak na ako at kumuha ng Uber Car. Kasingbilis ni Wonder Woman with her invisible jet.

Yung nakuha kong Uber Driver, bopols sa road directions at umaasa lang sa Waze kaya bukod sa paikot-ikot kami ng BGC e naligaw pa kami. Biglang papuntang Pasig na yung tinatahak niyang daan! E 11 pm na nun, so lumakas ‘yung tagos ng regla ko sa sobrang kaba at pagkairita.

Mukhang ‘di ko na yata mahahabol ‘yung 11:30 pm screening. Oh no, i kennat!

Salamat sa mga road signs at natunton namin pabalik ang McKinley Hill. By 11:15 pm e nasa loob na ako ng mall at lumilipad sa pagtakbo. Oo, naging Elma Muros ang mga binti kong na-semi paralyzed para lang makaabot sa oras.

I’m very fortunate na nakapili pa ako ng eye-level seat. At… hindi crowded sa loob ng sinehan.
So I was there in time at nasimulan ko siya.

PASABOG SI WONDER WOMAN!

(Spoiler Alert)

Very satisfying itong movie version niya. Kung ano ‘yung expectations ko noon, nakamit niya at nalagpasan pa!

Ito ‘yung hinihintay kong superhero movie na magpapanginig ng binti ko sa sobrang excitement.

Hindi siya tulad ng mga super hero movies ngayon na nagsisimula ang kuwento sa pagputok ng problema sa story, itong Wonder Woman e inilahad muna ang pinanggalingan niya at bago, unti unti, ang problemang kanyang haharapin. So dahil pinakilala muna sa atin si Wonder Woman, kakapitan mo talaga kaagad siya at hindi mo bibitawan. Kasama ka sa journey niya. Very old school take ng superhero movie like Superman kaya relax ang utak mo sa panonood.

And to quote my beki friend, may puso siya!

Ang pinakagusto ko ditong eksena ay nung ipinakita na si Wonder Woman in her costume sa full shot. At, take note, sinasalubong niya ang mga bala ng kalaban sa gitna ng digmaan sa kagubatan. Sinasalag talaga niya ang bawat bala na pinapuputok sa kanya!

Napataas ang puwet ko sa upuan nang buhatin niya ‘yung tangke! Ang taray ni Ninang! Parful!
So ito na ang bago kong favorite superhero movie sa ngayon.

Napansin ko lang, naglalaro ang mukha ni Gal Gadot kina Natalie Portman at Keira Knightley. Na chuma-Chanda Romero pag mukhang haggard.

Pero bagay na bagay sa kanya ‘yung costume. Tindig-Wonder Woman talaga. Parang buhay na komiks!

Feeling ko, sa part 2 nito e magkakaanak si Wonder Woman kasi na-one time/bigtime siya dito ni Chris Pine e. Makiri din ang bruha. Hindi na virgin si Wonder Woman! Ayan, inispoil ko na.
Pag-roll ng credits, napapalakpak talaga ako sa pelikula! I was very entertained. Enjoyed it a lot. At feeling ko, nag-uumapaw na ang energy level ko para magsulat kinabukasan.

Kalalabas ko lang ng cinema nang chineck ko ‘yung cellphone ko at mabasa ko ‘yung PM sa akin ng friend ko about the terrorist attack at Resorts World Manila. Bigla akong na-disorient. Biglang baba ng energy level ko. Back to zero.

So dumaan muna ako sa Mcdonalds para magpa-takeout at baka ginutom lang ako sa sad news na iyon.

Napaisip ako, kung sa pelikula, si Wonder Woman e peace warrior at ayaw na ayaw sa giyera at violence kaya niya tinutuligsa ang mga taong may pakana nito, sino ang magwa-Wonder Woman sa tunay na buhay? Sana e meron talagang Wonder Woman para meron na rin tayong proteksiyon sa mga terorista.

BOY SA CASHIER: Ano pong order nila, Sir?

AKO: Isang Champ. Solo. Takeout.

BOY SA CASHIER: Wala po kaming Champ.

AKO (nag-init ang ulo ko, itinuro ang malaking burger sa display): E ano tawag mo dun?

BOY SA CASHIER: Big Mac po.

AKO (napahiya): ‘Yun nga. Pabibo ka rin e noh.

Hindi ko alam kung nataranta ba ako sa sobrang ganda ng Wonder Woman or sa terrorist news sa Resorts World.

Thursday, June 1, 2017

DATE WITH AN ANGEL

30-Day Film Challenge

Day 25 - My most favorite romantic movie

"DATE WITH AN ANGEL"

Napanood ko ‘to nung elementary days ko sa Million Dollar Movies noon sa ABS-CBN. Dito ako nagsimulang maniwala sa mga anghel. Nagkaroon ako ng first girl-crush dahil sa bidang babae dito, si Emmanuelle Béart, ‘yung French actress na gumanap na angel. Pagka-ganda-gandang nilalang! Napaka-inosente ng mukha. Sarap tsinelasin sa noo.

Super cute ng story nito. At sa mura kong edad e nakaranas akong kiligin!

Ito ang pelikulang nag-devirginized sa akin sa mundo ng romantic comedy kaya nag-iwan ito sa akin ng marka. To the point na nangarap din akong maging anghel na kasing-ganda ni Emmanuelle Beart.

Nakita ko ‘to sa pirated blu-ray years back at excited kong binili. Inuulit-ulit ko panoorin kapag gusto ko ulit ma-inlove.

Kung makakapagsulat man ako ng pelikulang mainstream at ipo-produce ng Regal Films, Viva Films or Star Cinema, ito ang pelikulang ipe-peg ko. May elements ng comedy, fantasy at love story. Perfect!

Up to now, wala pa rin akong makitang papantay dito na romantic fantasy bukod sa Gagay: Prinsesa Ng Brownout.

Tuesday, May 30, 2017

THE PERKS OF BEING A WALLFLOWER



30-Day Film Challenge

Day 24 - My 'perfect date' film

THE PERKS OF BEING A WALLFLOWER

Napanood ko lang 'to sa DVD nung 2012, hindi sa sinehan pero kung may ka-date lang siguro ako noon, ito ang 'perfect date' movie for us.

Sobra akong naka-relate sa kuwento ng mga struggling teenagers dito. Yung naranasang depression ng bidang lalaki, yung pagiging outcasted niya sa school, at 'yung pagiging aspiring writer niya. Akong-ako nung high school. Plus meron pang isang karakter sa movie, na tulad ko rin noong high school, merong sexual identity problem, hindi mailantad ang pagiging bakla. Idagdag mo pa ang numa-90s soundtrack. Saktong-sakto sa tulad kong napapagitnaan ng Gen X at millennials generation. Bago kayo magtaas ng kilay dyan, Ipinanganak ako nung 1980, kung kailan natapos ang Gen X at a year later, nagsimula na ang Millennials generation.

Favorite ko dito 'yung eksena sa Homecoming event kung saan nag-effort si Logan na maka-jive sa dance floor sina Emma at Ezra habang pinatutugtog 'yung Come On Eileen. Pumantay ito sa kilig na naramdaman ko noon sa pelikulang Casper, nung bumababa ng hagdan si Devon Sawa at inimbitahan niyang sumayaw si Cristina Ricci. Ganung feels! Nakakakilig!

Andaming teenagers/young adults ang makaka-relate dito. Very positive ang iiwanang insight nito sa manonood. Tinuturo ng pelikulang ito sa mga outcasted teenagers na may puwang ka sa school kung saan ka nag-aaral. Ang dapat mo lang gawin ay hanapin kung saan ka nababagay at kung saan ka tatanggapin.

Top 2 ko ang Never Been Kissed starring Drew Barrymore.

Top 3 ko ang Cruel Intentions, ang pelikula ni Reese Witherspoon kung saan ko siya unang nagustuhan.

INTERSTELLAR

30-Day Film Challenge

Day 23 - The “smartest” film i've seen

"INTERSTELLAR"

Ito ang pelikulang pinaka-nagpaalog ng utak ko pero nagustuhan ko. Nasusundan ko pa siya until dumating 'yung third act e. Mindfuck movie. Isang sci-fi movie na may simpleng tema ng power of love between a father and his daughter na kinomplicate ng interpretasyon ng direktor nitong si Christopher Nolan.

Hindi ko nakuha 'yung ending! Nang mag-roll ang closing credits, napatanong ako sa sarili ko: "Ganito na ba ako kabobo after kong maospital at hindi ko naintindihan 'yung ending?". Kaya bigla akong napa-Google about Solar System. At nagbasa ng about sa black hole, time travel at parallel universe only to understand the ending of this film.

Naintindihan ko na siya after. At na-appreciate ko 'yung film at brilliance ni Nolan.

Pero after two years, hindi ko na siya ma-i-explain now. Naglaho na 'yung napag-aralan ko sa storage ng tamad kong utak.

Top 2 ko 'yung The Arrival na isa ring nagpa-panic ng brain cells ko. Refreshing sa akin 'yung kakaibang paglalahad ng story.

Top 3 ko 'yung Memento ni Nolan pa rin na nagpa-stressed ng mind ko dahil sa backward storytelling na minsan ko lang mapanood sa isang pelikula. Na nabigyan ni Nolan ng hustisya.

Honorable mention, Momzillas.

Monday, May 29, 2017

MAC AND ME



30-Day Film Challenge

Day 22 - A film from your childhood

MAC AND ME

Marami ang nagsasabing rehash daw ito ng ET. Sa totoo lang, mas nagustuhan ko nga ito kesa sa E.T. Hindi dahil sa mas nauna ko 'tong napanood kesa sa ET nung bata ako, mas nag-enjoy lang ako sa kuwento ng bata at pamilyang alien dito. Aside kasi sa temang friendship at return to family na meron ang ET, mas nag-iwan ng marka sa akin ang touching na kuwento ng Mac And Me na meron ding tema ng acceptance sa bandang dulo ng movie. Na ang universe ay hindi lang para sa tao noh. Na kahit alien ka, may puwang ka sa mundo.

One of the best theme songs ever... Take Me, I'll Follow! Nakakaiyak.

Tumanda na nga lang ako sa kahihintay sa ipinangako nitong Part 2 sa dulo e. Hindi na nag-materialize.

Top 2 ko 'yung Howard The Duck.

Top 3 ko 'yung Short Circuit.

Saturday, May 27, 2017

THE NEVERENDING STORY

30-Day Film Challenge

Day 21 – The film that should have never had a sequel

“THE NEVERENDING STORY”

Ito ang pelikulang bumuhay ng malikot kong imahinasyon. Nang mapanood ko ‘to nung elementary ako, napaniwala niya ako sa Magic at sa ibang mundo tulad ng Fantasia. Naniwala ako na merong higanteng asong lumilipad (at nangarap na magkaroon nito), ng higanteng taong bato, ng higanteng pagong. Naniwala ako na merong prinsesa tulad ng Childlike Empress sa ibang mundo at nagfeeling na maging siya. Kapag walang tao sa bahay, pumupunta ako sa harap ng salamin, binibigkas ang “Bastian, please… Save us!” habang nakapulupot sa noo ko ang gold necklace ng mommy ko. At with matching pagluha din ‘yun.

First time kong nagka-crush sa bidang lalaki, hindi kay Bastian, kundi kay Atreyu. Feeling ko, ipagtatanggol niya ako sa lahat ng mga kakalaban sa akin. Kaya nga nang lamunin ng kumunoy ‘yung kabayo niya, nakisimpatya ako sa kalungkutan niya. Naiyak ako. At saka ako nagkaroon ng phobia sa kumunoy. Dun nagstart ‘yung binabangungot ako sa lumulubog na kumunoy.

Naalala ko, nung Grade 4 ako, gumawa ako ng NeverEnding Story book. Nakakita kasi ako ng malaking libro na katulad ng nasa movie tapos nilagyan ko ng design na ahas na pabilog ‘yung cover. Tapos binudburan ko ito ng sandakot na silver glitters.

Sa harap ng bahay namin, pinatong ko ‘yun sa monoblock chair at sinilip ko sa bintana kung sino ang makakapansin nun. Nag-imagine ako, kung sino man ang unang makakadampot nun ay hihigupin ng libro at mapupunta sa mundo ng Fantasia.

E walang pumansin. Dedma ang mga kapitbahay sa Joni’s version ng NeverEnding Story book. Namuti lang ang mga mata ko sa kahihintay. So nag-one day showing lang siya.

Ito ang pelikulang pinagkopyahan ng Once Upon A Time ni Dolphy. At ng Magic Kingdom series nina Peque Gallaga at Lore Reyes.

Pati ‘yung theme song nito, kapag naririnig ko pa rin ngayon, bigla akong bumabalik sa moment ng pagkabata at nagsu-switch on ang moments ko watching the film.

Kaya nga nung nabalitaan ko ‘tong may sequel at ang bida pa man din e ang crush ng bayan nung 90’s na si Jonathan Brandis, e hinintay ko ang release nito sa Betamax. Kaso kumain ng taon ang paghihintay ko at lumabas na ito sa panahon ng VHS. At nang mapanood ko na ito, super doper disappointed ako. Nakakapagtampo.

Kasi bukod sa tumanda ng ilang taon ‘yung mga bida/characters. Parang hindi na sila. Si Childlike Empress naging kinky ang buhok at papuntang Chucky doll na! Nagpakulot ang bruha. May parlor sa Fantasia!

At parang di naalagaan si Falkor. Nagmukhang asong kalye!

Ang kapal ng mukha ng producer nito para maki-ride sa isang napakagandang pelikula. Ganun nga, parang gusto lang kumita ng producer at nag-compromise sa quality.

Nakasimangot talaga ako the whole day after ko itong mapanood. Sinira nitong sequel ang magic nung original film. Wala sa kalingkingan ng sequel ang 1984 version nito. Hindi nabigyan ng hustisya!

At nanganak pa ito ng part 3. Siyempre, this time, nagbabakasakali akong babawi at baka kasingganda na ito ng original. So first day of showing, pinanood ko ‘to sa sinehan. At gusto kong sunugin ang sinehan sa sobrang disappointment ko. Parang episode ng Okay Ka Fairy Ko ang buong pelikula! Hindi lang ‘yung story at effects, mas pumangit pa lalo si Falkor! Naging malnourished!

To all my millenials blog readers, I suggest you watch this film. Ito ang Harry Potter namin nung 80’s. Yung part 1 nga lang ang maganda.

Sana magkaroon na ‘to ng remake. Exciting na mapanood ‘to sa IMAX 3D.

Friday, May 26, 2017

THE DANISH GIRL




30-Day Film Challenge

Day 20 - My favorite quote from any film

THE DANISH GIRL

“I love you, because you are the only person who made sense of me. And made me, possible.”

At kasama ko pa ‘yung partner kong manood nitong film na ‘to kaya saktong-sakto ‘yung dialogue sa gusto kong sabihin sa kanya.

Thursday, May 25, 2017

MRS. DOUBTFIRE

 30-Day Film Challenge

Day 19 – The funniest film I’ve ever seen

MRS. DOUBTFIRE

Ilalagay ko sana dito ‘yung ‘The Adventures of Priscilla: Queen of the Desert’ kaso nailagay ko na siya under ‘The film that makes you happy’ category. Kaya itong movie na lang na ‘to na for as long as I can remember e, ‘yung kauna-unahang pelikulang sumakit ‘yung tiyan ko sa katatawa sa loob ng sinehan, Mrs. Doubtfire.

Naalala ko, kasama kong nag-cutting class ‘yung pinsan ko noong high school kami para pumunta ng kabubukas lang na SM Megamall noon at manood ng sine. Tapos, itong movie na ‘to ang pinanood namin.

Gawa ng 14 years old lang ako noon at hindi pa ganun kalawak ang database ng napanood kong comedy films e tawang-tawa ako sa mga simpleng eksena dito. Tulad ng sinubsob ni Robin Williams ‘yung mukha niya sa cake sa loob ng refrigerator para di mabuking o ‘yung nahuli siya ng anak na binata na umiihi ng nakatayo sa CR, ‘yung first day niya bilang nanny sa bahay ng ex-wife niya tapos alam na niya kung saan nakalagay ‘yung mga utensils sa kitchen at ‘yung riot na pagsagip niya sa boyfriend ng ex-wife niya sa restaurant nang ito’y mabulunan. Sumakit talaga ‘yung tiyan ko sa katatawa dun sa eksenang ‘yun to the point na maglupasay ako sa sahig, literal.

Nang mapanood ko nga ito ulit lately, natawa pa rin naman ako pero hindi na ganun tulad nung napanood ko ito noon sa sine. Ganun yata talaga, kapag bata ka pa lang, e mas mababaw ang kaligayahan mo.

Top 2 ko, WHITE CHICKS. Naiyak ako sa katatawa. Concept pa lang na dalawang negro na nagpanggap na mga babaeng puti, havey na.

Top 3 ko, THE BIRDCAGE. Another Robin Williams starrer. Kakadownload ko lang nito last year sa torrent. Ito pa lang ‘yung napanood ko lately na nakapagpatawa sa akin.

Honorable mentions ko ang GIRL, BOY, BAKLA, TOMBOY ni Vice Ganda, ‘yung JACK En POY ni Marya at ni Roderick Paulate at ‘yung indie film na JUPIT starring Ate Gay. Super baklaan to the fullest.

Common denominator ng lahat ng paborito kong funny films? Gender-bender films or di kaya, ‘yung merong tema ng Transvestism or ang bida e mga transvestites (mga lalaking nag-bibihis babae).

Palagay ko, nag-ugat ‘yung taste ko for comedy sa mga napanood kong Miss Gay contest sa barangay namin nung grade school ako. Yung mga mukhang boksingerong candidates na naka-swimsuit tapos pinakikilala ng mga host sa pangalan ng mga artista. Instead na VINA MORALES, BINIYAK MORALES. Tapos instead na magalit ‘yung beki candidate e super confident pa siyang magka-catwalk sa stage. Larung-laro! At tawang-tawa ako dun.

So everytime na meron akong nababalitaang pa-Miss Gay ang barangay namin, hindi ko talaga pinalalagpas.

Ganun na ang naging pamantayan ko ng comedy.

Pero don’t get me wrong ha. Baka sabihin ng iba na ang babaw ng taste ko sa comedy films o Naa-appreciate ko rin ‘yung mga smart/clever comedy films like The Interview starring James Franco at Lady Killers starring Tom Hanks o ‘yung mga gaguhang comedy films (The Hangover, Dumb and Dumber).

Hindi naman nakakahon sa ganung tema ang pinanonood kong mga comedy films..

Mas dig ko nga lang ‘yung mga baklaang pelikula.

Monday, May 22, 2017

VICE GANDA MOVIES

30-Day Film Challenge

Day 18 - My “guilty pleasure” film

"Any Vice Ganda Movie"

Kahit na sinasabi ng iba na mababaw ang mga pelikula ni Vice Ganda at puro kabaklaan e pinanonood ko pa rin ito sa sinehan at, inaamin ko, nag-e-enjoy ako.

Hindi mababaw ang kaligayahan ko pero napapatawa niya ako to the point na sumasakit na 'yung tyan ko.

Siguro 'yung offensive humor niya ang havs sa akin.

E study says that people who enjoyed offensive humor are more intelligent daw.

Pak!

Sunday, May 21, 2017

CICADE DE DEUS (CITY OF GOD)

30-Day Film Challenge:

Day 17 - The film that not only changed the way i saw cinema, but the way i saw the world

Cicade de Deus (City of God)

I was 23 years old then when I first saw this Brazilian film. Literally, I was blown away by it.

For the first time, na-appreciate ko ang tema ng drug-dealer/gang war movie at ang use ng handheld camera work sa pelikula. Based ang story sa totoong buhay kaya makatotohanan ang atake ng director dito. Eye-opener ‘to sa akin kasi kung inakala kong malala na ang kundisyon ng squatters area sa Pilipinas, nang mapanood ko ito, nagmukhang pabebe lang ang Tondo sa setting ng pelikula sa Rio de Janeiro, Brazil. Kung saan, parang normal na lang ang patayan araw-araw dahil sa labanan ng mga gang dahil sa droga. Kaya normal na lang ang merong baril. Kahit bata pa lang, armado na. Imagine, isang komunidad na merong sandamakmak na Asiong Salonga. Ito ‘yun.

Dito yata ginaya ‘yung pelikulang Engkwentro ng Cinemalaya noon e.

Watch mo ito. Mapapaisip ka, mas suwerte pa pala na dito ka sa Pilipinas ipinanganak at lumaki compare sa mga batang lumaki sa Brazil, kung saan never mong mararanasan ang makaramdam ng salitang ‘safe’. Normal ang violence. Napaka-peligroso. Madugo. Brutal.

Ito ay isang pelikulang punum-puno ng grit.

I was deeply moved by this film.

Friday, May 19, 2017

ARGO



30-Day Film Challenge
 
Day 16 - The best political film

“ARGO”

Tungkol ito sa CIA Agent na nagpanggap na producer ng Hollywood science fiction movie at pumunta ng Iran para magkunwaring mag-i-scout ng locations para sa ipo-produce niyang movie pero ang totoong misyon niya e i-rescue ang bihag na anim na Amerikano sa Tehran sa kasagsagan ng U.S Hostage Crisis noong 1980.

Ito pa lang ‘yung pelikulang literal na nagpaihi sa akin at nagpaangat ng puwet ko sa isang eksena dahil sa suspense. At ito yung eksenang patakas na sila sa Iran papuntang Airport. Nagpawis talaga ako ng tae sa eksenang ‘yun dahil sa sobrang kaba. Baka kung sa sinehan ko pa ito napanood e lalabas akong naka-stretcher dahil sa pagkahimatay.

Top 2 ko ‘yung Before Night Falls – tungkol sa isang episode ng buhay ng Cuban poet at novelist na si Reinaldo Arenas. Ewan ko lang kung matatawag ba itong political film or mas biographical film?

Top 3 ko ‘yung A Dangerous Life, ‘yung Australian TV- movie noon about the fall of Marcos administration at EDSA Revolution na produced ng BBC. Bata pa lang ako nang ipalabas ito sa TV at dahil sa pelikulang ito kaya pinangarap ko ring maging isang news reporter.

Honorable mention ko e ‘yung MILK (starring Sean Penn) tungkol kay Harvey Milk, ang gay activist na kauna-unahang na-elect na baklang opisyal sa California.

Monday, May 15, 2017

A WEREWOLF BOY

Reactivating my 30-Day Film Challenge na biglang naudlot ang pagsasa-ere sa di ko malamang kadahilanan...

Eto na...

Day 14 - The most beautiful scene in any film

The ending scene of the korean film 'A Werewolf Boy'. Kung saan, binalikan ng bidang babae (na ngayon ay lola na) 'yung dating kuwarto na nagsilbing kulungan ng taong lobo na na-in love sa kanya at nadatnan niya pa rin ito doon, hindi tumanda, hindi nagbago, naghihintay sa kanyang pagbabalik kahit halos apat na dekada na ang nagdaan. Yung eksenang 'yun ay pagpapatunay na merong forever. Na ang tunay na pag-ibig ay maghihintay gaano man katagal at never itong magbabago.

Balde ang iniluha ko sa eksenang ito. Napahagulgol ako, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya kasi gustung-gusto ko 'yung mga pelikulang may temang 'One Great Love' tapos happy ending. Napakagandang eksena!

My all-time favorite korean film, 'A Werewolf Boy'. Unang pelikula 'to ni Song Joong Ki ng Descendants of The Sun. At ito ang sumira ng Box Office Records sa South Korea noong 2012. Mas maganda ito ng milya-milya sa Twilight ng Hollywood.

Top 2 ko 'yung train station scene sa The Hours.

Top 3 ko 'yung ending scene ng Malena.

Friday, May 12, 2017

BLISS

Just got home from watching BLISS.

Nasorpresa ako sa pelikula. Hindi ko aakalaing kaya na nating makapagproduce ng ganito kaganda’t katalinong psychological thriller. Hindi lang tayo pang poverty porn or celebration of the human spirit films, pati psychological thriller, kaya na.

Pinanganak na ang Takashi Miike ng Pilipinas. At ‘yan e sa katauhan ni Jerrold Tarog.

May feels and tone ng mga pelikula ni Miike itong BLISS. Yung camera works, story at editing kung saan di mo ma-distinguished kung alin ang totoo sa dream sequence at paranoia. Creepy and claustrophobic.

Ang lupet!

Itinaas ni Tarog ang antas ng Pinoy Thriller genre.

The last psychological thriller na nagustuhan ko e Tagos Ng Dugo pa ni Direk Maryo J. De Los Reyes. Tapos, pumantay nga itong BLISS.

To-die for ang role dito ng lesbiyanang nurse! Napaka-challenging at binigyan ng hustisya ng baguhang aktres.

At hindi nasayang ang breast exposure ni Iza Calzado dito. Maipagmamalaki niya ito!

Kaya, highly-recommended ko itong film na ‘to sa mga naghahanap dyan ng quality Filipino film. At para sa mga mahihilig dyan sa psychological thriller like me, watch niyo ‘to. Go, habulin niyo sa sinehan bago man lang mag-pullout sa mga theaters. Kasi sa first day nga, sa last full show, e nasa sampu lang kaming moviegoers.

Support this film para naman ganahan pa si Jerrold Tarog na gumawa ng ganitong klaseng pelikula.

Unang Filipino film na pinalakpakan ko this 2017. Kudos!

Thursday, May 4, 2017

VANILLA SKY

30-Day Film Challenge:

Day 13 - A film that i totally didn't "get"

"Vanilla Sky"

Ito 'yung pelikula nang matapos at mag-roll ang closing credits e napa-WTF talaga ako sa sinehan. Natulala ako sa kamangmangan. Feeling ko, ambobo-bobo ko at di ko talaga nakuha 'yung buong pelikula. To think, na drama film lang naman ito. At hindi naman ako puyat nang pinanood ko 'to.

Literal, hindi ko siya naintindihan.

Puwede ko pang mapalampas 'yung Interstellar o Memento ni Christopher Nolan e. Kasi yung una, kinailangan kong magbasa about solar system at black hole after ko siyang mapanood para maintindihan ko. Yung Memento naman e tututukan mo talaga kasi pabaliktad lang 'yung paglalahad ng kuwento.

Pero itong Vanilla Sky e parang sinulat ng adik.

I know, it was a hollywood remake of a french film. Ganun din kaya 'yung original?

Hindi naman convoluted 'yung plot pero isa itong pelikulang ayaw magpaintindi. Pwe!

#NanggigigilAko