Tuesday, June 6, 2017

PSYCHO



30-Day Film Challenge will culminate with

Day 30 - My perfect film:

'PSYCHO'

Nung napanood ko ito nung bata ako, takot na takot ako. Sino ba naman ang makakalimot sa kahindik-hindik na iconic shower / death scene ni Janet Leigh at sa shocking twist sa bandang dulo nito?

At gawa ng horror fanatic ako, binili ko 'to sa pirated dvd nung makita ko 'to nung tumanda na ako.

At mas na-appreciate ko siya lalo.

Naranasan ko na kasi ang maging miyembro ng production at pati ng creative team so meron na akong knowledge sa paggawa ng pelikula.

Kaya masasabi kong 'yung pelikulang ito ay dumaan sa masusing pre-prod meetings at idinirehe to perfection ng isang henyo, ni Alfred Hitchcock. Pulidung-pulido ang pagkakagawa!

Sa lahat ng aspeto, simula sa acting to script to editing to musical scoring to cinematography to over-all direction, timpladong-timplado!

Ahead of its time. Wala pa rin akong nakikitang horror thriller na papantay dito sa ngayon. Kahit ang Halimaw Sa Banga or Tiyanaks ay 'di man lang nakapalag.

Dito yata na-introduce 'yung Dolly Zoom technique ng mga cinematographers pagdating sa suspense na eksena e? Or sa Vertigo ba?

To think, black and white film pa ito ha. What more kung colored pa?

Kaya nga nang magkaroon ito ng remake nung 1998 at claim ng ambisyosong direktor dito e 'it's Psycho in color', epic fail si Gus Van Sant. Hindi niya nabigyang hustisya!

Bakit mo iri-remake ang isang perfect film? At paano?

Kaya din siguro super favorite ko 'tong pelikulang ito e sa kadahilanang i dig horror movies. Most especially, 'yung may timplang psychological thriller at 'yung merong character na serial killer.

At itong pelikulang ito ang pinakamataas na pamantayan ng ganung genre.

At dahil wala akong makitang pagkukulang dito, wala akong maipintas hanggang sa dulo ng pinakamaliit na detalye kaya ito ang perfect film para sa akin.

No comments:

Post a Comment