Saturday, November 4, 2017

THE GHOST BRIDE

Just got home from watching The Ghost Bride with co-starlets Vergel and Norvin .

Meron siyang feel ng Singaporean Horror Film ni Kelvin Tong, The Maid starring Alessandra de Rossi. Same mood and atmosphere.

Ang creepy ng movie! At nag-e-escalate ‘yung tension ng istorya. Kapana-panabik ang bawat kabanata. Ayaw mong umihi sa CR kasi baka may ma-miss kang detalye.

Bagay na bagay kay Kim Chiu ang material. ‘Yung fragile-looking face at body niya e bagay na bagay sa character ni Mayen, ‘yung di mo aakalaing kakayaning malagpasan ‘yung sumpang nakapaloob sa Ghost Wedding.

Sabi nga ni Jelai, kung ang GMA Films ang nagproduce nito, babagay daw ito kay Kylie Padilla. Chinita rin daw kasi si Amihan ng Encantadia remake. Sabeh???

Ito ‘yung pinoy horror movie na hindi sigawan lang ng sigawan ‘yung ginawa ng mga bida, or ‘yung may sumusulpot na mapaghiganting multo o ‘yung may halatang prosthetics na make-up na tipong pang-halloween Costume competition na barangayan levels.

No, hindi masasayang ang bayad niyo. Walang daya.

Pinag-isipan / pinaghirapan ang kuwento! Hindi tinamad ang researchers na alamin ang tungkol sa ghost wedding at sinipag silang gumawa ng kuwento out of it. Hindi lang ang mileu ang konektado sa kuwento, pati ang ‘negosyo’ ng pamilya ni Mayen, nakaangkla din sa plot. Tahing-tahi ang mga ginamit na device sa kuwento.

Hinusayan ang production design. Parang napatira ako sa Chinatown sa Binondo for two hours while watching it.

Hindi man ito kasing ganda ng Feng Shui part 1, mas nag-enjoy ako dito kesa sa The Healing (kung saan ipinangsangga ni Vilma Santos ang mangkok kay Kim Chiu) or sa T2 (kung saan pumasok si Maricel Soriano sa Encantadia).

It’s a pretty decent pinoy horror flick.

Hindi ang eksena ni yummy actor Victor Silayan o ni kalbong Isay Alvarez ang dapat niyong abangan kundi ang mga eksena ni Beverly Salviejo na gumaganap bilang majongerang sintu-sinto. Siya ang nagdala ng pelikula!

Tuesday, October 24, 2017

1922

Itong “1922” English novella ni Stephen King nasimulan ko na ‘to three years ago pero di ko tinapos. Na-bored ako sa setting ng kuwento,na farm tapos sa year 1922 pa nangyari. Ang luma! And medyo archaic ang mga termsy na ginamit ni Stephen King para bumagay dun sa milleu at backdrop ng kuwento. So nag-jump ako sa second story sa FULL DARK, NO STARS (salamat pala sa libro, ) na Big Driver story. Nagustuhan ko ‘yun. Pero ‘yung TV movie adaptation niya, hindi. Disappointed talaga ako dun. Parang pang-SOCO episode ‘yung pagkakagawa.

Kaya nang malaman kong ipalalaabas sa Netflix ‘tong 1922, binalikan ko ito para mapag-compare ko ‘yung novella sa movie. 

After koi tong matapos, na-disturbed ako at nalungkot.

Disturbed ako sa harrowing na kuwento ng father–and-son tandem for murder. Nanghilakbot ako sa kung paano nila pinatay ‘yung asawa/nanay nila. Last time na naramdaman ko ‘yun e nung napanood ko ‘yung pelikula ni Peter Jackson na Heavenly Creatures, kung saan pinatay nila ng best friend niya ‘yung mother niya kapalit ng liberty nilang dalawa from her parental control. Hindi ko yata kayang pumatay ng asawa. Much more, sa pamamagitan ng pag-gilit pa sa kanyang leeg.

Nalungkot din ako sa kuwento kasi, somehow, naka-relate ako sa solitude ni Wilfred na merong suicidal tendencies at kung paano siya lamunin ng kunsensiya at paranoia sa nagawa niyang krimen.

Ang kuwento ay parang tweak sa isang part ng isa pang novel ni Stephen King, ang “Dolores Claiborne” na kung saan pinlano niya ang pagpatay sa asawa for personal reason (si Dolores, upang makawala sa abusadong mister; si Wilfred sa “1922”, upang di matuloy ang pagbenta ng kanyang misis sa farm nila). Only this time sa “1922”, kina-kuntsaba niya ang anak nilang binatilyo.

Though parehong balon ang device sa anggulong pagko-cover sa bangkay ng dalawang minurder sa story, mas karumal-dumal ang pagpatay dito sa “1922”. Mas madugo. At in full detail!

Na may pagka-Bonnie & Clyde din ang substory dito ng anak niyang binatilyo na si Henry at ang girlfriend nitong si Shan. Mga napipintong notorious criminals!

Yung pagkakasulat ni Stephen King dito ay parang sa Dolores Claiborne din na continuous narrative, parang transcription ng spoken monologue. 

Tatak-Stephen King din ito dahil sa tatlong bagay na madalas na nakapaloob sa iba pa niyang mga kuwento (balon, bank loan, at daga).

Katatapos ko lang mapanood ‘yung TV adaptation ng 1922.

Ito ang masasabi ko: Sa lahat ng movie adaptations ni Stephen King, ito ang pinaka naging faithful sa novel niya.

Hindi dinagdagan ng eksena ng scriptwriter ang kuwento sa pamamagitan ng creative license. Kung meron man, very minimal lang.

Ito ang hindi nagawa ng pelikulang Misery ni Rob Reiner noon kung saan sanitized version ‘yung movie, nawala ‘yung gore na meron ang book ni SK. Or ng The Mist, na nabago ‘yung ending.

Yung gloomy atmosphere ng pelikula, very consistent din mula umpisa hanggang sa final scene.

Mas nagandahan ako sa kanya kesa sa Gerald’s Game at The Dark Tower.

For me, pinaka-da best na Stephen King adaptation this year. 

Nasa Top 5 ko of all-time SK movie adaptations.

Literal, binuhay niya ‘yung novella. Exactly how I had imagined it to be.

Bilang isang stephen King fan, sobra akong na-satisfied.

Sunday, October 22, 2017

THE FOREIGNER

Just got home from watching The Foreigner.

Hindi ako faney ng karate movies, much more ni Jackie Chan. Mas gusto ko ang mga spy/political thriller na mala-James Bond or action movies na merong handle ng “revenge” (‘yung tipong Death Wish ni Charles Bronson noon na favorite ng lolo ko – na makailang beses niyang pinanood sa TV dati - or mas recently, ng Man On Fire ni Denzel Washington).

At ito ngang latest film ni Jackie Chan e revenge action movie. Kuwento ito ng isang Chinese man na nakatira sa England at kung paano niya pinuntirya ang kinaroroonan ng mga bombers na dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak na dalaga at hindi siya tumigil hangga’t hindi niya ito napaghihigantihan o napapatay.

Hindi siya talaga tumigil.

Parang Jackie Chan sa totoong buhay, hindi tumitigil sa paggawa ng pelikula at kuma-karate pa sa hagdanan at nakikipagbakbakan sa apat na kalaban, sabay-sabay! Para kang nanonood ng pelikulang may bidang Action Star na Lolo. Yung tipong hinihintay mong atakehin siya ng rayuma or asthma habang uma-action sequence. Or worse, ma-cardiac arrest at mategi-bambam.

At hindi lang siya ang nag-iisang nangangamoy-lupa na ayaw paawat sa mga paandar.
Nandyan si “Pop Lola” Madonna na aktibo pa rin sa music industry, paggawa ng music videos at sumisirko-sirko pa na mala-acrobat sa kanyang mga concerts. Production number kung production number ang labanan. Parang lumaklak ng isang buong stem cell machine sa sobrang taas ng energy level!

Sina Anita Linda at Gloria Romero na visible pa sa indie movies at telebisyon. Kung minsan, maitatanong mo sa sarili mo, kasa-kasama kaya nila ang mga nurses or caregivers nila sa shoot? Or may nakaantabay kayang ambulansiya sa set?

Lately lang, nakita ko sa post ng FB friend ko, si Rosa Rosal e buhay pa pala at um-attend pa ng isang premier night. Saan nabibili ang dugo niya? Magpapa-reserve ako. Mga tatlong galon!
Si Apo Wang-Od, ang legendary Igorot magbabatok na guest pa sa isang convention/event dito sa Manila at the moment.

O ‘yung contestant ng Tawag Ng Tanghalan sa Its Showtime just recently, si Dominador something, na parang lolo na sa katandaan pero bumibirit pa rin ng Love Hurts ng Nazareth. Rod Stewart ang peg. ‘Yung ikaw pa ‘yung matatakot na baka mapatiran ng ugat si Lolo habang inaabot ‘yung nota sa pagkanta!

At ng favorite kong American novelist na si Stephen King, na kaka-70 lang last month at kalalabas lang ng bagong novel (a collaboration with his son).

Sila ang patunay na totoo ang gasgas na kasabihan na “Age is just a number”.

Ang mahalaga e kung capable ka pang ipamalas ang talento o kakayahan mo at kung may tatanggap pa sa’yo.

Parang ‘yung TV program “Kapwa Ko, Mahal Ko”, ayaw paawat. Nakita ko lang ulit sa telebisyon kaninang umaga at umeere pa rin pala after 40 years. Si Connie Angeles e ganun pa rin ka-kalmado ang boses at nandun pa rin sa loob ng inserted circle ‘yung nagsa-sign language.

Stronger pa rin ang foundation. Kasi, ang mahalaga, may sumusuporta at naniniwala sa kanila.
Going back to The Foreigner, maganda siya, decent flick pero huwag kayong umasa na kasing-ganda siya ng Taken ni Liam Neeson na nag-e-escalate ang suspense habang tumatagal. Hindi napaangat ang puwet ko sa silya!

Ganunpaman, satisfying ang eksenang niratrat na ni Jackie Chan ‘yung mga bombers na pumatay sa kanyang anak.

Ayun.

Tuesday, October 10, 2017

BALLERINA (LEAP!)

A few nights ago, sinuggest ng friend/neighbor kong si Norvin na panoorin ko daw ‘tong animated film na Ballerina (na may American title na Leap), kesyo maganda daw ito eklat keme. 

Nagdalawang-isip ako kasi super fail sa akin ‘yung last na animated movie na sinuggest niya, ‘yung Cloudy with a Chance of Meatballs. Tungkol sa inventor ng machine kung saan nata-tranform ang tubig sa pagkain. Hindi ko nagustuhan ‘yung konsepto ng ‘umuulan ng hamburger, steak at french fries’! Tinulugan ko ‘yung cartoons na ‘yun. It bores me. 

Kaya ‘di ako nadala sa suhestiyon niya. 

Until sabihin niyang tungkol daw ‘yun sa mahirap na babae na naabot ang pangarap niyang maging ballerina. 

Magic words.

E aside from ‘one great love’, gustong-gusto ko ‘yung mga rags-to-riches/celebration of the human spirit/aspirational-themed movies.

So nang gabi ring ‘yon, inupuan ko siya.

At after ng movie, pinindutan ko siya ng golden buzzer.

Ang ganda!

Tungkol siya sa dalawang ulila (isang dalagitang pangarap maging ballerina at isang binatilyong pangarap namang maging inventor) na tumakas sa bahay-ampunan at napadpad sa Paris, France. Doon nagkahiwalay sila, nakipagsapalaran sa siyudad at nakilala ang mga taong magkakaroon ng significant roles upang maabot nila ang kanya-kanyang pangarap. Makakaranas si dalagita ng pang-aapi sa anak-mayamang bitchesa at ‘yun ang magiging sandalan niya upang maabot ang pinakamimithing pangarap, ang maging isang ballerina.

Isa siyang pinaikling pinoy teleserye na ginawang cartoons. Merong apihan, merong pasiklaban, merong teen love story, rivalry, etc. Ganun ang moda. May feels siya ng Princess Sarah, na cartoons noong 90s or ‘yung A Little Princess children’s novel.

To add, with magagandang featured songs na dumi-Disney musical.

Ang pinakanagustuhan ko sa movie, life–affirming siya. Fighter ang mga characters, lalung-lalo na ‘yung pinakabidang babae. Yung ‘di siya gumive-up sa pag-abot sa pangarap niya. Nagmanifest tuloy sa kanya ang Law of attraction! What you think, you become. Ganyan. Anlakas maka-positive vibes!

Isa ito sa mga underrated movies of 2016. Di siya pumasok sa radar ko last year kaya di ko siya nailagay sa watchlist ko. 


Aside from Legend of the Guardians: The Owls of Ga'Hoole
At Rise of the Guardians, isa ito sa mga animated films na nasurpresa ako. ‘Yung tipong wala kang inaasahang magandang mapapanood pero in the end, magiging isa sa mga favorite mong animated movies. Isa siya sa mga pelikulang mag-iiwan sa’yo ng ngiti at saya.

Very entertaining.

Highly-recommended.  

Sunday, October 1, 2017

GERALD'S GAME


Napanood ko rin ang Gerald’s Game. 

Nagustuhan ko siya. 

Sulit naman ‘yung paghihintay ng dalawang dekada sa movie adaptation ng Stephen King novel. Nabigyang hustisya ni Mike Flanagan ang one of my favorite SK books.

Decent flick. Kasing-creepy ng Get Out at It Follows.

Yung hitsura ng Moonlight Man ang nagdala. Mari-retain siya sa memory mo hanggang sa pagtulog. Katakot amf.

Watch it sa Netflix or download it sa torrents.

Highly-recommended. A must-see for a Stephen King fan like me.

Thursday, September 28, 2017

LAST NIGHT



For me, ito ang taon kung saan ipinalabas ang tatlo sa pinakamagagandang pinoy romantic movies sa mga sinehan. Sinimulan ng KITA KITA, sinundan ng 100 TULA PARA KAY STELLA. Tapos ngayong last quarter ng taon, itong LAST NIGHT starring Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Napakasimple lang ng istorya pero napakaganda. Tagos sa puso ang pelikulang ito. (Spoiler Alert)

Kung ako ‘yung magpi-pitch nito sa producer, ganito ko lang ito ipi-pitch: What if may dalawang taong nagpaplanong magpakamatay ang nagtagpo isang gabi at napagkasunduan nilang magsama ng buong gabi tapos, sabay na lang silang magpakamatay after? Kaso, along the way e nagka-inlove-an sila? Itutuloy pa rin ba nila ang pagpapapakamatay?

Ganun lang kasimple ang premise nito. Pero sa unique na interpretasyon ni Direk Joyce Bernal at kung sino mang magaling na manunulat ito nanggaling, naging very engaging siyang panoorin. Kulang nga ako sa tulog kaya first few scenes ng pelikula e inaantok na ako. Napapapikit na nga ako, papuntang pagkaidlip na antok ngunit dahil paganda ng paganda ang mga eksena, kinapitan ko ang kuwento kaya natapos ko ito ng buo.

Perfect casting dito sina Piolo at Toni. Ang pagkakaroon ng quirky personality ng karakter ni Toni at depth ni Piolo sa mga dramatic moments niya dito ang siyang tamang timpla ng on-screen chemistry ng dalawa. Parang pinagsama mo sina Ryan Gosling at Meg Ryan sa isang movie.

75% ng movie e rom-com ang moda. Kaiinisan mo nga ‘yung takbo ng story kasi mukhang niro-romanticize nito ang suicide process tulad ng TV series na 13 Reasons Why. Until that 25% remaining, kung saan naipakita ang punto ng movie na mas maganda ang mabuhay kesa magpakamatay at iwanan ang mga mahal sa buhay na nagdurusa.

Ang sakit-sakit.

Para kang lalabas sa sinehan ng may nanghiwa ng blade sa puso mo o muling nanariwa ang sugat nito.

Yes ganun siya kabigat. Pero maganda.

After watching the film, tulad ng pelikulang What Dreams May Come, nagkaroon ako ng certain realizations about life and death. Na-moved ako ng pelikulang ito.

Paglabas ko nga ng sinehan, para akong nagkaroon ng separation anxiety sa mga characters dito. Para akong ‘yung isa sa dalawang characters na ayaw maghiwalay sa ending pero trapped na siya sa iisang sitwasyon na di na niya mababago kailanman kaya wala na silang choice kundi ang magkahiwalay.

Watch niyo. Kakaibang romantic movie. Ngayon ko lang napanood ang ganitong klaseng timpla ng romantic movie from Star Cinema.

Inikutan ko ‘to ng upuan. For me, its a YES!

Wednesday, September 27, 2017

RESPETO



Just got home from watching RESPETO.

Ito ang take ko sa Cinemalaya 2017 Best Picture na ito:

First few scenes e aakalain mong mala-Brazilian film na Cicade de Deus (City Of God) ang tatakbuhin ng pelikula dahil sa pinakita nitong grit. Nang ipakita pa lang ang backdrop ng story, slum community in Pandacan, Manila e amoy na amoy mo na ang lugar.

Until i-present ang character ng matandang makata na si Dido de la Paz at mamuo ang unlikely friendship with the male lead, Abra. This time, ang moda na nito e ang Mexican film na Amores Perros.

UNTIL pumasok sa eksena ang bar girl na love interest ni Abra, si Candy. At idagdag mo pa diyan ang flavor na underground rap battle. Naging 8 Mile na ni Eminem ang pelikula.

Ang nagustuhan ko sa script e ang paglalagay ng profanity sa mga dialogue tulad ng “kantut_n, k_pal, at sandamakmak na put_ng ina”. Bumagay sa story. Kasi ganun ka-honest at ka-brutal ang kuwento nito.

Habang pinanonood ko ang pelikula, sigurado akong si Dido de la Paz ang nagwaging Best Actor. Kasi para sa akin, hindi ang karakter ni Abra kundi siya ang puso ng pelikula. Sa pinakahuling eksena, sinasabi ng karakter niya ditong “pelikula ko ito kasi nasa akin ang bagahe” o “Ako ang Respeto!”. Nag-iwan sa akin ng marka ang napakahusay niyang pagganap. Ramdam na ramdam ko siya.

Kaya after watching, ginoogle ko talaga agad ang mga list of winners ng Cinemalaya 2017 upang makatiyak ako sa aking palagay at nagulat ako nang malaman kong sa best supporting actor category lang siya nanalo.

Di ko pa napapanood ang Kiko Boksingero so di ko pa alam kung bakit si Noel Comia, Jr. ang itinanghal na panalo.

Pero para sa akin, hindi pang-best supporting actor si Dido de la Paz. Siya ang best actor!

No, hindi naman ako na-blown away sa pelikula. Maganda siya pero hindi kasingganda ng Pamilya Ordinaryo o Ma Rosa na napaangat ang puwet ko sa kakapalakpak sa pag-roll ng end credits.

Ito ay pinoy version ng 8 Mile na may political undertone. Kung pahuhulain mo nga ako kung sino ang nagdirek ng pelikula without knowing the real filmmaker who helm this project, sasabihin kong si Carlitos Siguion Reyna ang gumawa ng pelikula. May texture kasi siya ng Azucena.

Kung mahilig ka sa tula, sa fliptop o sa rap e siguradong magugustuhan mo ito. Habulin mo ito sa sinehan bukas na bukas din at di ka magsisisi. Hindi ka manghihinayang sa ibabayad mo.

Mukhang magkakaroon ito ng second week sa mga piling sinehan.

Saturday, September 9, 2017

STEPHEN KING'S IT



Just got home from watching IT with friends. 

I loved it! 

Headbanger si Pennywise! 

Na-build-up ng maayos 'yung characters at nai-set ng tama 'yung mood ng tension na parang traditional horror movie noong 80's. 

May hustisya ang film version! 

After Conjuring 2 at Get Out, isa ito sa pinakanagustihan kong horror film of the past 3 years. 

A must-see for a Stephen King fan!

Monday, September 4, 2017

LOVE YOU TO THE STARS AND BACK


Just got home from watching Love You To The Stars And Back. Nagkaroon ako ng interes na panoorin ‘yung movie because base sa trailer, Alien believer din dito si Julia Barretto, just like me sa totoong buhay. Kaya nang magsimula na ang pelikula, madali ko nang nakapitan ‘yung karakter ni Julia dahil ang moda ko, ako na si Julia Barretto at kuwento ko ‘tong panonoorin ko.

After one hour of the movie, saka ko lang naramdaman na pelikula pala nina Joshua at Julia ang pinanonood ko. Love story pala nila ito. Sila pala ang loveteam dito. Pero dahil kumita ang Vince, Kath & James last year sa MMFF, nasundan pa ng project ang dalawa. E kahit ano namang pelikula sa MMFF season, kumikita. Kung meron mang hindi, bihira. At saka pinanood ng mga baks ‘yun because of Ronnie Alonte!

Hindi sila Joshua at Julia ang bida ng movie. Pero nahatak ni Joshua ang hindi pang-masang presensiya ni Julia. Hindi rin bida ang kuwento.

Ewan ko ba pero after Kita Kita, e parang latak na lang ang lahat ng mga romantic films na napapanood ko. Sobrang taas ng bar na nai-raised ng Kita Kita kaya kahit decent pinoy romantic flick e hindi ko gaanong ma-appreciate like 100 Tula Para Kay Stella.

Ang bida dito ay ang theme song ng pelikula, ‘yung Torete. Naghiyawan sa kilig ‘yung humigit-kumulang na 30 moviegoers sa loob ng sinehan nang unang patugtugin ‘yung kanta sa JS Prom scene.

Kung tutuusin, mas Kathniel at Jadine material ‘tong movie. Pero dahil siguro sa bigat ng ilang eksena ng character ni Caloy (sa kadahilanang baka di mabigyang hustisya nina Daniel Padilla at James Reid), e binigay kay Joshua.

Kinaloka ko dito ‘yung isang eksena ng kontrabida Queen Ms. Odette Khan! At inakala kong episode ng Shake, Rattle and Roll movie ‘yung pinapanood ko!

Meron ding vital role dito ang ka-loveteam ng bibe sa Super Inday and the Golden Bibe, ‘yung manok na kulay puti, si Goldie. Ang Star Cinema talaga, nakiuso pa sa bird’s flu outbreak at nagpasok ng manok sa movie.

Kung ano man ang pinakanagustuhan ko sa movie, ito ay ang ang dialogue na: “Kung di ka sigurado, ang kailangan mo lang gawin ay maniwala ka. “ or words to that effect. Lumo-Law of attraction! Anlakas maka-word of encouragement. Power!

Kung susumahin ko ang movie, para siyang larong Pinball, maraming pinuntahan ‘yung bola pero, in the end, na-hit naman niya ‘yung Jackpot.

A decent romantic flick.

Kung faney ka ng Wattpad stories, siguradong magugustuhan mo ito. Watch it!

Sunday, August 27, 2017

CATFISH (DOCUMENTARY MOVIE)

Napanood ko ‘to kahapon ng madaling araw. Except sa Ancient Aliens, hindi ako nanonood ng documentary gaano. Hindi ako mahilig sa mga dokyu. Inaantok ako. Pero itong CATFISH, sa loob ng isa’t kalahating oras, na-entertain ako at hindi ako inantok. Napakaganda! Para akong nanood ng reality show/romantic comedy movie!

Kuwento ito ni Nev, isang photographer sa New York na gustong makita ang Facebook friend niya for 8 months na natutunan na niyang mahalin, si Megan, for confirmation na totoo ngang tao ito at upang hindi na siya umasa sa wala. Kaya sinurpresa niya itong pinuntahan sa Michigan at siya ang nasurpresa sa nalaman niya doon! May pa-big reveal!

Sa totoo lang, gustung-gusto kong ikuwento dito sa FB ang buong detalye ng dokyu na ito kaso baka ma-spoil ko lang ang panonood niyo. Maganda ngang concept ito ng romantic comedy movie e. Nakakawindang ang twist and turns. Ma-iinlove, kikiligin, matatawa, maaawa, magigimbal, malulungkot, maiinis at mababaliw ka sa pag-iisip na meron pala talagang ganung tao sa mundo. Aasa ka sa isang aakalain mong napakagandang love story pero ang ending, maaaning ka sa twist ng istorya!

Kung inaakala mong nakilala mo na ang pinaka-maimbentong tao sa buhay mo (‘yung mga kaibigan mong punum-puno ng prutas sa ulo, di nawawalan ng fabricated stories, pantasya, imagination at delusion of grandeur), puwes nagkakamali ka. Watch mo ito at nang makilala mo ang totoong si “Megan” at baka dito na-inspire gawin ni Jason Paul Lacsamana ang BABAGWA at ni M. Night Shyamalan ang SPLIT.

Nakakaaliw ‘tong documentary na ito!

Sinearched ko pa talaga ito sa Wikipedia after kong mapanood. At dahil sa critical at commercial success nito noong 2010, nanganak pa ito sa MTV channel ng TV Show version noong 2012. At nasa Season 6 na ito this year.

Ito nga at na-download ko na sa torrent at sisimulan ko na.

You can download it sa torrent or check sa Youtube if available ‘yung documentary film.

Well-recommended!