Friday, July 13, 2018

THE BOY WHO COULD FLY


May napanood akong 80's drama film (hindi ko kasi madistinguished kung romantic fantasy ba siya o family/friendship movie, kaya drama na lang) na sobra kong nagustuhan. Nasurpresa ako ng 1986 American film na 'to. Not so popular film siya noong 1980s. Hindi siya kasing-well known ng Date With An Angel, NeverEnding Story, Mac & Me or ng Sixteen Candles. Narinig niyo na ba itong THE BOY WHO COULD FLY?

Kasi ako, lately ko lang siya nadiscover nang ipost siya ng isang member ng 80s Kids Group na pina-follow ko. E sa tulad kong laman ng Video Shops noong 80s to 90s, ngayon ko lang siya narinig. So it caught my interest and downloaded it ura-urada sa torrent.

Kuwento ito ng mag-iina na lumipat ng bagong bahay matapos mamatayan ng ama. Naging kapitbahay nila ang isang autistic teenage boy na naniniwalang siya diumano e nakakalilipad. Ano ang common denominator sa dalagang anak ng bagong lipat at ng autistic boy? Pareho silang namatayan ng magulang. Ang parents ni boy, sa plane crash. Si dalaga, dahil sa suicide.

Naging magkaibigan sila. At di nila namamalayan na nagkakatulungan sila maka-cope-up sa lungkot ng pagkamatay ng kani-kanilang mga magulang.

Paano kung magkadevelopan sila? Autistic na lalaki magugustuhan ba ng isang magandang babae?

And totoo ba ang ilusyon ni boy na nakakalipad siya?

Siyempre, 'yan ang tanong na sasagutin ng pelikula at hindi ng spoiler-free kong hanash.

Tulad ng nabanggit ko kanina, hindi ko mawari kung saan ko ika-categorize 'yung movie. Romantic fantasy ba, family or friendship movie? Nandun kasi ang lahat ng elements na 'yan sa pelikula. Matagumpay na nagblend. Walang sapawang naganap. Tamang-tamang timpla.

Siguro kaya din ito hindi gaanong pumatok noong 80s, ang dating sa audience e kinulang sa maraming aspeto 'yung movie. Hindi tumodo sa fantasy, hindi rin tumodo sa drama. Lalung-lalo pa at hindi rin tumodo sa romance. Timplado ba.  

Yun kaya ang 'magic' ng pelikula. Yung pagiging simple nito. Payak na storyline, not-so-known actors (except for Bonnie Bedella, ang favorite leading lady ng mga hollywood action stars noong late 80s to early 90s) at hindi sumikat na theme song (ever heard of the song Walkin' On Air by Stephen Bishop? Malamang, never pa. First time ko rin 'yung narinig e).

Sa tulad kong hindi dumadaan ang isang araw na hindi nakakanood ng isang pelikula ('yung kating-kating makakita ng moving images sa screen), nakalma ang mind ko after watching this film. Kung naghahanap ka ng pelikulang hahatak sa'yo sa gravity at baka masyado ka nang nao-overwhelmed sa pinanonood mo sa ouetr sapce, watch this. Perfect film ito na pambarag sa pagkalunod mo sa blockbuster/disaster movies, indies, foreign or mindfuck films. Para kang nakalaklak ng anti-depressant pill at makakalma ang pagiging hyper mo sa pagiging movie addict kapag napanood mo 'to.

Naibalik niya ako sa pagkabata. Yung feels na first time kong nakanood ng fantasy,  teenage romance, childhood movie  or ng magandang family drama. Nostalgia. 80s na 80s feels! Simpleng story, pero na-appreciate ko siya nang bongga! Kung napaangat ang puwet mo nang makita mong lumipad si Superman o ang bisikleta lulan si ET noong 1980s, may ganun ding moment in time kang mapapala dito. Promise!

May 'magic' ang pelikula!

Malinaw pa sa tiles ng lababo ng CR niyong naitawid ang lesson ng movie sa ending: "Anything is possible if you really try."

Nakaka-uplift ng spirit, 'di ba?!                                                                            

VERDICT:
Perfect na sana e kaso apat at kalahating banga lang kasi hindi pa rin naibabalik ng bakla sa Tulfo 'yung tam_d ng boylet.    

No comments:

Post a Comment