Showing posts with label TV SERIES. Show all posts
Showing posts with label TV SERIES. Show all posts

Wednesday, May 2, 2018

LOST IN SPACE


Nung mapanood ko ang trailer nitong LOST IN SPACE Netfflix TV series months ago, na-excite ako at automatic, napunta siya sa watchlist ko. Sa tulad ko kasing alien believer at sci-fi freak, havey sa akin ang concept nito: Isang pamilya na lulan ng spacecraft papauntang ibang mundo upang i-colonize ang ibang planeta. Na-fucked up ang kanilang paglalakabay at napunta sa isang dying planet. Paano sila makaka-survive?

Re-imagining ito ng 1965 American TV series na hindi ko na naabutan noon. Meaning, mas updated ang story at mas maganda ang CGI effects nitong 2018 version. So I was expecting na mas bongga itong bagong adaptation.

Pero I was quite disappointed.

Yung pilot episode niya, mahina. Walang kagat. Walang pasabog. Di tulad ng LOST TV series noong 2010 na pilot pa lang, glued na ako sa series.

Oo nga, impressive na ang CGI effects pero may kulang. Di ko ma-figure sa umpisa kung ano kaya pinagtiyagaan ko ito. Pinagbigyan ko siya until sa 4th episode pumik-ap na siya sa akin.

Ito ay nang kapitan ko ang character ng schemerang si Dr. smith (played by Parker Posey), isang shady character who turned out to be a con artist na aksidente nilang nakasama sa voyage. Of all the goody characters, sa bitchesang kupal na ‘to pa ako na-hooked. Kasi mas interesting malaman ang backstory niya at kung ano pa ang masamang binabalak niya sa future episodes. Kaabang-abang ‘yung evil schemes ng punyetang babaeng ‘to.

Siya lang ang dahilan kaya pinagtiyagaan kong matapos itong Season 1. Kung wala siguro siya, matutulad ito sa mga series na hanggang season 1 lang ang itinagal ko (like Stranger Things, Orphan Black, Bates Hotel, etc). Ito ‘yung mga series na natabangan ako kaya binitawan ko na.

Ito kasing LOST IN SPACE, tanggalin mo lang ang sci-fi element at gawin mong ibang country ‘yung backdrop instead na outer space/ibang planeta e isa lamang itong family/adventure movie. Oo isa siyang Disney movie about sa pamilya na may problema ang mag-asawa at ganundin sa kanilang relasyon sa mga anak na ang paglilipat nila sa ibang bansa ang nakikita nilang magiging solusyon upang marestart muli sila. Kaso nagkaroon ng aberya sa paglilipat nila at nadisgrasya ang sinasakyan nilang eroplano at napunta sila sa isang isla. Kung paano sila makaka-survive at makakaalis sa isla ang aantabayanan mo kada episode. Sounds familiar ba? Para siyang nawawalang episode ng LOST 2010 TV series.  

Ganun siya kalabnaw. Content-wise, mababaw siya.

Kung tutuusin, ‘yung isang buong series e kakayaning ma-condensed sa isang episode na tatakbong Pilot or isang TV movie. Ini-stretched lang nila sa sampung episodes. Pinakapal.

Ganunpaman, ma-appreciate ito ng pamilya na mahilig sa Family Adventure movies at sa mga batang mahilig sa sci-fi/fantasy kasi may robot at alien creatures dito. Pambata siyang version ng PROMETHEUS.

Though entertaining pa rin siya, pero kung faney ka ng LOST 2010 TV series at ng BLACK MIRROR anthology, madi-disappoint ka dito. Hindi aalog ang utak mo. Walang ka-effort-effort na pag-isipan kung ano ang payoff ng cliffhanger ng episode sa susunod na kabanata. Mahuhulaan mo kaagad siya. Madali mo siyang masusundan.

Chopseuy ito ng sci-fi movies. Parang latak siya ng ALIENS, THE MARTIAN, STAR TREK at MAC & ME na ginawang isang bagong putahe. Binigyan mo ng bagong bihis ang isang lumang treatment. Ganun siya.

Walang bago.  

Friday, March 2, 2018

LOST (TV SERIES)



Para sa akin, itong LOST ang pinakamagandang American TV series na naiproduced sa kasaysayan ng TV. Hindi man lang nakapantay ang The Walking Dead at Game Of Thrones sa ganda nito. Pinagsama-samang mystery, sci-fi, fantasy, paranormal, love story, family drama. Ayan siya. Nag-blend lahat ‘yan sa iisang TV series sa loob ng anim na seasons kung saan tumakbo ang kuwento sa mga survivors ng plane crash sa isang isolated island at kung paano nila hinarap ang hiwagang nakapaloob sa islang ‘yun.

Bawat episode, hitik na hitik sa drama, action at ‘nakakaangat ng puwet’ na cliffhanger. Walang tapon. Bawat episode, pinag-isipang mabuti ang story, mabusisi ang pagkakagawa, ginastusan. Parang pelikula.

Magkahalong visceral at cerebral ang timpla nito. Bihira mo lang mapapanood ang ganung klaseng TV series sa buhay mo. Yung tipong paiikuitin niya ng 360 degrees ‘yung utak mo sa pag-iisip habang nilalaro niya ang damdamin mo dahil sa kaganapan/sitwasyon na kinakaharap ng mga characters sa kuwento.

Oo, ganun siya kaganda.

Yung para mas maintindihan ko ang bawat episodes e binabasa ko pa online ‘yung episode recaps nito. Kasi sobrang convoluted ng storyline niya.  

Yung bilang severe fan, nangarap/naghahanap pa ako dati ng kahit na anong merchandise (coffee mugs, T-shirts, stickers, magazines) na konektado sa series.  

Lahat ng characters, mamahalin mo talaga.

Kaya nga nang mapanood ko ang finale nito, tumulo ang luha ko sa pagroll ng end credits. Aside sa pinag-isip niya ako kung ano ang meaning ng ending (kasi iba’t ibang interpretations ang puwede mong makuha dito), sobra akong nalungkot. Parang part of me e nabawasan. Yung feeling na parang naghiwalay kayo ng mahal mo sa buhay na hinatid mo sa airport. Ganun kabigat sa dibdib ang separation anxiety na naramdaman ko nang mag-roll ang end credits.

Minahal ko talaga ‘tong series na ‘to.

I hope magkaroon ng movie version nito sa future.

Tapos si Lav Diaz ang magdirek para 12-hour ang running time niya. Kukulangin ang tatlong oras sa dami ng detalyeng nakapaloob sa kuwento.

Isa dapat sa cast si Mocha Uson. Tama, siya ‘yung gaganap dun sa role ng Korean girl.

Para mas makurta lahat ng utak ng audience.

At sa Naga ang Philippine Premiere.

Ay mali, sa Albay pala.      

Monday, May 1, 2017

13 REASONS WHY


 
Nitong mga nakalipas na araw, palagi kong nae-encounter dito sa newsfeed ko ang tungkol sa 13 Reasons Why TV series. Kaya na-curious ako, I downloaded it sa torrents online nung isang araw. At katatapos ko lang ng episode 2 ngayon.

Taena, ito ‘yung tipo ng TV series na ka-a-adikan kong panoorin noong high school ako. Pasok na pasok siya sa panlasa ko. May feels siya ng favorite kong young adult novel series na Fear Street ni R.L Stine na kinababaliwan kong basahin noong high school ako. To the point na hindi ako kumakain sa recess para lang makaipon ng pambili ng book nito sa National Bookstore na halos monthly e may bagong title na lalabas.

Kung ang Fear Street ay tungkol sa mga estudyante ng Shadyshide High na merong sino-solve na murder mystery, whodunit na pang-teenager ang peg, ito namang 13 Reasons Why ay isang suicide-mystery. Sinu-solve kung sino ang salarin or kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ni Hannah Baker kung saan ang mga suspect ay mga ka-schoolmates niya. At mukhang nasa kamay ng bidang si Clay, ang kaibigan niya, ang ikalulutas ng misteryo.

First time ko lang napanood ito sa isang TV series, na ang handle e suicide-mystery kaya refreshing siya.

Gustung-gusto ko ‘yung ganitong klase ng mga palabas e. I’m more of a ‘feeler’ kesa ‘thinker’. Mas dig ko ‘yung mga palabas na mag-iiwan sa akin ng marka sa puso o maglalaro ng damdamin ko kesa sa mga palabas na pinag-iisip ako. Mas namu-move ang sensibilities ko pag puso ang pinupuntirya sa akin.

Kaso ang bigat ng tema nitong 13 Reasons Why: Rape and Suicide. Kaya hindi ko ito magawang i-binge-watching o ‘yung isang upuan lang e makakailang episodes na ako tulad ng ginawa ko sa LOST, The Walking Dead at Stranger Things noon. Kailangan kong huminto kada episode at para meron akong pinanonood araw-araw, isang episode kada isang gabi. Kailangan kong huminga.

Sa mga mahihilig diyan sa mystery drama like Twin Peaks, ito ang millenials version niya.

Sa mga nakapanood na sa inyo, no spoilers please.

Hindi ito para sa mga taong nasa stage of depression or ‘yung may suicidal tendencies. Makakadagdag lang ito ng bigat ng dibdib niyo.

Monday, August 1, 2016

STRANGER THINGS


Tama ang hype. Maganda nga ang Stranger Things!

Para kang nanood ng 80s sci-fi movie na ginawang television series. Or para siyang sinulat ni Stephen King. Or para siyang serialized episode ng Amazing Stories noong 90s.

80s and 90s kid will surely enjoy watching it. Ibabalik niya kayo sa childhood memories niyo lalung-lalo na at makikita niyo ulit dito ang 90s crush ng bayan na si Winona Ryder.

Pinakapaborito kong character dito e si Dustin, 'yung toothless nerd. He's funny and cute.

Tulad ng paborito kong Lost at The Walking Dead series, isang upuan ko lang tinapos ang Season 1. Hitik sa mga cliffhanger! Excited na ako sa Second Season. Cant wait.

Sana gumawa rin ang TV networks natin ng sci-fi series. Or i-reboot nila 'yung Dayuhan noon. Naalala ko, sinubaybayan ko 'yun nung bata ako. Ako lang ba dito ang may recollection ng teleseryeng 'yun?

#Eleven #StrangerThings