Para sa akin, itong LOST ang pinakamagandang American TV
series na naiproduced sa kasaysayan ng TV. Hindi man lang nakapantay ang The
Walking Dead at Game Of Thrones sa ganda nito. Pinagsama-samang mystery, sci-fi,
fantasy, paranormal, love story, family drama. Ayan siya. Nag-blend lahat ‘yan
sa iisang TV series sa loob ng anim na seasons kung saan tumakbo ang kuwento sa
mga survivors ng plane crash sa isang isolated island at kung paano nila
hinarap ang hiwagang nakapaloob sa islang ‘yun.
Bawat episode, hitik na hitik sa drama, action at ‘nakakaangat
ng puwet’ na cliffhanger. Walang tapon. Bawat episode, pinag-isipang mabuti ang
story, mabusisi ang pagkakagawa, ginastusan. Parang pelikula.
Magkahalong visceral at cerebral ang timpla nito. Bihira mo
lang mapapanood ang ganung klaseng TV series sa buhay mo. Yung tipong paiikuitin
niya ng 360 degrees ‘yung utak mo sa pag-iisip habang nilalaro niya ang
damdamin mo dahil sa kaganapan/sitwasyon na kinakaharap ng mga characters sa
kuwento.
Oo, ganun siya kaganda.
Yung para mas maintindihan ko ang bawat episodes e binabasa
ko pa online ‘yung episode recaps nito. Kasi sobrang convoluted ng storyline
niya.
Yung bilang severe fan, nangarap/naghahanap pa ako dati ng
kahit na anong merchandise (coffee mugs, T-shirts, stickers, magazines) na
konektado sa series.
Lahat ng characters, mamahalin mo talaga.
Kaya nga nang mapanood ko ang finale nito, tumulo ang luha
ko sa pagroll ng end credits. Aside sa pinag-isip niya ako kung ano ang meaning
ng ending (kasi iba’t ibang interpretations ang puwede mong makuha dito), sobra
akong nalungkot. Parang part of me e nabawasan. Yung feeling na parang
naghiwalay kayo ng mahal mo sa buhay na hinatid mo sa airport. Ganun kabigat sa
dibdib ang separation anxiety na naramdaman ko nang mag-roll ang end credits.
Minahal ko talaga ‘tong series na ‘to.
I hope magkaroon ng movie version nito sa future.
Tapos si Lav Diaz ang magdirek para 12-hour ang running time
niya. Kukulangin ang tatlong oras sa dami ng detalyeng nakapaloob sa kuwento.
Isa dapat sa cast si Mocha Uson. Tama, siya ‘yung gaganap
dun sa role ng Korean girl.
Para mas makurta lahat ng utak ng audience.
At sa Naga ang Philippine Premiere.
Ay mali, sa Albay pala.
No comments:
Post a Comment