Tuesday, March 20, 2018

A GHOST STORY


Last January, sa unang Creative meeting/brainstorming ng Maynila, sinuggest itong movie na ‘to na panoorin ng aming direktor na si Direk Phil Noble.

Tapos, kinuwento niya ang summary. Na hindi ko nasundan.

Oo, medyo may pagkaganun talaga ako, aaminin ko, hindi ko nasundan ang excited niyang pagkukuwento sa gitna ng brainstorming/pitching namin. Gusto ko, sa isang bagay lang ako naka-focus. Kaya nga I hate complications: kumplikadong mga kaibigan, kumplikadong trabaho, kumplikadong isyu, kumplikadong events. Mas payak, mas gusto ko. Ayoko ng maraming burloloy. Mabilis akong ma-stress sa ganun. Convoluted na nga ang mga ka-bullshit-an sa utak ko, sasabayan pa ng ka-echosan?  

Sa madaling salita, isa akong malaking CHAR.

Tulad nitong iba-blog kong movie review. Ang dami ko pang pasakalye bago ko simulan.

Yun na nga, di ko nga nasundan ‘yung kinukuwento ni Direk Phil. Pero siyempre, out of respect kay Direk at sa animated niyang pagkukuwento, kunwari bewildered ako sa sinabi niya. Amazed na amazed. Yung tipong hitsura ng isang bata na kinuwentuhan na totoo ang mga higante at nuno sa punso. Ganyan.

May-I-sabi ako ng “ida-download ko nga ‘yan, Direk, sa torrents. Ano pong title?”.

“A Ghost Story. Maganda siya.”

So, ‘yung title lang ‘yung naalala ko.

Fast forward ng two months. Nito lang March, sa meet-up ng Stephen King Philippines FB group members kung saan ako kabilang, sa gitna ng discussion doon, na-brought up ng isang co-member ng Book Club namin ‘yung isang magandang movie diumano. Ang title? A Ghost Story.

So, dalawa na ang nag-rekumenda sa pelikula. Mukhang may ibubuga. Dalawa na kasi ang nangampanya e.

I downloaded it online and watched it kagabi lang.

At ito ang kauna-unahan kong pelikula na napanood this year na nang mag-roll ang end credits e napapalakpak ako ng tatlong minuto mag-isa sa bahay. Non-stop. Walang keme.

Ang ganda!

Basically, ito ang premise: Mag-asawang naninirahan sa isang bungalow. Si mister, isang struggling musician, naaksidente, namatay. Naging multo (hitsura niya e ‘yung nasa poster) at nagmistula siyang ligaw na kaluluwa at naging bantay sa buhay ng asawa niya. Hanggang sa lumipat na ng bahay si misis at nakapagmove on na. Naiwan pa rin ang multo ni mister sa bahay. Nga-nga.

Ganun kasimple.

Payak na setting, characters, kuwento. Very minimalist.

Tingin ko nga, nasa 50 sequences lang ‘tong movie na ‘to e. Kakayaning patakbuhing short film sa editing. Kaso ang bawat babad na eksena e mahalaga para sa pag-set ng malungkot na mood ng kuwento. Yung tipong nanamnamin mo ‘yung bawat segundo ng eksena tulad ng pagkain ng pie ni misis na halos ubusin niya sa isang OA sa kababaran na eksena (Lav Diaz levels) in order for the moviegoers to absorb her solitude.

Damang-dama ko ang pangungulila ni Rooney Mara, ‘yung gumanap na misis dito.

Bukod sa babaran sa Downy’ng eskena, bihira din ang eksenang may dialogue. Comatose movie to the fullest talaga.

Mayroon siyang mood ng 2014 Austrian film na Goodnight, Mommy. May touch siya ng The Others. At may texture siya ng Stoker…

Na nanghiram ng element sa Ghost ni Demi Moore at Casper ni Cristina Ricci. Yung sa anggulo lang na multo na naiwan dito sa lupa, gagah!

Pero nilampaso niya sa ganda ‘yang mga pelikulang ‘yan. As in, nilamon ng kurtinang multo sa ganda ‘yang mga nabanggit ko.

Mukhang take or interpretation ito ng writer/director nitong si David Lowery (oo, tatandaan ko talaga itong name na ‘to at aabangan ko ang mga susunod niyang pelikula) kung gaano kalungkot and at the same time, ka-eerie ang mamatayan ng minamahal. Kung tatanungin mo ako kung tungkol saan ang handle ng movie? Para sa akin, undying love.

Epektibo niyang nailahad ang mensaheng ito. To justify the title, it’s a horror story rin kasi masasaksihan mo ang pagmove on ng taong iniwanan mo dito sa lupa, kung paano ka nakalimutan nito at kung paano ka bibitaw sa pag-ibig na ibinigay mo sa taong ito? Yun ang nakakakilabot.

Kung sa pelikulang Amour, pagkatapos mong panoorin, matatakot kang tumanda.

Dito sa pelikulang ito, matatakot kang mamatay at iwanan mag-isa ang taong mahal mo. Ganung realization ang iniwan sa akin ng pelikulang ito.

Sa sobrang pagka-gloomy ng pelikula, parang ang agang dumating ng biyernes santo sa akin.

Kung bet mo ang isang malungkot na pelikula or ‘yung nakakatamad dahil ‘walang gawa pero may pusong pelikula’, havs na havs sa’yo ito. Napaka-surreal. Visceral.

Pero kung mahilig ka sa adventure, action, kilig-kiligan love stories, sampalan drama, hindi ito para sa’yo. Maka-karate mo sa inis ang TV niyo. Kasi walang ganap. Tutulugan mo ito. Promise.

Pero para sa akin, ito ang Best Picture ko of 2017. Na-snubbed ito ng Oscars! Mas deserving ito kesa sa Get Out! Milya-milya ang layo.

FIVE STARS!   

No comments:

Post a Comment