Saturday, March 31, 2018

READY PLAYER ONE


Just got home from watching READY PLAYER ONE.

What an awesome movie!

After ng walang kalatuy-latoy at forgettable na 2016 film na THE BFG (Big Friendly Giant) ni Steven Spielberg, nagbalik ulit ang magic niya sa pelikula. Hindi pa rin nawawala ang husay niya bilang filmmaker sa pambubuhay ng imahinasyon ng mga moviegoers since ET. Nagpahinga lang siya. At muling nambulaga.

Ang kuwento nito na set sa dystopian future, tungkol sa isang binatang player ng worldwide virtual reality game na susundan niyo sa pag-discover ng tatlong susi upang makuha ang Easter Egg ng game upang manalo sa contest. Ang premyo? Total control of the game at ang fortune na iniwan ng game creator nito. Sa journey niya, makikilala niya ang limang players, magiging bagong kaibigan at ang isa sa mga iyon, pag-ibig. Ngunit hindi biro ang daan upang makamit nila ‘yun. Ang makakalaban lang naman nila ay isang malaking kumpanya na nagnanais na kontrolin ang game upang pagkakitaan pa ito ng husto.  

Napakaliwanag ng visual description ng OASIS dito, ‘yung virtual reality game. Talagang mapi-feel mo bilang moviegoer na nasa loob ka ng laro at ikaw ay isa sa mga players nito. Ang CGI nito ay maihahalintulad sa graphics ng Final Fantasy video game. Hindi mo namamalayan na CGI lang pala ang pinanonood mo kasi ipapasok ka ng pelikulang ito sa virtual reality world. Imagine yourself, na nasa loob ka ng Final Fantasy game. Ganun ka-vivid.

Ito ang hindi napuntahan ng pelikulang NERVE, kung saan nagkulang sila ng malinaw na visual description ng game sa pelikula. Hindi ko naramdaman ‘yung laro o ‘yung pelikula mismo.

Ma-aappreciate din ito, hindi lang ng mga video gamers, kundi ng mga bata. Gawa ng may touch din ito ng GOONIES, ‘yung aspeto ng friendship na may iisang goal at sabay-sabay nilang dini-discover kung paano ito maa-achieve.

Kung naghahanap ka ng action/adventure movie, watch this. It’s better than TRON, MINORITY REPORT and THE MATRIX. Nilusaw niya ang lahat ng virtual reality-themed movies.

Mas nagustuhan ko nga ito sa BLADE RUNNER 2049. Mas naintindihan ko ito while watching kasi madali lang sundan ang storyline.  

Kung fan ka ng BLACK MIRROR, super havey sa’yo ang pelikulang ito. Siguro nga, kung nagpapahanap lang noon ng concept para sa BLACK MIRROR movie version at nai-submit ‘tong script ng READY PLAYER ONE, mukhang ito ang maaaprubahan at maipo-produced.    

At kung faney ka rin ni Stephen King, naku, para sa’yo ito. May significant reference sa THE SHINING ‘yung pelikula.

Hindi masasayang ang effort niyo na dayuin sa sinehan o gastusang panoorin ito sa big screen. A spectacular movie-viewing experience.

For full satisfaction, watch it on IMAX, 3D or 4DX.

Pero kung hindi ka fan ng kahit na anong video games sa buong buhay mo, siguradong waley ito sa’yo. Magpa-precious ka at dedmahin mo ‘tong pelikulang ito. Kasi panigurado, hindi ka makaka-relate at hindi mo siya maa-appreciate.  


No comments:

Post a Comment