Mas magulo pa sa bulbul ni Goldilocks ang plotline ng RED
SPARROW.
Siguro nang komisyunin ‘yung writer nito para isulat ang
script, ang main intention ng producer e “Lituhin ang audience. Yung tipong mapapatili
sila sa inis at pagsisisihan nilang pinanood nila ‘yung pelikula natin.
Sayangin ang oras ng moviegoers.”
At successful sila.
Taena, for the longest time, ngayon lang ulit ako naligaw sa
panonood ng movie. Yung tipong sa kalagitnaan ng panonood e mapapatingin ka sa
katabi mo at mapapatanong ng, “Saan na tayo?”.
Hindi ko nasundan ang character at ang kuwento mismo!
Hindi ko maintindihan kung ano ang layunin ng femme fatale
character ni Jennifer Lawrence sa movie. Hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban
niya. Dagdag irritation pa dito ang fake Russian accent niya.
Parang gusto ko siyang ituro sa screen at sigawan ng “Ang
labo mo, mare!”.
Para siyang si Georgia ng Ika-6 Na Utos na iwi-wish mong
sana e mamatay na lang ‘yung character para matapos na kaagad ‘yung istorya.
Sa nakakalitong plotline pa nito, nag-introduced ang writer
ng napakaraming characters NA sa kalagitnaan ng pelikula e biglang mamamatay,
me-murder-in o maaaksidente na mala-Final Destination. Yes may cameo appearance
dito ang rumaragasang sasakyan na ‘di mo alam kung saan nanggaling!
Hindi ko rin maintindihan kung espionage ba ito or erotic
thriller na sume-semi torture porn. Nalito na rin ang writer kung ano ang
lulutuin niyang putahe e.
May katipo itong pelikula noon e. Yung 1999 film ni Ashley
Judd na EYE OF THE BEHOLDER. Parehong semi-erotic thriller na merong femme
fatale lead. Pareho rin silang nakalilito. Pero ang kaibahan nito sa RED
SPARROW, ‘yun e nasundan ko at nagustuhan ko. Itong PULANG MAYA e hindi.
Ang tanging na-appreciate ko lang dito e ‘yung treatment ng
scripting, kung saan sa simula ng story e nagpresent sila ng dalawang characters
ng halos sabay. Tapos, susundan mo ang magkaibang kuwento nila hanggang sa
magtagpo na sila. Yun lang.
Pero over-all, nakaka-stress ang pelikulang ito. Ang
pinakahihintayin mo na lang e kung kelan lalabas ang end credits. At
mapapapalakpak ka talaga sa tuwa. Mapapasabi kang “Sa wakas, makakauwi na ako.”
Sana e inulit ko na lang ‘yung Tomb Raider. Mas natuwa pa
siguro ako.
Watch it, kung gusto mong makita ang pa-boobs at guhit ng
puwet ni Jennifer Lawrence. O kung naghahanap ka ng sakit ng ulo, pag-aksayahan
mo itong panoorin.
Ihanda ang sarili sa paglipad ng 260 pesos mo.
No comments:
Post a Comment