Thursday, September 28, 2017

LAST NIGHT



For me, ito ang taon kung saan ipinalabas ang tatlo sa pinakamagagandang pinoy romantic movies sa mga sinehan. Sinimulan ng KITA KITA, sinundan ng 100 TULA PARA KAY STELLA. Tapos ngayong last quarter ng taon, itong LAST NIGHT starring Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Napakasimple lang ng istorya pero napakaganda. Tagos sa puso ang pelikulang ito. (Spoiler Alert)

Kung ako ‘yung magpi-pitch nito sa producer, ganito ko lang ito ipi-pitch: What if may dalawang taong nagpaplanong magpakamatay ang nagtagpo isang gabi at napagkasunduan nilang magsama ng buong gabi tapos, sabay na lang silang magpakamatay after? Kaso, along the way e nagka-inlove-an sila? Itutuloy pa rin ba nila ang pagpapapakamatay?

Ganun lang kasimple ang premise nito. Pero sa unique na interpretasyon ni Direk Joyce Bernal at kung sino mang magaling na manunulat ito nanggaling, naging very engaging siyang panoorin. Kulang nga ako sa tulog kaya first few scenes ng pelikula e inaantok na ako. Napapapikit na nga ako, papuntang pagkaidlip na antok ngunit dahil paganda ng paganda ang mga eksena, kinapitan ko ang kuwento kaya natapos ko ito ng buo.

Perfect casting dito sina Piolo at Toni. Ang pagkakaroon ng quirky personality ng karakter ni Toni at depth ni Piolo sa mga dramatic moments niya dito ang siyang tamang timpla ng on-screen chemistry ng dalawa. Parang pinagsama mo sina Ryan Gosling at Meg Ryan sa isang movie.

75% ng movie e rom-com ang moda. Kaiinisan mo nga ‘yung takbo ng story kasi mukhang niro-romanticize nito ang suicide process tulad ng TV series na 13 Reasons Why. Until that 25% remaining, kung saan naipakita ang punto ng movie na mas maganda ang mabuhay kesa magpakamatay at iwanan ang mga mahal sa buhay na nagdurusa.

Ang sakit-sakit.

Para kang lalabas sa sinehan ng may nanghiwa ng blade sa puso mo o muling nanariwa ang sugat nito.

Yes ganun siya kabigat. Pero maganda.

After watching the film, tulad ng pelikulang What Dreams May Come, nagkaroon ako ng certain realizations about life and death. Na-moved ako ng pelikulang ito.

Paglabas ko nga ng sinehan, para akong nagkaroon ng separation anxiety sa mga characters dito. Para akong ‘yung isa sa dalawang characters na ayaw maghiwalay sa ending pero trapped na siya sa iisang sitwasyon na di na niya mababago kailanman kaya wala na silang choice kundi ang magkahiwalay.

Watch niyo. Kakaibang romantic movie. Ngayon ko lang napanood ang ganitong klaseng timpla ng romantic movie from Star Cinema.

Inikutan ko ‘to ng upuan. For me, its a YES!

Wednesday, September 27, 2017

RESPETO



Just got home from watching RESPETO.

Ito ang take ko sa Cinemalaya 2017 Best Picture na ito:

First few scenes e aakalain mong mala-Brazilian film na Cicade de Deus (City Of God) ang tatakbuhin ng pelikula dahil sa pinakita nitong grit. Nang ipakita pa lang ang backdrop ng story, slum community in Pandacan, Manila e amoy na amoy mo na ang lugar.

Until i-present ang character ng matandang makata na si Dido de la Paz at mamuo ang unlikely friendship with the male lead, Abra. This time, ang moda na nito e ang Mexican film na Amores Perros.

UNTIL pumasok sa eksena ang bar girl na love interest ni Abra, si Candy. At idagdag mo pa diyan ang flavor na underground rap battle. Naging 8 Mile na ni Eminem ang pelikula.

Ang nagustuhan ko sa script e ang paglalagay ng profanity sa mga dialogue tulad ng “kantut_n, k_pal, at sandamakmak na put_ng ina”. Bumagay sa story. Kasi ganun ka-honest at ka-brutal ang kuwento nito.

Habang pinanonood ko ang pelikula, sigurado akong si Dido de la Paz ang nagwaging Best Actor. Kasi para sa akin, hindi ang karakter ni Abra kundi siya ang puso ng pelikula. Sa pinakahuling eksena, sinasabi ng karakter niya ditong “pelikula ko ito kasi nasa akin ang bagahe” o “Ako ang Respeto!”. Nag-iwan sa akin ng marka ang napakahusay niyang pagganap. Ramdam na ramdam ko siya.

Kaya after watching, ginoogle ko talaga agad ang mga list of winners ng Cinemalaya 2017 upang makatiyak ako sa aking palagay at nagulat ako nang malaman kong sa best supporting actor category lang siya nanalo.

Di ko pa napapanood ang Kiko Boksingero so di ko pa alam kung bakit si Noel Comia, Jr. ang itinanghal na panalo.

Pero para sa akin, hindi pang-best supporting actor si Dido de la Paz. Siya ang best actor!

No, hindi naman ako na-blown away sa pelikula. Maganda siya pero hindi kasingganda ng Pamilya Ordinaryo o Ma Rosa na napaangat ang puwet ko sa kakapalakpak sa pag-roll ng end credits.

Ito ay pinoy version ng 8 Mile na may political undertone. Kung pahuhulain mo nga ako kung sino ang nagdirek ng pelikula without knowing the real filmmaker who helm this project, sasabihin kong si Carlitos Siguion Reyna ang gumawa ng pelikula. May texture kasi siya ng Azucena.

Kung mahilig ka sa tula, sa fliptop o sa rap e siguradong magugustuhan mo ito. Habulin mo ito sa sinehan bukas na bukas din at di ka magsisisi. Hindi ka manghihinayang sa ibabayad mo.

Mukhang magkakaroon ito ng second week sa mga piling sinehan.

Saturday, September 9, 2017

STEPHEN KING'S IT



Just got home from watching IT with friends. 

I loved it! 

Headbanger si Pennywise! 

Na-build-up ng maayos 'yung characters at nai-set ng tama 'yung mood ng tension na parang traditional horror movie noong 80's. 

May hustisya ang film version! 

After Conjuring 2 at Get Out, isa ito sa pinakanagustihan kong horror film of the past 3 years. 

A must-see for a Stephen King fan!

Monday, September 4, 2017

LOVE YOU TO THE STARS AND BACK


Just got home from watching Love You To The Stars And Back. Nagkaroon ako ng interes na panoorin ‘yung movie because base sa trailer, Alien believer din dito si Julia Barretto, just like me sa totoong buhay. Kaya nang magsimula na ang pelikula, madali ko nang nakapitan ‘yung karakter ni Julia dahil ang moda ko, ako na si Julia Barretto at kuwento ko ‘tong panonoorin ko.

After one hour of the movie, saka ko lang naramdaman na pelikula pala nina Joshua at Julia ang pinanonood ko. Love story pala nila ito. Sila pala ang loveteam dito. Pero dahil kumita ang Vince, Kath & James last year sa MMFF, nasundan pa ng project ang dalawa. E kahit ano namang pelikula sa MMFF season, kumikita. Kung meron mang hindi, bihira. At saka pinanood ng mga baks ‘yun because of Ronnie Alonte!

Hindi sila Joshua at Julia ang bida ng movie. Pero nahatak ni Joshua ang hindi pang-masang presensiya ni Julia. Hindi rin bida ang kuwento.

Ewan ko ba pero after Kita Kita, e parang latak na lang ang lahat ng mga romantic films na napapanood ko. Sobrang taas ng bar na nai-raised ng Kita Kita kaya kahit decent pinoy romantic flick e hindi ko gaanong ma-appreciate like 100 Tula Para Kay Stella.

Ang bida dito ay ang theme song ng pelikula, ‘yung Torete. Naghiyawan sa kilig ‘yung humigit-kumulang na 30 moviegoers sa loob ng sinehan nang unang patugtugin ‘yung kanta sa JS Prom scene.

Kung tutuusin, mas Kathniel at Jadine material ‘tong movie. Pero dahil siguro sa bigat ng ilang eksena ng character ni Caloy (sa kadahilanang baka di mabigyang hustisya nina Daniel Padilla at James Reid), e binigay kay Joshua.

Kinaloka ko dito ‘yung isang eksena ng kontrabida Queen Ms. Odette Khan! At inakala kong episode ng Shake, Rattle and Roll movie ‘yung pinapanood ko!

Meron ding vital role dito ang ka-loveteam ng bibe sa Super Inday and the Golden Bibe, ‘yung manok na kulay puti, si Goldie. Ang Star Cinema talaga, nakiuso pa sa bird’s flu outbreak at nagpasok ng manok sa movie.

Kung ano man ang pinakanagustuhan ko sa movie, ito ay ang ang dialogue na: “Kung di ka sigurado, ang kailangan mo lang gawin ay maniwala ka. “ or words to that effect. Lumo-Law of attraction! Anlakas maka-word of encouragement. Power!

Kung susumahin ko ang movie, para siyang larong Pinball, maraming pinuntahan ‘yung bola pero, in the end, na-hit naman niya ‘yung Jackpot.

A decent romantic flick.

Kung faney ka ng Wattpad stories, siguradong magugustuhan mo ito. Watch it!