Thursday, September 28, 2017

LAST NIGHT



For me, ito ang taon kung saan ipinalabas ang tatlo sa pinakamagagandang pinoy romantic movies sa mga sinehan. Sinimulan ng KITA KITA, sinundan ng 100 TULA PARA KAY STELLA. Tapos ngayong last quarter ng taon, itong LAST NIGHT starring Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Napakasimple lang ng istorya pero napakaganda. Tagos sa puso ang pelikulang ito. (Spoiler Alert)

Kung ako ‘yung magpi-pitch nito sa producer, ganito ko lang ito ipi-pitch: What if may dalawang taong nagpaplanong magpakamatay ang nagtagpo isang gabi at napagkasunduan nilang magsama ng buong gabi tapos, sabay na lang silang magpakamatay after? Kaso, along the way e nagka-inlove-an sila? Itutuloy pa rin ba nila ang pagpapapakamatay?

Ganun lang kasimple ang premise nito. Pero sa unique na interpretasyon ni Direk Joyce Bernal at kung sino mang magaling na manunulat ito nanggaling, naging very engaging siyang panoorin. Kulang nga ako sa tulog kaya first few scenes ng pelikula e inaantok na ako. Napapapikit na nga ako, papuntang pagkaidlip na antok ngunit dahil paganda ng paganda ang mga eksena, kinapitan ko ang kuwento kaya natapos ko ito ng buo.

Perfect casting dito sina Piolo at Toni. Ang pagkakaroon ng quirky personality ng karakter ni Toni at depth ni Piolo sa mga dramatic moments niya dito ang siyang tamang timpla ng on-screen chemistry ng dalawa. Parang pinagsama mo sina Ryan Gosling at Meg Ryan sa isang movie.

75% ng movie e rom-com ang moda. Kaiinisan mo nga ‘yung takbo ng story kasi mukhang niro-romanticize nito ang suicide process tulad ng TV series na 13 Reasons Why. Until that 25% remaining, kung saan naipakita ang punto ng movie na mas maganda ang mabuhay kesa magpakamatay at iwanan ang mga mahal sa buhay na nagdurusa.

Ang sakit-sakit.

Para kang lalabas sa sinehan ng may nanghiwa ng blade sa puso mo o muling nanariwa ang sugat nito.

Yes ganun siya kabigat. Pero maganda.

After watching the film, tulad ng pelikulang What Dreams May Come, nagkaroon ako ng certain realizations about life and death. Na-moved ako ng pelikulang ito.

Paglabas ko nga ng sinehan, para akong nagkaroon ng separation anxiety sa mga characters dito. Para akong ‘yung isa sa dalawang characters na ayaw maghiwalay sa ending pero trapped na siya sa iisang sitwasyon na di na niya mababago kailanman kaya wala na silang choice kundi ang magkahiwalay.

Watch niyo. Kakaibang romantic movie. Ngayon ko lang napanood ang ganitong klaseng timpla ng romantic movie from Star Cinema.

Inikutan ko ‘to ng upuan. For me, its a YES!

No comments:

Post a Comment