Monday, February 26, 2018

THREE BILLBOARDS OUTSIDE EBBING MISSOURI




Tinatamad ako sa mga Oscar nominated films this year. Walang pelikula ang naka-caught ng interest ko.

Tapos, na-disappoint pa ako sa unang Oscar movie na pinanood ko lately, The Shape of Water. Kaya huminto muna ako sa pagma-marathon.

Pero sa pangungulit ng mga kaibigan ko, pinagbigyan ko sila na panoorin ‘tong THREE BILLBOARDS OUTSIDE EBBING MISSOURI. Nung una, tinatamad akong panoorin ‘to. Title pa lang e nakakatamad na, di ba? Parang kapanahunan ni MARUJA ‘yung kuwento.

Glad I did.

Sobrang nagustuhan ko siya.

Kuwento ito ng isang nanay na nagpa-paskil ng tatlong billboards sa lugar nila (kung saan tinananong niya ang development ng kaso) upang kuwestiyunin ang bagal ng hustisya sa pagkamatay ng anak niyang ni-rape at pinatay seven months ago. Na-insulto ang kapulisan. Nagalit ang mga residente. Umandar ang mga tao. Battle between Nanay na may bayag laban sa mga kupal na alagad ng batas.  At dun umikot ang istorya.

Napakasimpleng premise pero unique ang ginamit na paglalahad ng kuwento. Gustung-gusto ko ‘yung pagkakagamit ng device dito ng billboards. Analogy ito ng isang criminal case na nakatakdang mapabayaan at tuluyang maluma ng panahon.

Perfect si Frances McDormand sa role na feisty mother na naghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng anak. Yung ugat sa noo niya kapag nagde-deliver ng maanghang na dialogue, ‘yung matalim niyang tingin sa mga tumituligsa ng desisyon niyang pagpapa-paskil ng mga billboards (na tila sinasabi ng mga mata niyang ‘Ano’ng ka-shit-an ‘yang pinagsasabi niyo?”.

Ramdam na ramdam ko siya.

Parang naalala ko si Sissy Spacek sa IN THE BEDROOM. Yung kahit hindi over-acting, tagos na tagos sa’yo ang pagkadisappoint sa mabagal na progreso ng rape-slay case ng anak niya. Napakahusay.

Yung character niya e di mo mawari kung sisimpatyahan mo o tatawanan. Ito ‘yung mga character na kukumprontahin at tatanungin mo ng “Ano ‘yung pinaglalaban mo, teh?”. Tapos bibigyan mo ng malutong na sampal para matauhan.

Pinaka-favorite ko ditong eksena e ‘yung sinupalpal niya ‘yung pari na bumisita sa kanilang bahay at sinita siya sa mga pinaskil niyang mga billboards. At ‘yung binayagan niya ‘yung dalawang estudyante na namato ng inumin sa salamin ng kotse. Tawang-tawa ako dun.

Naisip ko lang, babagay kay Irma Adlawan ‘yung ganitong role.

Wala lang, maisingit ko lang.  

Ganun din si Sam Rockwell. Damang-dama ko ‘yung kakupalan niya. Bumawi siya sa sobrang nakaka-disapoint na THE POLTERGEIST remake, kung saan parang naglaro lang siya sa pelikula. Yung tipong alam na alam mong tinanggap lang niya ‘yung role para magkaroon ng project.

Pero ang bida dito e ‘yung writer. Hindi niya mina-nipulate ‘yung mga characters. Hindi siya umasa sa mga plotlines o inciting incidents. Binigyan niya ito ng mga sariling desisyon. Pinakawalan niya.

Yun ang magic ng pelikula.

Ito ‘yung sinasabi sa creative world na natutunan ko sa brainstorming session namin sa TV5 noon e. Grounded story. Meaning, well-balanced at sensible.

Lahat ng nangyari sa story, may sense. Yung kakapitan mo ‘yung story hindi dahil sa bongga ‘yung mga artista at pasabog ‘yung mga eksena kundi makakarelate ka sa mga characters.

Kahit open-ended siya, buo ang kuwento.

Ganoyn.

Na-moved ako ng pelikulang ito.

Ito ang ARRIVAL, AUGUST: OSAGE COUNTY at AMOUR ko this year. My Oscar Best Picture.  

Sana this time, manalo.   

#Oscars2018

No comments:

Post a Comment