Friday, February 2, 2018

THE SHAPE OF WATER


Nakaisa na ako sa Oscar contenders this year, “The Shape Of Water” na idinirehe ng paborito kong Pan’s Labyrinth director na si Guillermo Del Toro.

Kung susumahin mo ang buong pelikula, isang babaeng piping cleaner ay makikilala ang isang syokoy sa  laboratory na pinagtatrabahuan niya, magkakadevelopan sila romantically kaya itatakas niya ang syokoy at hahabulin sila ng mga tao sa laboratory. Basically, love story ito ng Syokoy at babaeng pipi.

I dig romantic fantasy movies. Ultimate favorite ko ang Date With An Angel sa genre na ito at nagustuhan ko rin ang Upside Down at In Time na sume-semi-sci-fi kaya I expected so much sa pelikulang ito. Pero walang iniwang magic sa akin itong movie na ‘to, considering na ito ang may pinakamaraming nominasyon sa Oscars with 13 nominations! Ewan ko ba, pero walang kagat or sipa sa akin ‘yung movie. Hindi rin ako kinilig sa pagmamahalan ng dalawang bida.

Bukod sa isang musical number scene (yes, may song and dance number ang Syokoy at babaeng pipi dito), wala kasing bago dito. Ang kuwento nito ay makailang beses ko nang nabasa sa Engkastasya komiks noong bata ako.

Pero technical aspect-wise, maganda ang cinematography, production design, musical score. Napanindigan nila ang 1960’s setting ng kuwento. Over-all, malinis ang pagkakagawa ng movie.

Mahusay din dito ang mga supporting actors na nagsi-pagganap (Octavia Spencers at ng na-snob sa Oscars na si Michael Shannon, pero ibinigay naman sa isa pang support na si Richard Jenkins ang nod).

Ganunpaman, ang nagustuhan ko sa pelikula ay ang mensahe nitong “Walang pinipiliing anyo ang pag-ibig” at ang “Pag-ibig ay hindi mo masusukat o maipaliliwanag” kaya ang title nitong “The Shape of Water” ay nabigyang hustisya at kahulugan. Naipaliwanag ito ng maayos sa kuwento.    

Yun marahil ang dahilan kung bakit ito nagustuhan ng mga kritiko. The message is clear at naipadama ito sa audience kahit gasgas na ang kuwentong komiks ng pelikula.    


Mas maganda pa rin ang Marina ni Claudine Barretto.

No comments:

Post a Comment