Monday, January 1, 2018

DEDMA WALKING


Nagkaroon na ng Dedma Walking sa SM Baguio!

At kanina, sa pagbubukas ng bagong taon, ito ang kauna-unahan kong pinanood. My pilot movie for 2018!  

I was expecting to laugh hanggang sa sumakit ang tiyan ko sa katatawa. 

Pero hindi ito nangyari.

Walang Vice Ganda offensive jokes or slapstick comedies na talamak sa pelikula ni Wenn Deramas na mapapanood.

Bagkus...

Surprisingly, pinaiyak ako ng movie na 'to.

Isang bagay na bihira kong matagpuan sa pinoy films lately. May puso ang pelikulang ito!

Timplado ang mood ng buong pelikula. Tamang-tama ang humor at drama parang ang dalawang bida ditong sina Joross at Edgar Allan. Perfect blending! 

Iyak-Tawa movie siya.

Nag-shine si Edgar Allan Guzman dito! Hindi ko makitaan ng mas akmang actor replacement kay Edgar Allan. Perfect casting siya sa role ni Mark!

Witty and funny dialogue, great script, gay protagonists, may pa-twist ang story sa ending, campy, may puso. Ito ang formula or ang mga elements ng pangarap kong maisulat na black comedy script noon pa. Nakita ko na ang template na gagayahin ko. No wonder kung bakit ito nanalo sa Palanca Awards!

At nai-translate nang buong husay ni Direk Julius Ruslin Alfonso sa big screen (considering na ito ang film debut niya).

Nang dahil sa pelikulang ito, bigla kong na-miss ang dalawa kong kaibigang beki na sumakabilang-parlor na rin.

Mga baks, one word… PANOORIN!

Pahabol, napahalakhak pala ako sa eksena ni Iza Calzado. 

Yun ang eksenang maihahalintulad ko sa burol scene ni Roderick Paulate sa Ded Na Si Lolo.   

Funny and very entertaining. Perfect friendship movie! 

Habulin niyo sa sinehan, mga mamshies! Ipalilibing ko ang baklang hindi magagandahan! :)

No comments:

Post a Comment