Nung mapanood ko ang trailer nitong LOST IN SPACE Netfflix TV
series months ago, na-excite ako at automatic, napunta siya sa watchlist ko. Sa
tulad ko kasing alien believer at sci-fi freak, havey sa akin ang concept nito:
Isang pamilya na lulan ng spacecraft papauntang ibang mundo upang i-colonize
ang ibang planeta. Na-fucked up ang kanilang paglalakabay at napunta sa isang dying
planet. Paano sila makaka-survive?
Re-imagining ito ng 1965 American TV series na hindi ko na
naabutan noon. Meaning, mas updated ang story at mas maganda ang CGI effects nitong
2018 version. So I was expecting na mas bongga itong bagong adaptation.
Pero I was quite disappointed.
Yung pilot episode niya, mahina. Walang kagat. Walang
pasabog. Di tulad ng LOST TV series noong 2010 na pilot pa lang, glued na ako
sa series.
Oo nga, impressive na ang CGI effects pero may kulang. Di ko
ma-figure sa umpisa kung ano kaya pinagtiyagaan ko ito. Pinagbigyan ko siya until
sa 4th episode pumik-ap na siya sa akin.
Ito ay nang kapitan ko ang character ng schemerang si Dr.
smith (played by Parker Posey), isang shady character who turned out to be a
con artist na aksidente nilang nakasama sa voyage. Of all the goody characters,
sa bitchesang kupal na ‘to pa ako na-hooked. Kasi mas interesting malaman ang
backstory niya at kung ano pa ang masamang binabalak niya sa future episodes.
Kaabang-abang ‘yung evil schemes ng punyetang babaeng ‘to.
Siya lang ang dahilan kaya pinagtiyagaan kong matapos itong
Season 1. Kung wala siguro siya, matutulad ito sa mga series na hanggang season
1 lang ang itinagal ko (like Stranger Things, Orphan Black, Bates Hotel, etc).
Ito ‘yung mga series na natabangan ako kaya binitawan ko na.
Ito kasing LOST IN SPACE, tanggalin mo lang ang sci-fi element
at gawin mong ibang country ‘yung backdrop instead na outer space/ibang planeta
e isa lamang itong family/adventure movie. Oo isa siyang Disney movie about sa
pamilya na may problema ang mag-asawa at ganundin sa kanilang relasyon sa mga
anak na ang paglilipat nila sa ibang bansa ang nakikita nilang magiging
solusyon upang marestart muli sila. Kaso nagkaroon ng aberya sa paglilipat nila
at nadisgrasya ang sinasakyan nilang eroplano at napunta sila sa isang isla.
Kung paano sila makaka-survive at makakaalis sa isla ang aantabayanan mo kada
episode. Sounds familiar ba? Para siyang nawawalang episode ng LOST 2010 TV
series.
Ganun siya kalabnaw. Content-wise, mababaw siya.
Kung tutuusin, ‘yung isang buong series e kakayaning ma-condensed
sa isang episode na tatakbong Pilot or isang TV movie. Ini-stretched lang nila
sa sampung episodes. Pinakapal.
Ganunpaman, ma-appreciate ito ng pamilya na mahilig sa
Family Adventure movies at sa mga batang mahilig sa sci-fi/fantasy kasi may
robot at alien creatures dito. Pambata siyang version ng PROMETHEUS.
Though entertaining pa rin siya, pero kung faney ka ng LOST
2010 TV series at ng BLACK MIRROR anthology, madi-disappoint ka dito. Hindi
aalog ang utak mo. Walang ka-effort-effort na pag-isipan kung ano ang payoff ng
cliffhanger ng episode sa susunod na kabanata. Mahuhulaan mo kaagad siya. Madali
mo siyang masusundan.
Chopseuy ito ng sci-fi movies. Parang latak siya ng ALIENS, THE
MARTIAN, STAR TREK at MAC & ME na ginawang isang bagong putahe. Binigyan mo
ng bagong bihis ang isang lumang treatment. Ganun siya.
Walang bago.
No comments:
Post a Comment