Monday, May 1, 2017
13 REASONS WHY
Nitong mga nakalipas na araw, palagi kong nae-encounter dito sa newsfeed ko ang tungkol sa 13 Reasons Why TV series. Kaya na-curious ako, I downloaded it sa torrents online nung isang araw. At katatapos ko lang ng episode 2 ngayon.
Taena, ito ‘yung tipo ng TV series na ka-a-adikan kong panoorin noong high school ako. Pasok na pasok siya sa panlasa ko. May feels siya ng favorite kong young adult novel series na Fear Street ni R.L Stine na kinababaliwan kong basahin noong high school ako. To the point na hindi ako kumakain sa recess para lang makaipon ng pambili ng book nito sa National Bookstore na halos monthly e may bagong title na lalabas.
Kung ang Fear Street ay tungkol sa mga estudyante ng Shadyshide High na merong sino-solve na murder mystery, whodunit na pang-teenager ang peg, ito namang 13 Reasons Why ay isang suicide-mystery. Sinu-solve kung sino ang salarin or kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ni Hannah Baker kung saan ang mga suspect ay mga ka-schoolmates niya. At mukhang nasa kamay ng bidang si Clay, ang kaibigan niya, ang ikalulutas ng misteryo.
First time ko lang napanood ito sa isang TV series, na ang handle e suicide-mystery kaya refreshing siya.
Gustung-gusto ko ‘yung ganitong klase ng mga palabas e. I’m more of a ‘feeler’ kesa ‘thinker’. Mas dig ko ‘yung mga palabas na mag-iiwan sa akin ng marka sa puso o maglalaro ng damdamin ko kesa sa mga palabas na pinag-iisip ako. Mas namu-move ang sensibilities ko pag puso ang pinupuntirya sa akin.
Kaso ang bigat ng tema nitong 13 Reasons Why: Rape and Suicide. Kaya hindi ko ito magawang i-binge-watching o ‘yung isang upuan lang e makakailang episodes na ako tulad ng ginawa ko sa LOST, The Walking Dead at Stranger Things noon. Kailangan kong huminto kada episode at para meron akong pinanonood araw-araw, isang episode kada isang gabi. Kailangan kong huminga.
Sa mga mahihilig diyan sa mystery drama like Twin Peaks, ito ang millenials version niya.
Sa mga nakapanood na sa inyo, no spoilers please.
Hindi ito para sa mga taong nasa stage of depression or ‘yung may suicidal tendencies. Makakadagdag lang ito ng bigat ng dibdib niyo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment