Just got home from watching OCEAN'S 8.
Ayun, sa ending, namatay silang lahat, including Sandra Bullock. Huhuhu.
How's that for panimula?
Siyempre, joke lang 'yun. Spoiler-free 'tong hanash ko about the film.
Kuwento ito ng ex-con na bumuo ng all-female group para pagnakawan ang MET Gala Event sa New York.
Kung paano siya nag-recruit ng makakasama, pinlano, inorganisa at in-execute ang pagnanakaw kasama ng kanyang long-time beshie, 'yun ang buong pelikula.
Heist movie.
Female version ng Ocean's Eleven. Kung disappointing ang female version ng Ghostbusters, ito, hindi.
Entertaining siya. Hindi siya nakakaantok. Hindi ka rin maliligaw sa kuwento. Kahit na magpa-manecure ka sa sinehan habang nag-wa-watch nito, masusundan mo ang istorya. Kasi hindi masalimuot ang storyline. Walang buhol-buhol na subplots. O mga complex or multi-layered characters. O mga pa-easter egg emyas. Hindi ito gawa ni Christopher Nolan or Guillermo del Toro. Relax.
Nope, hindi ito pang-thinking audience. Hindi rin ito popcorn movie lang. Nasa borderline ito ng dalawa. Borderline?!? (Sabeh ni Madonna?)
Hayahay lang ang panonood.
Treat dito ang mapanood sa iisang eksena sina Sandra Bullock, Cate Blanchett, Anne Hathaway, Helena Bonham Carter at Rihanna. Ikatutuwa mo ang makita silang lima sa iisang frame. Dun pa lang e sulit na ang binayad mo. Pukpukan ng mga Oscar Best Actresses at isang Grammy winner!
Na hinaluan ng mga starlets. Da who sina Mindy Kaling, Sarah Paulson at si AWKWAFINA??? Parang namesung ng agogo dancer sa Sawali.
Matutuwa ang mga kababaihan sa movie sa kadahilanang feeling empowered sila sa characterization na hindi lang mga kalalakihan ang mahusay sa pagnanakaw kundi kaya rin ng mga bad-ass bitches like them., Ganun din ang sangkabaklaan, lalung-lalo na 'yung mga Rihanna Navy, mapapapalakpak ka sa isang eksena ng idolo mo dito! Pinatunayan niyang siya talaga ang reyna ng MET Gala Event! Magandang desisyon 'yung isinama siya sa casting. Pinalakpakan ng mane ko 'yun.
That's the only reason kaya ko ito pinanood. Because of Rihanna. Gusto ko siya at 'yung music niya.
Hindi ito para sa mga lalaki. Kasi matatabangan o malalabnawan sila sa pelikula. Wala man lang sumabog dito kahit isang gasulito. Hindi siya action-packed. Hindi siya mala-James Bond or Mission Impossible sa mga pasavog! Walang karahasan o kangkangang naganap. Pag sinama mo ang isang lalaki to watch this, para mo na rin siyang sinama sa panonood ng chick flick na mala-Sex & The City na may nakawang ganap. Ganyan.
Kung susumahin ko sa isang salita ang take ko sa heist movie na ito: Satisfying.
VERDICT: Tatlo't kalahating banga at ang 250 pesos kong binayad sa Grab Car pauwi kahit isang split lang naman ang layo ng sinehan sa place ko nang dahil sa punyetang ulan na 'yan.
Wednesday, June 13, 2018
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment