Tuesday, July 17, 2018
LEGIT NA STARLET
Lumipat na po ako ng bagong blog address:
Follow me on...
https://legitnastarlet.blogspot.com/
Thanks!
Friday, July 13, 2018
THE BOY WHO COULD FLY
May napanood akong 80's drama film (hindi ko kasi
madistinguished kung romantic fantasy ba siya o family/friendship movie, kaya
drama na lang) na sobra kong nagustuhan. Nasurpresa ako ng 1986 American film
na 'to. Not so popular film siya noong 1980s. Hindi siya kasing-well known ng Date
With An Angel, NeverEnding Story, Mac & Me or ng Sixteen Candles. Narinig
niyo na ba itong THE BOY WHO COULD FLY?
Kasi ako, lately ko lang siya nadiscover nang ipost siya ng
isang member ng 80s Kids Group na pina-follow ko. E sa tulad kong laman ng
Video Shops noong 80s to 90s, ngayon ko lang siya narinig. So it caught my
interest and downloaded it ura-urada sa torrent.
Kuwento ito ng mag-iina na lumipat ng bagong bahay matapos
mamatayan ng ama. Naging kapitbahay nila ang isang autistic teenage boy na
naniniwalang siya diumano e nakakalilipad. Ano ang common denominator sa
dalagang anak ng bagong lipat at ng autistic boy? Pareho silang namatayan ng
magulang. Ang parents ni boy, sa plane crash. Si dalaga, dahil sa suicide.
Naging magkaibigan sila. At di nila namamalayan na
nagkakatulungan sila maka-cope-up sa lungkot ng pagkamatay ng kani-kanilang mga
magulang.
Paano kung magkadevelopan sila? Autistic na lalaki
magugustuhan ba ng isang magandang babae?
And totoo ba ang ilusyon ni boy na nakakalipad siya?
Siyempre, 'yan ang tanong na sasagutin ng pelikula at hindi
ng spoiler-free kong hanash.
Tulad ng nabanggit ko kanina, hindi ko mawari kung saan ko ika-categorize
'yung movie. Romantic fantasy ba, family or friendship movie? Nandun kasi ang
lahat ng elements na 'yan sa pelikula. Matagumpay na nagblend. Walang sapawang
naganap. Tamang-tamang timpla.
Siguro kaya din ito hindi gaanong pumatok noong 80s, ang
dating sa audience e kinulang sa maraming aspeto 'yung movie. Hindi tumodo sa
fantasy, hindi rin tumodo sa drama. Lalung-lalo pa at hindi rin tumodo sa
romance. Timplado ba.
Yun kaya ang 'magic' ng pelikula. Yung pagiging simple nito.
Payak na storyline, not-so-known actors (except for Bonnie Bedella, ang
favorite leading lady ng mga hollywood action stars noong late 80s to early
90s) at hindi sumikat na theme song (ever heard of the song Walkin' On Air by
Stephen Bishop? Malamang, never pa. First time ko rin 'yung narinig e).
Sa tulad kong hindi dumadaan ang isang araw na hindi
nakakanood ng isang pelikula ('yung kating-kating makakita ng moving images sa
screen), nakalma ang mind ko after watching this film. Kung naghahanap ka ng
pelikulang hahatak sa'yo sa gravity at baka masyado ka nang nao-overwhelmed sa
pinanonood mo sa ouetr sapce, watch this. Perfect film ito na pambarag sa
pagkalunod mo sa blockbuster/disaster movies, indies, foreign or mindfuck
films. Para kang nakalaklak ng anti-depressant pill at makakalma ang pagiging
hyper mo sa pagiging movie addict kapag napanood mo 'to.
Naibalik niya ako sa pagkabata. Yung feels na first time
kong nakanood ng fantasy, teenage
romance, childhood movie or ng magandang
family drama. Nostalgia. 80s na 80s feels! Simpleng story, pero na-appreciate
ko siya nang bongga! Kung napaangat ang puwet mo nang makita mong lumipad si
Superman o ang bisikleta lulan si ET noong 1980s, may ganun ding moment in time
kang mapapala dito. Promise!
May 'magic' ang pelikula!
Malinaw pa sa tiles ng lababo ng CR niyong naitawid ang
lesson ng movie sa ending: "Anything is possible if you really try."
Nakaka-uplift ng spirit, 'di ba?!
VERDICT:
Perfect na sana e kaso apat at
kalahating banga lang kasi hindi pa rin naibabalik ng bakla sa Tulfo 'yung
tam_d ng boylet.
Wednesday, June 13, 2018
OCEAN'S 8
Just got home from watching OCEAN'S 8.
Ayun, sa ending, namatay silang lahat, including Sandra Bullock. Huhuhu.
How's that for panimula?
Siyempre, joke lang 'yun. Spoiler-free 'tong hanash ko about the film.
Kuwento ito ng ex-con na bumuo ng all-female group para pagnakawan ang MET Gala Event sa New York.
Kung paano siya nag-recruit ng makakasama, pinlano, inorganisa at in-execute ang pagnanakaw kasama ng kanyang long-time beshie, 'yun ang buong pelikula.
Heist movie.
Female version ng Ocean's Eleven. Kung disappointing ang female version ng Ghostbusters, ito, hindi.
Entertaining siya. Hindi siya nakakaantok. Hindi ka rin maliligaw sa kuwento. Kahit na magpa-manecure ka sa sinehan habang nag-wa-watch nito, masusundan mo ang istorya. Kasi hindi masalimuot ang storyline. Walang buhol-buhol na subplots. O mga complex or multi-layered characters. O mga pa-easter egg emyas. Hindi ito gawa ni Christopher Nolan or Guillermo del Toro. Relax.
Nope, hindi ito pang-thinking audience. Hindi rin ito popcorn movie lang. Nasa borderline ito ng dalawa. Borderline?!? (Sabeh ni Madonna?)
Hayahay lang ang panonood.
Treat dito ang mapanood sa iisang eksena sina Sandra Bullock, Cate Blanchett, Anne Hathaway, Helena Bonham Carter at Rihanna. Ikatutuwa mo ang makita silang lima sa iisang frame. Dun pa lang e sulit na ang binayad mo. Pukpukan ng mga Oscar Best Actresses at isang Grammy winner!
Na hinaluan ng mga starlets. Da who sina Mindy Kaling, Sarah Paulson at si AWKWAFINA??? Parang namesung ng agogo dancer sa Sawali.
Matutuwa ang mga kababaihan sa movie sa kadahilanang feeling empowered sila sa characterization na hindi lang mga kalalakihan ang mahusay sa pagnanakaw kundi kaya rin ng mga bad-ass bitches like them., Ganun din ang sangkabaklaan, lalung-lalo na 'yung mga Rihanna Navy, mapapapalakpak ka sa isang eksena ng idolo mo dito! Pinatunayan niyang siya talaga ang reyna ng MET Gala Event! Magandang desisyon 'yung isinama siya sa casting. Pinalakpakan ng mane ko 'yun.
That's the only reason kaya ko ito pinanood. Because of Rihanna. Gusto ko siya at 'yung music niya.
Hindi ito para sa mga lalaki. Kasi matatabangan o malalabnawan sila sa pelikula. Wala man lang sumabog dito kahit isang gasulito. Hindi siya action-packed. Hindi siya mala-James Bond or Mission Impossible sa mga pasavog! Walang karahasan o kangkangang naganap. Pag sinama mo ang isang lalaki to watch this, para mo na rin siyang sinama sa panonood ng chick flick na mala-Sex & The City na may nakawang ganap. Ganyan.
Kung susumahin ko sa isang salita ang take ko sa heist movie na ito: Satisfying.
VERDICT: Tatlo't kalahating banga at ang 250 pesos kong binayad sa Grab Car pauwi kahit isang split lang naman ang layo ng sinehan sa place ko nang dahil sa punyetang ulan na 'yan.
Ayun, sa ending, namatay silang lahat, including Sandra Bullock. Huhuhu.
How's that for panimula?
Siyempre, joke lang 'yun. Spoiler-free 'tong hanash ko about the film.
Kuwento ito ng ex-con na bumuo ng all-female group para pagnakawan ang MET Gala Event sa New York.
Kung paano siya nag-recruit ng makakasama, pinlano, inorganisa at in-execute ang pagnanakaw kasama ng kanyang long-time beshie, 'yun ang buong pelikula.
Heist movie.
Female version ng Ocean's Eleven. Kung disappointing ang female version ng Ghostbusters, ito, hindi.
Entertaining siya. Hindi siya nakakaantok. Hindi ka rin maliligaw sa kuwento. Kahit na magpa-manecure ka sa sinehan habang nag-wa-watch nito, masusundan mo ang istorya. Kasi hindi masalimuot ang storyline. Walang buhol-buhol na subplots. O mga complex or multi-layered characters. O mga pa-easter egg emyas. Hindi ito gawa ni Christopher Nolan or Guillermo del Toro. Relax.
Nope, hindi ito pang-thinking audience. Hindi rin ito popcorn movie lang. Nasa borderline ito ng dalawa. Borderline?!? (Sabeh ni Madonna?)
Hayahay lang ang panonood.
Treat dito ang mapanood sa iisang eksena sina Sandra Bullock, Cate Blanchett, Anne Hathaway, Helena Bonham Carter at Rihanna. Ikatutuwa mo ang makita silang lima sa iisang frame. Dun pa lang e sulit na ang binayad mo. Pukpukan ng mga Oscar Best Actresses at isang Grammy winner!
Na hinaluan ng mga starlets. Da who sina Mindy Kaling, Sarah Paulson at si AWKWAFINA??? Parang namesung ng agogo dancer sa Sawali.
Matutuwa ang mga kababaihan sa movie sa kadahilanang feeling empowered sila sa characterization na hindi lang mga kalalakihan ang mahusay sa pagnanakaw kundi kaya rin ng mga bad-ass bitches like them., Ganun din ang sangkabaklaan, lalung-lalo na 'yung mga Rihanna Navy, mapapapalakpak ka sa isang eksena ng idolo mo dito! Pinatunayan niyang siya talaga ang reyna ng MET Gala Event! Magandang desisyon 'yung isinama siya sa casting. Pinalakpakan ng mane ko 'yun.
That's the only reason kaya ko ito pinanood. Because of Rihanna. Gusto ko siya at 'yung music niya.
Hindi ito para sa mga lalaki. Kasi matatabangan o malalabnawan sila sa pelikula. Wala man lang sumabog dito kahit isang gasulito. Hindi siya action-packed. Hindi siya mala-James Bond or Mission Impossible sa mga pasavog! Walang karahasan o kangkangang naganap. Pag sinama mo ang isang lalaki to watch this, para mo na rin siyang sinama sa panonood ng chick flick na mala-Sex & The City na may nakawang ganap. Ganyan.
Kung susumahin ko sa isang salita ang take ko sa heist movie na ito: Satisfying.
VERDICT: Tatlo't kalahating banga at ang 250 pesos kong binayad sa Grab Car pauwi kahit isang split lang naman ang layo ng sinehan sa place ko nang dahil sa punyetang ulan na 'yan.
Tuesday, June 12, 2018
MUTE WITNESS
Kani-kanina lang, napag-usapan namin ng kaibigan kong Movie Reviewer ang mga recent decent horror movies na napanood namin.
Bigla ko lang naalala 'tong 1995 Russian movie na 'to na napanood ko sa VHS noong high school pa ako.
MUTE WITNESS
Under-appreciated ito e.
I remember, while watching it, napapa-padyak at napapa-angat ang puwet ko sa upuan sa sobrang suspense.
Kuwento ito ng isang piping make-up artist na nakulong sa studio kung saan sinu-shoot ang horror movie nila sa Russia. Sa loob, naka-witness siya ng patayan. Kung paano siya naka-escape doon, 'yun ang buong pelikula.
Paano makakahingi ng saklolo ang isang pipi?
Ang bongga ng simpleng plot, 'di ba? Wait ka lang kung paano inexecute ng direktor ang mga eksena. Matatapyas ang panga mo sa kasisigaw sa sobrang suspense.
Di ko pa alam ang term noon na Hitchcockian. Pero para siyang patterned sa camera techniques ng mga pelikula ni Alfred Hitchcock. Humi-Hitchcockian! There, i said it.
Mukha siyang low-budgeted movie kasi bukod sa hindi kilala ang mga artista, chinecked ko sa IMDB now, hindi siya produced ng mainstream studios. At galing siya sa Russia.
Pero just the same, para siyang gawa ng de-kalibreng horror director at nagawaran ng big budget.
Kakapitan mo dito ang piping bida. Rereglahin ka sa pagtakas niya mula sa killer!
Polished ang directing, production design at par excellence ang cinematography. Lalung-lalo na ng editing.
Download it sa torrents or you can watch it sa Youtube (nakita ko, uploaded siya dun). Ewan ko nga lang kung may English subtitles siya kasi Russian/English-language ang movie.
Kaya if you're into slasher flicks, highly recommended ko ito for you.
Nasa Top 3 ko siya ng pelikulang nagpasigaw sa akin. Second sa PSYCHO, followed by BREAKDOWN starring Kurt Russel.
VERDICT: Limang banga para sa low-budget movie na mas maganda pa sa Huwag Mong Bubuhayin Ang Bangkay ng Seiko Films.
Bigla ko lang naalala 'tong 1995 Russian movie na 'to na napanood ko sa VHS noong high school pa ako.
MUTE WITNESS
Under-appreciated ito e.
I remember, while watching it, napapa-padyak at napapa-angat ang puwet ko sa upuan sa sobrang suspense.
Kuwento ito ng isang piping make-up artist na nakulong sa studio kung saan sinu-shoot ang horror movie nila sa Russia. Sa loob, naka-witness siya ng patayan. Kung paano siya naka-escape doon, 'yun ang buong pelikula.
Paano makakahingi ng saklolo ang isang pipi?
Ang bongga ng simpleng plot, 'di ba? Wait ka lang kung paano inexecute ng direktor ang mga eksena. Matatapyas ang panga mo sa kasisigaw sa sobrang suspense.
Di ko pa alam ang term noon na Hitchcockian. Pero para siyang patterned sa camera techniques ng mga pelikula ni Alfred Hitchcock. Humi-Hitchcockian! There, i said it.
Mukha siyang low-budgeted movie kasi bukod sa hindi kilala ang mga artista, chinecked ko sa IMDB now, hindi siya produced ng mainstream studios. At galing siya sa Russia.
Pero just the same, para siyang gawa ng de-kalibreng horror director at nagawaran ng big budget.
Kakapitan mo dito ang piping bida. Rereglahin ka sa pagtakas niya mula sa killer!
Polished ang directing, production design at par excellence ang cinematography. Lalung-lalo na ng editing.
Download it sa torrents or you can watch it sa Youtube (nakita ko, uploaded siya dun). Ewan ko nga lang kung may English subtitles siya kasi Russian/English-language ang movie.
Kaya if you're into slasher flicks, highly recommended ko ito for you.
Nasa Top 3 ko siya ng pelikulang nagpasigaw sa akin. Second sa PSYCHO, followed by BREAKDOWN starring Kurt Russel.
VERDICT: Limang banga para sa low-budget movie na mas maganda pa sa Huwag Mong Bubuhayin Ang Bangkay ng Seiko Films.
Monday, June 4, 2018
THE KISSING BOOTH
Itong THE KISSING BOOTH ay makapal ang mukhang nanghiram ng
elements sa mga successful romantic teen movies like CLUELESS at MEAN GIRLS.
Pero hindi siya ganun kaganda. Nagpumilit siyang pumantay sa
mga iyon pero hindi niya na-achieved.
Hindi mo siya nanaising ulitin tulad ng mga pelikulang
nabanggit ko. Forgettable siya.
Kuwento ito ng magbestfriend na isang lalaki at babae na may
mga rules na sinusunod sa kanilang friendship. At isa sa mga rules na 'yun e
"Never Makikipagrelasyon Sa Kapamilya/Kadugo Ng Bawat Isa". Ngunit
paano kung ma-inlove si Girl sa kapatid ni Boy Bestie at magkaroon ng relasyon
dito? Paano niya ito ililihim sa bestfriend niya? Paano kung malaman din ito nito
kalaunan?
"Friendship or lovelife?" Ang mas gasgas pa sa
kawaling sunog na subplot ng mga romantic themed movies.
Ganun kababaw. Kingkingan. Parang episode ng Flames sa
ABS-CBN noon or istorya sa Wattpad.
Walang bagahe.
Kung matanda ka na at napagdaanan mo na ang mga pelikulang
CLUELESS, MEAN GIRLS, SOME KIND OF WONDERFUL at PRETTY IN PINK, wala kang
mapupulot ditong bago. Wala itong pinresent na bago. Nandyan pa rin ang walang
kasawa-sawang mean girls at Prom scene!
Pang-high school ito.
Nakakabata? Nope. Nakakatanga. Hindi na 'to para sa'yo. I'm
sure upgraded ka na.
Havey na havey 'to sa mga kikay millennials or high school.
I'm sure, kikiligin sila ng bongga kahit na ang OA sa
kababawan 'yung kuwento. Kaartehan ng isang high school girl na ang tanging
hangad sa buhay e mahalikan o madevirginized. Na hinaluan ng konting subplot
about friendship. Ganyan.
Kapikon, di ba? Ang sarap itakin 'yung dede ng lead actress
at ilagay sa garapon. Tapos tatadtarin ko ng pinung-pino saka ko gagawing
bopis.
Pero ma-appreciate 'to ng mga nasa high school at Wattpad
fans. Or ng mga hindi pa rin nakaka-moved on kina Jolina at Marvin.
Tulad ko noon, super havey sa akin ang CASPER THE MOVIE.
Yung naiihi ako sa kilig sa eksenang sinasayaw ni Casper si manoong Cristina Ricci.
Paanong hindi? E high school lang ako noon nang panoorin ko 'yun sa sinehan.
Virgin na virgin pa ako noon. Super babaw pero 'yun ang first time kong kiligin
sa panonood ng pelikula. Kaya din hindi ko makalimutan si Devon Sawa.
Kung ano man ang pinaka-nagustuhan ko sa movie, ito ay ang
leading man dito na maiko-consider kong "Hottest leading man ng teen movie
of this generation". Pagkasarap-sarap. Parang si Tom Cruise noong Top Gun
era. Ulam. Magwa-water-water ka sa kapogian!
Nabasa ko rin online na naging mag-on ang dalawang lead ng
movie sa totoong buhay. Nagka-developan silang dalawa while doing the film.
As if may care ang tao sa lovelife ng dalawang starlet na
ito.
VERDICT:
Dalawang banga at isang pasador sa kare-regla lang na
dalagita na makaka-appreciate nito.
Sunday, June 3, 2018
SID & AYA
Kahapon, pinanood namin ng mga kapwa ko starlets ang SID
& AYA. Nirekomenda kasi ito sa akin ng co-writer ko sa Maynila. E, sa aming
kasalukuyang tatlong writers ng Maynila, siya (sa tingin ko) ang pinakamagaling
sa pagsusulat ng Rom-Com so mataas ang kumpiyansa kong kapag sinabi niyang
maganda ang isang romantic movie,
maganda talaga.
Nakumbinse tuloy akong effortan at dayuin sa sinehan.
Sinabay ko na lang sa araw ng “catching-up with my long lost
friends” movement ko ‘yung movie. Paminsan-minsan ko ‘tong ginagawa at kahapon
ang araw nun gawa ng isa sa mga long lost friends ko e nanggaling pa ng Ilocos
Norte at nandito lang sa Manila for a short vacation. Plus kasama pa niya ang
dalawa niyang chikiting na inaanak ko pang pareho.
Ito na… (Spoiler Alert)
Dalawang beses akong nakatulog sa sinehan.
Valid reason ba ang puyat? Kasi tatlong oras lang ang tulog
ko nung gabi bago kahapon. Tapos medyo
na-haggard pa ako sa pag-aasikaso ng mga guest (as if naman pag-aari namin ang
venue kung saan ginanap ang mini-reunion with my friends).
Or talagang hindi lang ako na-hooked sa lead character dito
na isang lalaking broker na feeling empty?
Ginigising na lang ako ng friend ko sa sinehan at may hanash
na “Bakit ka natutulog, Joyce? Akala ko ba sabi ng katrabaho mo, maganda ito?”.
So pinilit kong gisingin ang diwa ko.
Until, ‘yun na nga, nakatulog ulit ako!
Nang magising ako, patapos na.
Here’s my take: Di ko siya gaanong bet.
Well, it’s a pretty decent romantic movie. Medyo slow-burn
or passive lang ‘yung kuwento. Yung walang gaanong dramatic highlights, ‘yung
hindi ka matutulig sa kaganapan. Yung tipong sumugod ka sa squatters area pero
walang sumampal o humablot sa‘yo. Walang altercation. Ganun.
Di ko rin naman naramdaman ang magic. Walang fairy na
nagwisik ng glitters sa ending!
Kasi sa LA LA LAND noon, naalala ko, nakatulog din ako sa
loob ng sinehan. Pero punyeta naman ‘yung ending nun, halimaw. Bumawi sa ‘what
if ganito ang nangyari’ montage. Gabalde ang iniyak ko dun sa sinehan. Hagulgol
talaga.
Pero dito sa SID & AYA,
kulang na lang sabihin kong na-bored ako.
Medyo hype ‘yung nagsasabing pasabog ‘yung ending kasi kung
iku-compare ‘yun sa twist ng KITA KITA, walang-wala ‘yun. Napaka-simpleng lusis
lang ‘yun. Isdang fountain na hindi sumabog.
At parang hindi naman nila
nabigyan ng justice ‘yung tagline na “ Not A Love Story” kasi love story pa rin
naman siya. Medyo sad nga lang. Mas akma sana ang tagline ditong “Not A Typical
Love Story”.
After NOT ME LOVE YOU and SID & AYA, sa tingin ko, ito
ang nagiging molda ng Viva Films: kakaibang love story na pa-deep.
At least, lumalayo sila sa putahe ng STAR CINEMA kasi,
aminin natin, pinag-Reynahan na nila ‘yung ganitong formulaic romantic movies na kumo-Korean.
Ewan ko ba pero hindi ko talaga nagustuhan ‘yung kuwento.
Pero ‘yung pagkakagawa, polished ang technical aspects (design, cinematography,
direction).
Siguro kasi, di ko nakita si Anne Curtis sa AYA character na
pino-portray niya. Mas si Bela Padilla ang bagay sa role. Yung feisty ang
personality. Yung tipong sasama sa isang stranger na mayaman kahit di naman
siya prostitute.
Baka magalit naman sa akin ang fans ni Anne Curtis na ka-FB
ko. Ganito na lang, bagay din naman kay Anne ‘yung role pero hindi siya ang
perfect cast para dito.
Kung nasanay ka’t nagustuhan ang panonood ng Star Cinema
movies, slightly madi-disappoint ka dito.
Pero kung gusto mo ng pa-deep na romantic drama, mada-digest
mo ito. Ayun ay kung may utak din ang puso mo.
Pinaka-nagustuhan ko dito ‘yung linya ni Dingdong sa bandang
ending na “Kahit na hindi kayo nagkatuluyan ng isang tao, ang mahalaga e nakuha
mo siya.” Or words to that effect. In English kasi kaya ‘di ko na maalala ‘yung
exact words e.
Kung ‘yun ang mensahe ng movie, pasok na pasok sa mga beking
may boylet. Hugot na hugot sa mga nabuking nilang eventually e naging
karelasyon nila at eventually ulit, iniwanan sila’t pinagpalit sa babae.
Sad lang kasi di kami magkakasundo ng nagrekomenda nito na
puring-puri sa pelikula.
Different strokes for different folks. ☹
VERDICT: Dalawa’t kalahating banga at isang nagseselos na
Marian Rivera sa love scenes nila Dingdong at Anne.
Saturday, May 26, 2018
CITIZEN JAKE
Walang SO CONNECTED sa SM North. So lumipat ako sa TRINOMA,
waley rin. First day, last day sa selected moviehouses?
I ended up watching CITIZEN JAKE instead.
Sulit ang paghihintay sa pagbabalik-pelikula ni Mike De
Leon.
Bakulaw! Ang linis ng pelikula.
Drama ito tungkol sa isang journalist/blogger na inabandona
noon ng kanilang ina at lumaking hindi sumasang-ayon sa amang Senador (na dating
kaibigan ni Marcos) at ng kapatid niyang Congressman (na may selos sa kanya).
Basically, kuwento siya ng isang dysfunctional political
family at mas pinatindi ang tensyon ng murder-mystery subplot.
Kung paano naka-apekto ang political views niya sa pagkatao
at sa relasyon niya sa nobya’t kaibigan. Diyan umikot ang kuwento.
Nagustuhan ko dito ‘yung konsepto ng ‘paano kung bilang
isang pulitiko, ang no. 1 na detractor mo e kapamilya mo?’. Hanggang saan ang
immunity niya? Ipagkakait mo ba sa kanya ang kapangyarihang maging ‘untouchable’ sa
lipunan?
Para kang nanood ng DVD commentary ng isang anti-government
film kung saan napasadahan ang Martial Law, mga di kaaya-ayang ganap noong Marcos
regime at ng kalechehan ng present administration. Para siyang isang political
essay na magle-lecture sa’yo ng aftermath ng Marcos years sa isang political
family na konektado sa kanila.
Para siyang poetry in motion na tipong sinulat ng revolutionary
poet na si Romulo Sandoval. Punumpuno ng angst.
Napakala-elegante ng pelikula! Mamahalin!
Ang mga characters sa kuwento, nagbabatuhan ng mga pang-intelihenteng
dialogue.
Mayaman ito sa insights tungkol sa pulitika, prinsipyo,
corruption, family, friendship at relationship.
Nakakasurpresa si Atom Araullo, napakahusay! Kung kakarerin
lang niya ang pag-arte (na I’m sure, ito na ang una’t huli niyang pagtanggap ng
acting role), maaaari siyang pumalit kay Joel Torre o Tommy Abuel. Kung isa
lang akong actor, I would kill for Atom’s role. To-die-for ang role ni Kuya dito!
Ganundin si Max Collins, puwede siyang lumevel kay Iza Calzado
sa aktingan. Pag magaling talaga ang director, ang starlet, nagiging aktres.
Kung taga-production ka, isa itong pelikulang gugustuhin
mong maikabit ang pangalan mo. Maipagmamalaki mo na kabilang ka sa produksiyon
nito.
Latak man siya ng mga anti-Marcos films noon pero ang tema e
hindi naluluma. Ganun pa rin ang mga kagaguhan sa gobyerno, pulitika at
lipunan.
Maganda is an understatement. Mas
akma ang salitang “makabuluhan” ang pelikulang ito.
Kung hindi rin lang si Mike De Leon ang nag-helm nito,
lalabas na pretentious ang pelikula.
CITIZEN JAKE is not a movie. It’s a film.
This is cinema.
Sana suportahan natin ang ganitong klaseng pinoy film.
Verdict:
Limang banga at isang masigabong palakpakan.
Thursday, May 24, 2018
WITH HONORS
Napanood ko na yata ang pinaka-sensible na pelikulang na-encounter ko sa buhay ko...
Isang pelikula na nag-iwan sa akin ng malinaw na depinisyon ng salitang karangalan without being preachy. Idinaan sa ganda ng pagkakasulat ng characters at story.
WITH HONORS
May sense ang bawat characters.
May sense ang story.
May sense ang punto at mensahe ng movie.
Punumpuno ng sense ang pelikula!
Bakit ngayon ko lang ito napanood?
At bakit ayon sa IMDB e hindi man lang ito na-nominate sa Oscars noong 1995?
Bakit hindi rin ito nag-uwi ng kahit na isang award man lang from any award-giving bodies?
Na-snubbed ito!
Nakakainis.
Best Picture material ito e. Napakaganda ng script.
Depiction ito ng tunay na buhay. Kupal. Mabangis. Walang patawad. Unfair. Makatotohanan. Matapat. Tulad ng karakter ni Joe Pesci. Walang pagkukunwari. Direct-to-the-point. Prangka.
Pero may puso at may sense. Parang 'yung pelikula mismo. May puso at may sense.
Malinaw na itinuro ng pelikula ang tunay na kahulugan ng dangal o karangalan.
Naiyak ako sa ganda at tuwa sa panonood nito. Lalong-lalo na nang magplay na ang theme song ng pelikula pag-roll ng end credits, ang I'll Remember ni Madonna. Nakakatindig-balahibo. 90s Nostalgia.
Pinakagusto ko ditong dialogue e 'yung sinabi ni Joe Pesci kay Jeffrey, 'yung kaisa-isang flatmate niya na ayaw sa kanya:
"You know why you hate me so much, Jeffrey? Because i look the way you feel."
Parang 'yan din ang gusto kong sabihin sa mga taong ayaw sa pagkatao ko.
Limang banga at isang split para sa makatuturang pelikulang ito.
Isang pelikula na nag-iwan sa akin ng malinaw na depinisyon ng salitang karangalan without being preachy. Idinaan sa ganda ng pagkakasulat ng characters at story.
WITH HONORS
May sense ang bawat characters.
May sense ang story.
May sense ang punto at mensahe ng movie.
Punumpuno ng sense ang pelikula!
Bakit ngayon ko lang ito napanood?
At bakit ayon sa IMDB e hindi man lang ito na-nominate sa Oscars noong 1995?
Bakit hindi rin ito nag-uwi ng kahit na isang award man lang from any award-giving bodies?
Na-snubbed ito!
Nakakainis.
Best Picture material ito e. Napakaganda ng script.
Depiction ito ng tunay na buhay. Kupal. Mabangis. Walang patawad. Unfair. Makatotohanan. Matapat. Tulad ng karakter ni Joe Pesci. Walang pagkukunwari. Direct-to-the-point. Prangka.
Pero may puso at may sense. Parang 'yung pelikula mismo. May puso at may sense.
Malinaw na itinuro ng pelikula ang tunay na kahulugan ng dangal o karangalan.
Naiyak ako sa ganda at tuwa sa panonood nito. Lalong-lalo na nang magplay na ang theme song ng pelikula pag-roll ng end credits, ang I'll Remember ni Madonna. Nakakatindig-balahibo. 90s Nostalgia.
Pinakagusto ko ditong dialogue e 'yung sinabi ni Joe Pesci kay Jeffrey, 'yung kaisa-isang flatmate niya na ayaw sa kanya:
"You know why you hate me so much, Jeffrey? Because i look the way you feel."
Parang 'yan din ang gusto kong sabihin sa mga taong ayaw sa pagkatao ko.
Limang banga at isang split para sa makatuturang pelikulang ito.
Saturday, May 19, 2018
KASAL
Next to Claudine Barretto, the actress that I admire the
most na hindi nalalayo sa edad ko e si Bea Alonzo.
Simula nang mapanood ko siya sa The Mistress at nagalingan
ako sa kanya, pinanood ko lahat ng mga past movies niya. At kapag may palabas
siyang pelikula sa sinehan, pinipilahan ko talaga ito sa silverscreen. Kasi,
hindi lang siya isang TV star, isa siyang Movie Queen! Siya ‘yung artistang
kapag nagmo-moment sa eksena e hindi mo talaga bibitawan at mas prefer mong
mapanood sa big screen kasi dun siya nababagay. Kahit nakikita mo siya
araw-araw sa teleserye ng Kapamilya sa
telebisyon, gugustuhin mo pa rin siyang mapanood
sa sinehan. Bakit? Kasi alam mong may ibubuga pa siya at may ipapakita pa
siyang mas bongga.
Kaya nang makita ko ang trailer nitong KASAL sa sinehan
weeks ago, na-excite ako. I know, meron akong mapapanood na bonggang pelikula
from Star Cinema.
At hindi nga ako nagkamali.
Here’s my take on Star Cinema’s Kasal…
(SPOILER ALERT)
Kuwento ito ng isang teacher (Bea Alonzo) na nakatakdang
ikasal sa isang pulitiko (Paolo Avelino) kasabay nang pagtakbo ng binata bilang
Mayor ng Cebu. In order for Paolo to lead the opinion polls, Bea suggested na
ipagawa nila ang isang sirang bridge na matagal nang perwisyo sa mga residente
doon. May significant past ang bridge kay Bea dahil dito siya unang nakatanggap
ng marriage proposal sa ex-boyfriend niya noon (Derek Ramsey). Pumayag ang
campaign manager ni Paolo (ang mega starlet na si Cris Villonco) sa suhestiyon
ni Bea. Naghanap sila ng engineer na papayag na matapos ang proyekto sa anim na
buwan. At ang nakuha nila ay si Derek.
Tanong ng bayan: Matutuloy pa ba ang kasal nina Bea at Paolo
gayong nagbabalik si Derek at nakahandang i-win back ang dalaga?
Kung inaakala mong ganun lang ka-simple ang plot, nagkakamali
ka. Kasi may mga susulpot na mga interesting characters (tulad ni Ricky Davao
sa isang papel na nabigyan niya ng hustisya at ang bitchesang si Kylie Versoza).
Oo, hindi na uso si Maricar Reyes. Si Kylie na ang bagong kontrabidang ex/third-party
ng Star Cinema.
But wait, there’s more… may pa-twister fries sa character ni
Paolo na siguradong ikawiwindang mo. Oo, lulunukin mo ang isang bucket ng popcorn
sa pa-revelation ng character niya. (Panoorin mo, baks!)
Bea Alonzo material ito. Perfect siya sa role. (huwag nang
ipilit na mas bagay ito kay Barbie Imperial, parang awa mo na). May hustisya! Nag-shine
siya sa mga dramatic highlights ng movie. Mapapapalakpak ka sa pagmumura ni Ate
sa isang eksena!
May nabasa akong post ng isang movie reviewer dito sa FB kahapon
na nagsasabing marami daw gustong puntahan ang kuwento. Marami daw gustong sabihin
kaya binigyan niya ito ng negative rating.
Buti na lang at di ako naniwala sa kanya.
Kasi KASAL, for me, is a decent romantic drama, isang department
na aminado akong mahina ako. Sumasakit ang ulo ko kapag ‘yan ang writing
assignment ko. Dinudugo ang utak ko sa pagsusulat ng drama.
Kaya nabilib ako sa writers nito. Saludo ako sa kanila.
Nagandahan ako sa pagkakasulat ng kuwento. Mula sa pulidong
characters, backstory, at mga subplots na natahi nang ubod pino. Napakalinis ng
script! Walang mga fillers lang. walang basurang eksena. Walang tapong tauhan.
The movie delivers.
Kung marami mang tinackle ang KASAL, about sexuality,
acceptance, love, choices, politics… napanindigan ito ng pelikula.
Kung ano man ang pinakanagustuhan ko dito, aside sa napakagandang
pagkakagamit ng bridge bilang metaphor sa istorya, ito ay ang mensahe ng
pelikulang Love is a choice. You have the freedom na piliin kung sino ang gusto
mong mahalin.
Nakadepende pa rin sa’yo bilang tao (sa moral judgment mo)
kung magugustuhan mo at matatanggap ang punto o ang ending ng pelikula. Pero
kung malawak ang pang-unawa mo sa mga bagay-bagay, watch this. Ma-appreciate mo
siya.
Dahil sa pasilip ng puwet ni Paolo Avelino sa shower scene,
ito ang verdict ko…
Rating: Apat na banga.
Wednesday, May 2, 2018
LOST IN SPACE
Nung mapanood ko ang trailer nitong LOST IN SPACE Netfflix TV
series months ago, na-excite ako at automatic, napunta siya sa watchlist ko. Sa
tulad ko kasing alien believer at sci-fi freak, havey sa akin ang concept nito:
Isang pamilya na lulan ng spacecraft papauntang ibang mundo upang i-colonize
ang ibang planeta. Na-fucked up ang kanilang paglalakabay at napunta sa isang dying
planet. Paano sila makaka-survive?
Re-imagining ito ng 1965 American TV series na hindi ko na
naabutan noon. Meaning, mas updated ang story at mas maganda ang CGI effects nitong
2018 version. So I was expecting na mas bongga itong bagong adaptation.
Pero I was quite disappointed.
Yung pilot episode niya, mahina. Walang kagat. Walang
pasabog. Di tulad ng LOST TV series noong 2010 na pilot pa lang, glued na ako
sa series.
Oo nga, impressive na ang CGI effects pero may kulang. Di ko
ma-figure sa umpisa kung ano kaya pinagtiyagaan ko ito. Pinagbigyan ko siya until
sa 4th episode pumik-ap na siya sa akin.
Ito ay nang kapitan ko ang character ng schemerang si Dr.
smith (played by Parker Posey), isang shady character who turned out to be a
con artist na aksidente nilang nakasama sa voyage. Of all the goody characters,
sa bitchesang kupal na ‘to pa ako na-hooked. Kasi mas interesting malaman ang
backstory niya at kung ano pa ang masamang binabalak niya sa future episodes.
Kaabang-abang ‘yung evil schemes ng punyetang babaeng ‘to.
Siya lang ang dahilan kaya pinagtiyagaan kong matapos itong
Season 1. Kung wala siguro siya, matutulad ito sa mga series na hanggang season
1 lang ang itinagal ko (like Stranger Things, Orphan Black, Bates Hotel, etc).
Ito ‘yung mga series na natabangan ako kaya binitawan ko na.
Ito kasing LOST IN SPACE, tanggalin mo lang ang sci-fi element
at gawin mong ibang country ‘yung backdrop instead na outer space/ibang planeta
e isa lamang itong family/adventure movie. Oo isa siyang Disney movie about sa
pamilya na may problema ang mag-asawa at ganundin sa kanilang relasyon sa mga
anak na ang paglilipat nila sa ibang bansa ang nakikita nilang magiging
solusyon upang marestart muli sila. Kaso nagkaroon ng aberya sa paglilipat nila
at nadisgrasya ang sinasakyan nilang eroplano at napunta sila sa isang isla.
Kung paano sila makaka-survive at makakaalis sa isla ang aantabayanan mo kada
episode. Sounds familiar ba? Para siyang nawawalang episode ng LOST 2010 TV
series.
Ganun siya kalabnaw. Content-wise, mababaw siya.
Kung tutuusin, ‘yung isang buong series e kakayaning ma-condensed
sa isang episode na tatakbong Pilot or isang TV movie. Ini-stretched lang nila
sa sampung episodes. Pinakapal.
Ganunpaman, ma-appreciate ito ng pamilya na mahilig sa
Family Adventure movies at sa mga batang mahilig sa sci-fi/fantasy kasi may
robot at alien creatures dito. Pambata siyang version ng PROMETHEUS.
Though entertaining pa rin siya, pero kung faney ka ng LOST
2010 TV series at ng BLACK MIRROR anthology, madi-disappoint ka dito. Hindi
aalog ang utak mo. Walang ka-effort-effort na pag-isipan kung ano ang payoff ng
cliffhanger ng episode sa susunod na kabanata. Mahuhulaan mo kaagad siya. Madali
mo siyang masusundan.
Chopseuy ito ng sci-fi movies. Parang latak siya ng ALIENS, THE
MARTIAN, STAR TREK at MAC & ME na ginawang isang bagong putahe. Binigyan mo
ng bagong bihis ang isang lumang treatment. Ganun siya.
Walang bago.
Tuesday, May 1, 2018
LOVE, SIMON
Just got home from watching LOVE, SIMON.
Natuwa ako sa napanood ko.
Isa itong light romantic, millennial, coming out teenage movie na ka-feels ng 80’s flick na SOME KIND OF WONDERFUL. Gay version ito nun. Luma-LOVE OF SIAM siya ng Thailand, only lighter.
Kuwento ng isang klosetang millennial na na-in love sa online friend rin niyang may kaparehong dilemma sa pamilya, mga kaibigan at lipunan. Yes, mga pamintang buo sila o ‘yung mga baklang hindi lantad (nagtatago) mga kilos lalaki pero pusong mannequin na natatakot na lumantad sa publiko ng kanilang tunay na pagkatao sa takot na baka hindi sila makatanggap ng kaaya-ayang treatment mula rito.
Life-affirming siya. Booster siya ng confidence para sa mga kapatid na nagbabalak nang mag-come out of the closet. Malinaw ang mensahe ng pelikula. Acceptance mula sa pamilya ang kailangan ng isang klosetang bakla, and everything will follow smoothly. Mas may baon na siyang tapang para sa mga hamon ng mapanghusgang lipunan.
Meron din siyang kilig factor.
Nirerekomenda ko ito sa mga paminta kong kaibigan, mga baklang hindi pa nakakapag-come-out at sa mga magulang na nakakaamoy at may suspetsang bakla ang anak nila.
Hindi ito kasingganda ng THE PERKS OF BEING A WALLFLOWER. Wala pa ring makakatalo dun. Pero LOVE, SIMON is a sweet, uplifting tale of friendship on the verge of coming out (Gusto niyo ‘yun?!).
Basta, kung isa kang klosetang bakla, na gustong makanood ng pelikulang makaka-enlighten ng mga agam-agam sa magulo mong utak, panoorin mo ‘to. Lalabas ka sa sinehang relax at may ngiti sa iyong labi. Siguaradong makakarelate ka sa pinagdadaanang ka-shit-an dito ng bida. Ikaw na ikaw ‘to, mare! Pelikula mo ito!
Ultimate “coming out” movie. 😊
Wednesday, April 11, 2018
A QUIET PLACE
Nakaka-stress sa ganda ‘tong A QUIET PLACE. Nakakapanginig
ng laman!
Kuwento ito ng isang pamilya na literal na namumuhay nang
tahimik (hindi sila allowed gumawa ng ingay) upang makaiwas at hindi sila
lusubin o kainin ng mga monsters na bulag sa paligid.
It’s a family drama with very minimal spoken dialogue (5%
lang ng buong pelikula ang usapan). Halos lahat ng eksena e nuances, gestures
at sign language lang ang way of communication lahat ng characters.
Very original ang concept. Isa akong horror fanatic, pero
now ko lang ito napanood. Actually, sume-semi SIGNS siya ni M. Night Shyamalan.
Gawin mo lang na sign language ang dialogue at itodo mo ‘yung level of
suspense.
Horror/Thriller siya na halos nangyari sa iisang location.
Think DON’T BREATH and 10 CLOVERFIELD LANE.
Family Drama na hinaluan mo ng creature at binudburan ng
sandamakmak na suspense, ‘yun siya.
Yung tension ng ALIEN, PANIC ROOM at THE OTHERS
pagsama-samahin mo, ganun ka-suspenseful ‘yung pelikula.
Finally, after A DEVIL WEARS PRADA, may nagustuhan ulit
akong pelikula ni Emily Blunt. Disappointed ako sa THE ADJUSTMENT BUREAU at THE
GIRL ON THE TRAIN niya e. At least, naka-hit siya ng maganda-gandang role this
time.
Kakabugin niya si Sheryl Cruz sa 90s movie na PAANO NA SA
MUNDO NI JANET? sa husay ng pagsa-sign language niya dito.
Sa sobrang pagkahintakot ng mga moviegoers, tahimik lahat!
Walang OA na sigawan. Nakisama lahat sa pinagdadaanan ng mga characters sa
pelikula. Parang takot din silang gumawa ng ingay at lusubin ng monster.
Kung ayaw mong tumuklap ang mga mane mo o bumulwak ang mens
mo, don’t watch this. Ayan, na-warningan na kita.
Lalabas kang naka-embossed ang buni mo sa sobrang
pagkasindak. Kukumbulsyunin ka sa nerbiyos.
Kung mahilig ka sa creature movies, highly-recommended ko
ito sa’yo.
Ito ang horror movie na hindi dapat palagpasin at pinanonood
sa big screen.
Very satisfying.
Rating: Limang Banga
Monday, April 9, 2018
GRAVE OF THE FIREFLIES
Itong Japanese animated film na ‘to e pinost ng isang
baklang ka-FB ko the other day. Tapos, inulan ng magagandang comments from his
FB friends. Na kesyo maganda daw, nakakaiyak nga lang.
Naintriga ako.
E nasa moda akong manood ng Japanese animation at
drama-drama kagabi kaya dinownload ko sa torrent. Matagal-tagal na rin kasi
akong nakanood ng Japanese animation. Last ko pa e ‘yung SPIRITED AWAY years
ago.
Punyeta. Nalungkot ako after watching this 1988 film...
GRAVE OF THE FIREFLIES.
No, hindi ako naiyak. Na-contain ko naman ang luha ko. Pero
parang sasabog sa kalungkutan ‘yung puso ko after the movie. Parang may pumiga
o dumagan na mabigat na bagay sa dibdib ko. Yes, ambigat-bigat sa puso ng
cartoons na ito. Yung lungkot na ka-level ng Japanese animated series noon na A
DOG OF FLANDERS.
*Spoiler Alert.
Kuwento ito ng magkapatid (isang binatilyo at batang babae)
sa Japan na namatayan ng ina at naghihintay sa ama nilang Navy noong panahon ng
World War II. Tipong survival movie ito, kung saan, susubaybayan mo kung paano
nila hinarap ang consequences ng giyera at pagiging ulila sa magulang. Walang
matirhan. Walang pangkain. Oo, hanggang sa wala na silang ma-lafs. To the point
na kinaskas na yelo, ibinilad na palaka’t toge na lang at pati holen ang ipinasok
nila sa bibig nila to survive. Yung tipong magnanakaw si kuya ng mga gamit sa
bahay-bahay habang nagtatago ‘yung mga residente sa mga bunker kasi binobomba
‘yung community. Ito ay upang meron siyang maipangka-kalakal at may pangkain
sila ni bunso. Kinabog ang MGA BASANG SISIW. Kuwentong pang-MMK!
Para itong concept na common monologue sa acting workshop at
nakikita nating ginagawa ng mga actors sa audition. ‘Yung darating ‘yung anak
sa makeshift nilang bahay dala ang isang supot ng pancit at madadatnang malamig
na bangkay na ang kanyang ina at magda-dialogue ito ng: “Nay, ito na po ang
pancit. Kainin niyo na po at malamig na.” It turned out na namatay na pala sa
gutom ang kanyang ina at hindi nakaabot ang malamig niyang pancit na nabili
niya galing sa perang ninakaw. Ginawa lang na bunsong kapatid na babae si Nanay
at binigyan ng magandang backstory na set sa panahon ng giyera.
No, hindi ito base sa ‘pancit concept’ na ‘yun pero katulad
niya ito. Bagkus itong movie na ‘to, ayon sa Wikipedia e halaw sa 1967 short
story ni Akiyuki Nosaka.
Kamukha pa ng bidang binatilyo dito si Matthia, ‘yung
ka-love team ni Remi sa REMI: NOBODY’s GIRL noong 90s. Yung kauna-unahan kong
na-crush-an na cartoon character!
Ka-molda ito ng EMPIRE OF THE SUN ni Steven Spielberg.
Ka-mood ng MALENA. Katipo rin ito ng na-semi-snubbed sa Oscars na 2007 film THE
KITE RUNNER. Pare-parehong binatilyo ang main character at set ang kuwento sa
kalagitnaan ng giyera.
Animated film nga lang.
Siguro kung ia-adapt ito sa live-action film, magandang
material ito para kay Stephen Daldry (The Reader, The Hours). Siguradong
makakapasok ito sa Oscars.
More than a war drama/survival flick, it’s a celebration of
the human-spirit film. Yung kahit na malabo ang future ng war-torn na
magkapatid, hindi sila nagpatalo hanggang sa pinakahuling hininga nila. Nakipaglaban
sila sa buhay. Hanggang sa kamatayan. Even after death, hindi sila
nagkahiwalay.
Pumasok ito sa Top 15 Favorite Animated Films ko along with
THE PRINCE OF EGYPT, FROZEN, CORALINE, PARANORMAN, THE LITTLE MERMAID,
FRANKENWEENIE, BALLERINA, SAUSAGE PARTY, TROLLS, RISE OF THE GUARDIANS (Jack
Frost is <3 a="" at="" before="" christmas="" ga="" guardians:="" land="" legend="" nightmare="" of="" owls="" span="" style="mso-spacerun: yes;" the="" time="" zootopia.=""> 3>
Kung maawain kang tao, o may sobrang pagmamahal sa mga
kapatid mo, o mahilig sa War movies, panoorin mo ito. Pero magtabi ka nga lang ng
tissue. Siguradong maiiyak ka sa pagkahabag sa sinapit ng dalawang magkapatid
dito. Yung sa sobrang awa mo, tipong nanaisin mong pumasok sa screen para
magpaka-Vicky Morales ka at bigyan silang dalawa ng Puregold grocery showcase
para mapakain. Tapos afterward, feeling mo Fairy Godmother ka kasi nakatulong
ka sa dalawang ulila. Ganung pag-iinarte. Kapwa Ko, Mahal Ko ni Connie Angeles.
Wednesday, April 4, 2018
ANNIHILATION
Ang primary reason kung bakit tayo nanonood ng pelikula, to get
entertained.
Bonus na lang na meron tayong mapupulot na aral o
realization mula dito.
At isa pang reward mula dito e kung mamu-move niya ang
sensibilities mo o di kaya nama’y it changed the way you see the world.
Nung isang gabi, itong ANNIHILATION ni Alex Garland e
nag-iwan sa akin ng sagot sa isang bagay na matagal ko nang pinagninilay-nilayan.
Ito ang suicide.
Ang kuwento nito ay tungkol sa grupo ng military scientists
na pumasok sa quarantined zone na pinaniniwalaan nilang binagsakan ng alien
entity. Nang pasukin nila ito, na-discovered nilang pinamumugaran na ito ng mutating
landscapes at creatures (hybrid ng shark at alligator, etc).
Lahat sila ay wala nang direksyon ang buhay kaya sila
pumayag na maging parte ng expedition.
Ang psychologist na namumuno sa kanila (portrayed by one of
my favorite 90s actress, Jennifer Jaison Leigh), may cancer at terminally ill
na. Yung isa, namatayan ng anak. Si Natalie Portman, napilitan kasi ang husband
niya ang kaisa-isang survivor sa last expedition ng mga grupo ng sundalo na
pumasok sa quarantined zone na iyon. At nakikipaglaban kay kamatayan ang asawa
niya sa hospital dahil nagkasakit ito mula nang makalabas sa quarantined zone
kaya gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit ganun ang sinapit ng asawa
niya sa loob.
Nagbabakasakali siyang matagpuan ang lunas ng sakit. Yun ang
un among iisipin na misyon niya.
Nang magkaroon sila ng chance na makapagsolo’t makapag-usap
ng leader na si Jennifer, inungkat niya rito kung bakit isa ang asawa niya sa
napiling sundalo sa last expedition.
NATALIE: Why did my husband volunteer for a suicide mission?
JENNIFER: Is that what you think we’re doing?
NATALIE: You must have assessed him. He must have said
something.
JENNIFER: So, you’re asking me as a psychologist? As a
psychologist, I’d say you’re confusing suicide with self-destruction. Almost
none of us commit suicide and almost all of us self-destruct. In some way, in
some part of our lives… we drink or we smoke, we destabilize the good job. Or the
happy marriage. These aren’t decisions, they’re… impulses.
Tusok!
Natamaan si Natalie kasi may backstory siya ng pangangaliwa sa
asawa niyang sundalo. Kaya ‘yung guilt din niya ang dahilan kung bakit nag-volunteer
din siyang sumama sa expedition.
Ang ganda ng explanation ni Alex Garland about suicide, noh?
Kung nagbabalak kang mag-suicide tapos napanood mo ‘to, baka mabago pa nito ang
decision mong mag-self-destruct.
Yun ang dahilan kung bakit isa ito sa pinakaga-nagustuhan
kong sci-fi movie of the last 5 years.
Merong naiwan sa aking insight ang pelikula about suicide. May
nakuha akong reward sa panonood at pagsasayang ng dalawang oras.
Ang pelikula ay may feels ng SPHERE (Barry Levinson) at
ARRIVAL (Dennis Villeneuve). At sa suspense part, may touch siya ng LIFE
(Daniel Espinosa) at ALIEN (Ridley Scott) pero hindi ganun ka-thriller. Konti
na lang, papunta na sa level na ‘yun.
Hindi rin ganun ka-pasabog ang ending (na isang crucial part
para sa akin kasi im a sucker for twisted endings).
Pero nabawi ito ng presensiya ni Jennifer Jaison Leigh at ng
pamatay niyang dialogue about suicide.
Worth a watch. 😊
Monday, April 2, 2018
NEVER NOT LOVE YOU
NEVER NOT LOVE YOU ng Jadine ay SANA MAULIT MULI millennial
version minus the magic.
Its Love versus Job opportunities/career growth. And in the
end, Love always wins.
Passive storytelling. Tahimik, walang gaanong dramatic
highlights. Kalmado ang atmosphere.
Parang bumiyahe ka lang sa kahabaan ng NLEX nang walang
nangyaring aksidente or hindi ka man lang nag-stop over sa gas station para
jumingle.
Nandun pa rin ang walang kawawaang ‘hiwalayan sa airport’
scene’, ‘kainan/chikahan sa cheapanggang lugar’, ‘tatawagan sa cellphone pero to
no avail si leading man’ at ‘meal with bidang babae’s family’.
Ang kulang na lang e gawing middle class ang family at
pasukan ng bubbly bestfriend si Nadine, Star Cinema film na ito.
Pero para sa mga nasa LDR (Long Distance Relationship), makaka-relate
kayo dito. Makatotohanan ang mga dialogue at sitwasyon.
Kung ano man ang nag-illuminate sa movie, ito ang chemistry
ng love team nina Nadine at James. Yung mga tinginan nila na tipong
magsasakmalan na sa romansahan. Very high in intimacy. At nakatutuwa silang
dalawang makitang nag-mature na ang mga roles na pinu-portray nila. Na hindi
lang pala sila pang teeny bopper roles. Napatunayan nilang may ibubuga din sila
bilang adult characters na hindi lang selosan, tampuhan at kangkangan ang lovelife
kundi partnership sa pagbuo ng mga pangarap.
Over-all, isa itong decent pinoy romantic drama ngunit hindi
nag-iwan ng marka kundi isang sugat na hindi nabudburan ng asin kaya hindi mo
naramdaman ang hapdi at sakit ng pag-ibig.
I hate to tell you, Jadine fans, pero its forgettable.
May kulang.
Wala si Vice Ganda. Chos!
Saturday, March 31, 2018
READY PLAYER ONE
Just got home from watching READY PLAYER ONE.
What an awesome movie!
After ng walang kalatuy-latoy at forgettable na 2016 film na
THE BFG (Big Friendly Giant) ni Steven Spielberg, nagbalik ulit ang magic niya
sa pelikula. Hindi pa rin nawawala ang husay niya bilang filmmaker sa pambubuhay
ng imahinasyon ng mga moviegoers since ET. Nagpahinga lang siya. At muling
nambulaga.
Ang kuwento nito na set sa dystopian future, tungkol sa
isang binatang player ng worldwide virtual reality game na susundan niyo sa pag-discover
ng tatlong susi upang makuha ang Easter Egg ng game upang manalo sa contest. Ang
premyo? Total control of the game at ang fortune na iniwan ng game creator
nito. Sa journey niya, makikilala niya ang limang players, magiging bagong kaibigan
at ang isa sa mga iyon, pag-ibig. Ngunit hindi biro ang daan upang makamit nila
‘yun. Ang makakalaban lang naman nila ay isang malaking kumpanya na nagnanais
na kontrolin ang game upang pagkakitaan pa ito ng husto.
Napakaliwanag ng visual description ng OASIS dito, ‘yung
virtual reality game. Talagang mapi-feel mo bilang moviegoer na nasa loob ka ng
laro at ikaw ay isa sa mga players nito. Ang CGI nito ay maihahalintulad sa graphics
ng Final Fantasy video game. Hindi mo namamalayan na CGI lang pala ang
pinanonood mo kasi ipapasok ka ng pelikulang ito sa virtual reality world. Imagine
yourself, na nasa loob ka ng Final Fantasy game. Ganun ka-vivid.
Ito ang hindi napuntahan ng pelikulang NERVE, kung saan
nagkulang sila ng malinaw na visual description ng game sa pelikula. Hindi ko
naramdaman ‘yung laro o ‘yung pelikula mismo.
Ma-aappreciate din ito, hindi lang ng mga video gamers,
kundi ng mga bata. Gawa ng may touch din ito ng GOONIES, ‘yung aspeto ng
friendship na may iisang goal at sabay-sabay nilang dini-discover kung paano
ito maa-achieve.
Kung naghahanap ka ng action/adventure movie, watch this. It’s
better than TRON, MINORITY REPORT and THE MATRIX. Nilusaw niya ang lahat ng virtual
reality-themed movies.
Mas nagustuhan ko nga ito sa BLADE RUNNER 2049. Mas
naintindihan ko ito while watching kasi madali lang sundan ang storyline.
Kung fan ka ng BLACK MIRROR, super havey sa’yo ang
pelikulang ito. Siguro nga, kung nagpapahanap lang noon ng concept para sa
BLACK MIRROR movie version at nai-submit ‘tong script ng READY PLAYER ONE,
mukhang ito ang maaaprubahan at maipo-produced.
At kung faney ka rin ni Stephen King, naku, para sa’yo ito. May
significant reference sa THE SHINING ‘yung pelikula.
Hindi masasayang ang effort niyo na dayuin sa sinehan o
gastusang panoorin ito sa big screen. A spectacular movie-viewing experience.
For full satisfaction, watch it on IMAX, 3D or 4DX.
Pero kung hindi ka fan ng kahit na anong video games sa
buong buhay mo, siguradong waley ito sa’yo. Magpa-precious ka at dedmahin mo ‘tong
pelikulang ito. Kasi panigurado, hindi ka makaka-relate at hindi mo siya maa-appreciate.
Tuesday, March 20, 2018
A GHOST STORY
Last January, sa unang Creative meeting/brainstorming ng
Maynila, sinuggest itong movie na ‘to na panoorin ng aming direktor na si Direk
Phil Noble.
Tapos, kinuwento niya ang summary. Na hindi ko nasundan.
Oo, medyo may pagkaganun talaga ako, aaminin ko, hindi ko
nasundan ang excited niyang pagkukuwento sa gitna ng brainstorming/pitching namin.
Gusto ko, sa isang bagay lang ako naka-focus. Kaya nga I hate complications:
kumplikadong mga kaibigan, kumplikadong trabaho, kumplikadong isyu,
kumplikadong events. Mas payak, mas gusto ko. Ayoko ng maraming burloloy. Mabilis
akong ma-stress sa ganun. Convoluted na nga ang mga ka-bullshit-an sa utak ko,
sasabayan pa ng ka-echosan?
Sa madaling salita, isa akong malaking CHAR.
Tulad nitong iba-blog kong movie review. Ang dami ko pang
pasakalye bago ko simulan.
Yun na nga, di ko nga nasundan ‘yung kinukuwento ni Direk Phil.
Pero siyempre, out of respect kay Direk at sa animated niyang pagkukuwento,
kunwari bewildered ako sa sinabi niya. Amazed na amazed. Yung tipong hitsura ng
isang bata na kinuwentuhan na totoo ang mga higante at nuno sa punso. Ganyan.
May-I-sabi ako ng “ida-download ko nga ‘yan, Direk, sa torrents.
Ano pong title?”.
“A Ghost Story. Maganda siya.”
So, ‘yung title lang ‘yung naalala ko.
Fast forward ng two months. Nito lang March, sa meet-up ng
Stephen King Philippines FB group members kung saan ako kabilang, sa gitna ng
discussion doon, na-brought up ng isang co-member ng Book Club namin ‘yung
isang magandang movie diumano. Ang title? A Ghost Story.
So, dalawa na ang nag-rekumenda sa pelikula. Mukhang may
ibubuga. Dalawa na kasi ang nangampanya e.
I downloaded it online and watched it kagabi lang.
At ito ang kauna-unahan kong pelikula na napanood this year na
nang mag-roll ang end credits e napapalakpak ako ng tatlong minuto mag-isa sa bahay.
Non-stop. Walang keme.
Ang ganda!
Basically, ito ang premise: Mag-asawang naninirahan sa isang
bungalow. Si mister, isang struggling musician, naaksidente, namatay. Naging
multo (hitsura niya e ‘yung nasa poster) at nagmistula siyang ligaw na kaluluwa
at naging bantay sa buhay ng asawa niya. Hanggang sa lumipat na ng bahay si
misis at nakapagmove on na. Naiwan pa rin ang multo ni mister sa bahay.
Nga-nga.
Ganun kasimple.
Payak na setting, characters, kuwento. Very minimalist.
Tingin ko nga, nasa 50 sequences lang ‘tong movie na ‘to e. Kakayaning
patakbuhing short film sa editing. Kaso ang bawat babad na eksena e mahalaga
para sa pag-set ng malungkot na mood ng kuwento. Yung tipong nanamnamin mo ‘yung
bawat segundo ng eksena tulad ng pagkain ng pie ni misis na halos ubusin niya
sa isang OA sa kababaran na eksena (Lav Diaz levels) in order for the
moviegoers to absorb her solitude.
Damang-dama ko ang pangungulila ni Rooney Mara, ‘yung
gumanap na misis dito.
Bukod sa babaran sa Downy’ng eskena, bihira din ang eksenang
may dialogue. Comatose movie to the fullest talaga.
Mayroon siyang mood ng 2014 Austrian film na Goodnight, Mommy.
May touch siya ng The Others. At may texture siya ng Stoker…
Na nanghiram ng element sa Ghost ni Demi Moore at Casper ni
Cristina Ricci. Yung sa anggulo lang na multo na naiwan dito sa lupa, gagah!
Pero nilampaso niya sa ganda ‘yang mga pelikulang ‘yan. As
in, nilamon ng kurtinang multo sa ganda ‘yang mga nabanggit ko.
Mukhang take or interpretation ito ng writer/director nitong
si David Lowery (oo, tatandaan ko talaga itong name na ‘to at aabangan ko ang
mga susunod niyang pelikula) kung gaano kalungkot and at the same time,
ka-eerie ang mamatayan ng minamahal. Kung tatanungin mo ako kung tungkol saan ang
handle ng movie? Para sa akin, undying love.
Epektibo niyang nailahad ang mensaheng ito. To justify the
title, it’s a horror story rin kasi masasaksihan mo ang pagmove on ng taong
iniwanan mo dito sa lupa, kung paano ka nakalimutan nito at kung paano ka
bibitaw sa pag-ibig na ibinigay mo sa taong ito? Yun ang nakakakilabot.
Kung sa pelikulang Amour, pagkatapos mong panoorin, matatakot
kang tumanda.
Dito sa pelikulang ito, matatakot kang mamatay at iwanan mag-isa
ang taong mahal mo. Ganung realization ang iniwan sa akin ng pelikulang ito.
Sa sobrang pagka-gloomy ng pelikula, parang ang agang dumating
ng biyernes santo sa akin.
Kung bet mo ang isang malungkot na pelikula or ‘yung
nakakatamad dahil ‘walang gawa pero may pusong pelikula’, havs na havs sa’yo
ito. Napaka-surreal. Visceral.
Pero kung mahilig ka sa adventure, action, kilig-kiligan
love stories, sampalan drama, hindi ito para sa’yo. Maka-karate mo sa inis ang TV
niyo. Kasi walang ganap. Tutulugan mo ito. Promise.
Pero para sa akin, ito ang Best Picture ko of 2017.
Na-snubbed ito ng Oscars! Mas deserving ito kesa sa Get Out! Milya-milya ang
layo.
FIVE STARS!
Subscribe to:
Posts (Atom)