JGH from watching Ghost In The Shell with my movie buddy, Jelai.
Dapat e Northern Flops ang papanoorin namin, nauwi sa pelikula ni Scarlett. At hindi kami nagsisi.
Female version ng Robocop set in futuristic Japan.
Hindi ganun ka-convoluted ‘yung plot at masusundan mo ‘yung kuwento kahit na inaantok ka pa. Hindi nakaka-stretch ng brain cells yung storyline niya, di tulad ng ibang futuristic action na sasagarin ka sa never-heard scientific terms at mai-information overload ka.
After ni Angelina Jolie sa SALT, si Scarlet Johansson na ang paborito kong female protagonist ng action movie. Ang bangis niya dito! Kahit walang bra at panty, kakabugin niya si Kate Beckinsale sa Underworld pagdating sa bakbakan.
Andaming magagandang popcorn movies ngayong taon na ito ha. Isama niyo na rin sa listahan ‘tong Ghost In The Shell.
Bagay daw kay Thea Tolentino ang Pinoy remake nito at ang gaganap sa papel ni Juliette Binoche ay si Maila Gumila, sabi ni Jelai. :)
#Sabeh
Sunday, April 2, 2017
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment