Sunday, April 30, 2017

THE WRESTLER



30-Day Film Challenge

Day 10 - The best sports film

The Wrestler

Kuwento ito ng dating sikat na wrestler na na-washout na at na-trapped na ang buhay sa pagre-wrestling sa mga pipitsuging arena.

Nagustuhan ko dito 'yung handheld technique ng cinematography. At 'yung rumi-realtime na atake ng editing. Nakadagdag siya ng feeling na shaky and unsure na future ng buhay ni Mickey Rourke, 'yung relationship niya sa estranged daughter niya at dun sa nobya niyang aging exotic dancer.

Sa tingin ko, na-robbed sa Oscar awards ng best actor si Mickey Rourke dito. He delivered a very fine performance. I was rooting for him to win that year. Hindi mo matatawaran 'yung authenticity ng portrayal niya ng laos na wrestler dito. 


Napakahusay!

Isa sa mga best ending ng drama film na nagpa-moved to tears sa akin.

Friday, April 28, 2017

THE SIXTH SENSE



30-Day Film Challenge

Day 9 - A film from your favorite Director

The Sixth Sense

Ito ang dahilan kung bakit ko naging paboritong director si M. Knight Shyamalan. Napapalakpak talaga ako sa sinehan sa twist at ending ng story nito. Gustung-gusto ko kasi 'yung mga pelikulang bobola-bolahin ka sa simula hanggang sa gitna, yung tipong paiikutin ka sa ganda ng kuwento tapos lalatiguhin ka ng isang pamatay na twisted ending. Mapapa-WTF ka na lang habang nagro-roll yung closing credits.

Ito 'yung pelikulang 'yun.

Since then, inaabangan ko na 'yung mga pelikula niya. At kahit 'yung sinasabi ng mga kritiko na pinaka-worst movie niya, nagustuhan ko pa rin.

Loyal fan ang peg.

Thursday, April 27, 2017

FARENHEIT 9-11



30-Day Film Challenge

Day 8 - The best documentary film

Farenheit 9-11

Dito nilahad ni Michael Moore ang mga pangyayari kaya nai-push ng Bush administration ang agenda ng di-makatwirang giyera ng US laban sa Iraq at Afghanistan. Very informative.

Top 2 ko ang "Imelda" ni Ramona Diaz - bukod sa pagiging shoe collector, mas makikilala mo at mamahalin mo si Imelda Marcos after watching this docu

Top 3 ko ang "A Jihad For Love" - kung gaano kahirap ang maging bakla sa isang muslim country.

Tuesday, April 25, 2017

NIGHTS OF SERAFINA


30-Day Film Challenge

Day 7 - A film that i can quote a line from...

"Nights of Serafina"

Napanood nyo na ba 'yung 90s camp classic na "Nights of Serafina"? Produced by Regal Films, written by Sir Ricky Lee and Directed by master of camp Joey Gosiengfiao? It is probably the closest to his "Temptation Island" in terms of 'camp' aesthetics...

I saw this on VHS 'nung high school ako at inakala kong bold movie ito... until mapanood ko siya at maaliw sa mga eksena... starlet-studded 'yung film pero mga aktingera sila lahat... this is Angelika de la Cruz' launching movie pero 'yung lead actress e si Georgia Ortega - isang matangkad, bilugan ang mata, model-modelan at boses baklang aktres.

Ayan siya sa poster o, akting na akting!

Winner 'yung linya ditong: "Ganyan talaga ang nangyayari sa mga naglalaro ng apoy: NASUSUNOG!" hahahahahahahahaha.

I heard may sumpa daw ang pelikulang 'to dahil aside from the director, three of its actors ay namatay na...

Oh well, sana makahanap pa ako ng dvd copy. Gusto kong maaliw ulit sa panonood ng old filipino film.

THE BODYGUARD

30-Day Film Challenge:

Day 6 - A film with my favorite soundtrack

"The Bodyguard"

Lahat ng kanta sa album, favorite ko. Walang tapon!

Top 2 ko ay Frozen

Top 3 ko ay Dreamgirls

Monday, April 24, 2017

JURASSIC PARK

30-Day Film Challenge:

Day 5 - A film that reminds me of a certain event in my life...

"Jurassic Park"

The last movie na pinanood namin ng family ko sa sinehan na kumpleto pa kaming pamilya. Meaning, hindi pa nagkakahiwalay sina mommy at daddy nung time na 'yun at hindi pa ako produkto ng broken family.

Naalala ko, first day of showing namin ito pinanood sa SM Megamall noon. Standing room at uso pa noon ang umupo sa mga aisle ng sinehan!

That was 24 years ago.

Iyon na ang pinakahuli naming family date/bonding as family.

Nag-iwan ito ng marka sa memory ko nung childhood.

Sunday, April 23, 2017

FAST & FURIOUS 7

30-Day Film Challenge

Day 4 - A film that reminds me of someone

Fast and Furious 7

Ito 'yung pelikulang huli kong kasamang buhay pa 'yung dear friend kong si Mornee.

Isang simpleng movie date lang with chikahan and dinner on the side dyan sa Robinsons Forum and it turned out to be our most memorable movie date together.

Kung alam ko lang na 'yun ang pinakahuling araw na makakasama ko siya e sana inikot na lang namin ang SM MOA habang nagkukuwentuhan hanggang sa tumupi na yung paa namin sa kapaguran to make the most out of his final day with me.

Kaya nga nung pinanood ko 'yung The Fate and the Furious sa sinehan, imbes na malungkot ako e, inisip kong kasama ko pa rin siyang manood.

#RestInPeaceMornee

Saturday, April 22, 2017

NEVER LET ME GO

30-Day Film Challenge

Day 3: A film that makes me sad

Never Let Me Go

Yung tipong sumasabog 'yung dibdib mo after ng ending. Lupasay!

Kasi parang trapped na 'yung characters sa kung ano sila, na hindi man lang sila binigyan ng chance na magpatuloy. Di pa ba sapat na nagmamahalan sila?

A film that makes me feel na life is so unfair.

Iniyakan ko 'tong movie na 'to! :)

Top 2 ko 'yung korean film na A Werewolf Boy

Top 3 ko 'yung isa pang korean film na A Moment To Remember

Friday, April 21, 2017

THE ADVENTURES OF PRISCILLA: QUEEN OF THE DESERT

30 Day Film Challenge

Day 2: A Film That Makes Me Happy

The Adventures of Priscilla: Queen of the Desert

Super havey sa akin lahat ng punchlines, musical segments, production number. Very funny film. Makailang beses ko na 'tong pinanood at never niya akong finail na pasiyahin!

Top 2 ko ang The Birdcage

Top 3 ko ang Mrs. Doubtfire

Thursday, April 20, 2017

THE HOURS

Starting today, April 20, I'll be participating in the 30 Day Film Challenge on my blog...

Day 1: My favorite film.

The Hours.

Yung pelikulang sinalang mo 'yung bala sa DVD player nang hindi ka nag-e-expect na maganda pero it ended as your favorite film of all time. Ito 'yun.

Sa pirated dvd ko lang 'to napanood noon. Yung copy pa na napanood ko e kuha sa sinehan, tabingi 'yung framing tapos may mga tumatayong tao. Pero after mag-end, tumumbling at split talaga ako sa ganda. Na-moved ako ng pelikulang ito ni Stephen Daldry.

To think na lesbian-themed siya pero sobrang nagustuhan ko ang story at 'yung mga characters, damang-dama ko, lalung-lalo na ni Virginia Woolf (played by Nicole Kidman, who won Best Actress at the Oscars that year). Sobra akong naka-relate sa depression at mental breakdown niya!

Tumatak talaga sa akin 'yung mga performances ng tatlong lead dito (Meryl Streep, Nicole Kidman and Julianne Moore). Yung suwabeng pagkakalahad ng kuwento na parang nagbabasa ka ng nobela ang nagpahanga sa akin sa british filmmaker na nag-helm ng film na 'to. Na bihirang-bihira ko na makita sa mga pelikula ngayon. Damang-dama ko ang bawat eksena dito, lalung-lalo na yung train station scene ni Nicole Kidman! Pulido ang pagkakatahi ng bawat eksena, mula sa acting to editing, pati musical scoring.

Kung magkakaroon man ako ng chance na mabigyan ng grant to produce my passion film, it would be a pinoy version of this magnificent film. Only this time, gagawin kong gay characters 'yung tatlo. Either ako ang magsusulat or ako ang magdidirek. 

Top 2 ko ang The Reader, na same din ng nagdirek ng The Hours.

Top 3 ko ang Malena.

#30DayFilmChallenge

Sunday, April 2, 2017

GHOST IN THE SHELL

JGH from watching Ghost In The Shell with my movie buddy, Jelai.

Dapat e Northern Flops ang papanoorin namin, nauwi sa pelikula ni Scarlett. At hindi kami nagsisi.

Female version ng Robocop set in futuristic Japan.

Hindi ganun ka-convoluted ‘yung plot at masusundan mo ‘yung kuwento kahit na inaantok ka pa. Hindi nakaka-stretch ng brain cells yung storyline niya, di tulad ng ibang futuristic action na sasagarin ka sa never-heard scientific terms at mai-information overload ka.

After ni Angelina Jolie sa SALT, si Scarlet Johansson na ang paborito kong female protagonist ng action movie. Ang bangis niya dito! Kahit walang bra at panty, kakabugin niya si Kate Beckinsale sa Underworld pagdating sa bakbakan.

Andaming magagandang popcorn movies ngayong taon na ito ha. Isama niyo na rin sa listahan ‘tong Ghost In The Shell.

Bagay daw kay Thea Tolentino ang Pinoy remake nito at ang gaganap sa papel ni Juliette Binoche ay si Maila Gumila, sabi ni Jelai. :)

#Sabeh