Tuesday, November 22, 2016
THE UNMARRIED WIFE
Hindi ako nagka-interes na panoorin ‘yung The Unmarried Wife kasi base sa trailer niya, walang bago akong nakita. At saka, feeling ko, hindi nito mapapantayan ang ultimate favorite kong kabet-movie, ang No Other Woman.
Pero dala ng pang-eengganyo ng isang kaibigan na panoorin ko kaya kanina e pinanood ko na.
At nagustuhan ko siya. Mas maganda ‘yung movie kesa sa trailer. Mukhang hindi inilabas ng Star Cinema sa trailer ang lahat ng malulutong na dialogue at mga supporting characters kasi giveaway na rin ‘yon sa takbo ng kuwento.
(SPOILER ALERT)
Para siyang pelikula ni Maricel Soriano or ni Zsa Zsa Padilla o ni Maricel Laxa noon sa Regal Films. Yung mga melodrama noong 80s at 90s na sa pagrolyo ng ending credits e patutunugin ‘yung tagalog theme song ng movie. Ganung vibe!
Pinakapaborito ko ito sa lahat ng pelikula ni Angelica Panganiban. Siya ‘yung tipo ng babae na sa isang sulimpat lang niya, e makikita mong may binabalak o pinaplano pa rin siyang hindi maganda laban sa’yo. Restraint acting ang pinakita niya dito. Yung tipong mararamdaman mo sa buong pelikula ‘yung kinikimkim niyang sama ng loob. Si Maricel Soriano lang noon ang nakikita kong artistang kaya ‘yung ganoong atake. Yung tipong kung makatingin ay hindi padadaig kahit kanino.
Kumbaga, kilay pa lang niya e nagsasabi na ng “Hindi kita mapapatawad.” kaya hindi mo mabibitawan ang mga eksena niya.
Tamang-tama ang timpla ng buong pelikula. Hindi kulang. Hindi sobra.
Malulutong na dialogue. Check!
Sampalan. Check!
Flooring (‘yung subtle na paglulupasay ni Angelica sa floor habang humahagulgol). Check!
Basagan ng gamit (dalawang beses na nagbasag ng bote si Angelica sa buong pelikula). Check!
Iyakan. Check!
Confrontation scenes (pero hindi nagsampalan, nagpalitan lang ng maanghang na kudaan). Check!
Bagong interpretasyon ng infidelity movie. Check!
Binaligtad ng writer ‘yung sitwasyon: What if sa half ng movie e ‘yung legal wife e maging kabit sa relasyon ng iba? Makakarelate ba siya sa pakiramdam ng mga naging kabit ng asawa niya? Paano niya haharapin ang scenario?
At ang pinakanagustuhan ko sa story e ‘yung eksenang pagka-kapatawaran between Angelica and Denise Laurel at between Angelica and Dingdong sa ending.
At least, may remorse!
Kasi ayan naman ang dahilan kaya nagkakaroon ng broken family e, matataas na pride sa panig ng mga babae. Once nahuli na nilang nangbabae ang mga asawa nila, kesehodang maglumuhod pa si lalaki sa paghingi ng sorry, hindi nila binibigyan ng second chance.
At dahil ‘yan sa taas ng pride.
Kaya kahit kailan ay hindi nalaos ang infidelity movies dahil sa dami ng babaeng nakakarelate sa story, ‘yung mga babaeng ang tataas ng pride.
At ‘yun ang itinuturo ng pelikulang ito, ang babaan ang pride alang-alang sa anak, sa relasyon at sa pamilya.
Yung iba kasing babae d’yan, mahuli lang ng isang beses ‘yung karelasyon nila na nambabae, hindi lang keps ang sinasarado, e pati isip at puso, kinakandado. Wala sa bokabularyo ang salitang “kapatawaran”. Adulterer deserves second chances. Kung mahal mo pa, bigyan mo ng pagkakataon na bumawi at magbago.
Kaya sa mga babae diyan na nakaranas na ng pangangaliwa ng asawa, para sa inyo ito. Makakarelate kayo dito. Habulin niyo sa sinehan bukas, mukhang magse-second week ito sa dami ng nanood na mga madir kanina kasama ang kanilang mga asawa.
Para sa mga becoming “ahas” or ‘yung mga napipintong homewrecker, watch niyo na rin ‘to at (medyo pahaging lang) parang nanood kayo ng film version ng manual na “How Not To Be A Bes”.
At para rin ito sa mga lalaki diyang nangaliwa ng asawa. Tuturuan kayo ni Dingdong Dantes dito kung paano ma-win back para mapatawad ng inyong legal wife.
Iyon ay sa pamamagitan ng salitang 'effort'.
#TheUnmarriedWife
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment