Thank God, I did.
Napapalakpak ako sa ending ng pelikula!
Sobrang makatotohanan ang pelikula kaya aakalain mong documentary ‘yung pinanonood mo. Totoong characters (na parang yung kakilala kong pamilya). Totoong kuwento (na nangyayari talaga). Totoong milieu (amoy na amoy mo ‘yung slum area).
At ito na nga, no wonder kaya nasungkit ni Jaclyn Jose ‘yung best actress sa Cannes. Sobrang totoo ‘yung portrayal niya ng character. Parang buhay na buhay si Ma ‘Rosa. Pinaniwala niya akong true-to-life story ni Ma ‘Rosa ‘yung pinanood ko!
Yung pinakahuling eksena kung saan tumigil siya para bumili ng squid balls sa kanto habang pinagmamasdan niya ‘yung isang pamilya na nagsasara ng make-shift na tindahan tapos e bigla na lang siya napaluha… Epic! Potah para siyang kaibigan mong umiiyak sa harapan mo pagkatapos niyang ikuwento yung problema niya. Makaka-relate ka bilang isang Pilipino kasi familiar na familiar ang ganong kuwento ni Ma ‘Rosa, isang magulang na trapped na sa paghihirap kaya kumakapit sa patalim, ang pagbebenta ng droga para maitawid lang ang gutom ng pamilya.
Natutuwa ako na sa panahon ni Duterte naipalabas ‘to.
Gugustuhin mo talagang masuplong na ang droga sa bansang ito para hindi na tayo magkaroon ng Ma ‘Rosa.
Second to Kinatay, ito na ang best Brillante Mendoza film for me!
Watch niyo bago pa ma-pullout sa mga sinehan.
Suportahan natin ang pelikulang pilipino!
#MaRosa
No comments:
Post a Comment