Thursday, July 28, 2016

HOW TO BE YOURS



Just came home, watched How To Be Yours.

The first half is super nakakakilig kasi it makes you remember the first phase niyo ng jowa mo, ‘yung tipong nasa ‘getting-to- know-each-other’ phase pa lang kayo sa relationship niyo. Yung simula ng film e nakakatuwa kasi ito ‘yung boy-meets-girl stage with sweet, naughty conversation between the two protagonists leading to a deeper relationship. Pero nang pumasok na ang conflict ng story, ito ay nung lumabas na ang insecurities ni Gerald Anderson sa Sous Chef career ni Bea Alonzo, nang ma-threaten na ng oras sa trabaho ni Bea ‘yung relationship nila, lumaylay na ‘yung movie. Bakit? Kasi nang duma-drama na si Gerald, you’ll wish na sana e si John Lloyd Cruz na lang ‘yung gumaganap sa role. It’s a John Loyd-Bea movie material!

Okay, eye candy man siya, pero hindi ka kasi makaka-relate sa acting ni Gerald Anderson. Okay naman ang chemistry nila ni Bea. Ako lang ba ang nagpapaka-negastar dito pero paano mo kasi kakaawaan si Gerald nung nagda-drama na kung alam mong two-timer fuckboy siya sa totoong buhay? Ang hirap niyang kapitan. A-agree sa akin sina Kim Chiu at Maja Salvador, di ba, girls?

Salamat na lang sa presensiya ni Bea at nadala niya ang mga eksena with Gerald.

Disappointing na sana ang film until that last scene kung saan dumating si Gerald sa bar with two cups of coffee for Bea, reenactment niya ng gesture na ginawa niya noon kay Bea nang magsimula pa lang ang kanilang relasyon. At tulad ng mga kasabayan kong babae sa panonood, potah, kinilig ako dun ng severe! Yun ang bumuhay sa naghihingalong rom-com movie na ito! ‘Yun ang nag-iwan ng marka sa audience. Bukod sa presensiya ni Bea Alonzo, ‘yung eksenang ‘yun ang nag-iwan ng ngiti sa mga hopeless romantic moviegoers. ‘Yung eksenang ‘yun ang magpapabalik sa’yo sa memory lane kung paano ka pinahaba ng buhok ng manliligaw mo noon. Nung panahon na akala mo e kasing-ganda mo pa si Bea Alonzo! Nung panahon na wala pang kalyo ang fez mo!

Walang third-party involved. Hindi tao ang karibal ng bidang lalaki kundi ang trabaho ng bidang babae. Kaya don’t expect na may confrontation, murahan at sampalang magaganap. Napaka-simple lang ng premise ng story.

Nagpakilig. Naging sila. Nagkahiwalay. Nagdramahan. Nagkabalikan. Nag-end.

Tatak-Star Cinema.

Ang pinaka-panalong karakter dito e ‘yung si Brian Sy, na gumaganap na housemate ni Bea Alonzo na puro reaction lang ang ipinapakita sa lahat ng eksena niya dito. As in, no dialogue at all. Pero effective siyang comic relief. Perfect siya!

Mas better ito kesa sa Achy Breaky Hearts pero huwag kayo umasang mala Popoy and Basha hugot movie ito para di kayo ma-disappoint.

A decent rom-com flick, though.

Thursday, July 7, 2016

MA' ROSA

 
Dala ng curiosity ko kung bakit naiuwi ni Jaclyn Jose ang best actress sa Cannes, sinadya ko talaga ang Glorietta para mapanood ang Ma ‘Rosa.

Thank God, I did.

Napapalakpak ako sa ending ng pelikula!

Sobrang makatotohanan ang pelikula kaya aakalain mong documentary ‘yung pinanonood mo. Totoong characters (na parang yung kakilala kong pamilya). Totoong kuwento (na nangyayari talaga). Totoong milieu (amoy na amoy mo ‘yung slum area).

At ito na nga, no wonder kaya nasungkit ni Jaclyn Jose ‘yung best actress sa Cannes. Sobrang totoo ‘yung portrayal niya ng character. Parang buhay na buhay si Ma ‘Rosa. Pinaniwala niya akong true-to-life story ni Ma ‘Rosa ‘yung pinanood ko!

Yung pinakahuling eksena kung saan tumigil siya para bumili ng squid balls sa kanto habang pinagmamasdan niya ‘yung isang pamilya na nagsasara ng make-shift na tindahan tapos e bigla na lang siya napaluha… Epic! Potah para siyang kaibigan mong umiiyak sa harapan mo pagkatapos niyang ikuwento yung problema niya. Makaka-relate ka bilang isang Pilipino kasi familiar na familiar ang ganong kuwento ni Ma ‘Rosa, isang magulang na trapped na sa paghihirap kaya kumakapit sa patalim, ang pagbebenta ng droga para maitawid lang ang gutom ng pamilya.

Natutuwa ako na sa panahon ni Duterte naipalabas ‘to.

Gugustuhin mo talagang masuplong na ang droga sa bansang ito para hindi na tayo magkaroon ng Ma ‘Rosa.

Second to Kinatay, ito na ang best Brillante Mendoza film for me!

Watch niyo bago pa ma-pullout sa mga sinehan.

Suportahan natin ang pelikulang pilipino!

#MaRosa

Monday, July 4, 2016

HOW TO BE SINGLE

Nagustuhan ko tong ‘How To Be Single’. Malinaw na nailahad ng pelikula ang hindi na-explore ng pelikulang The Achy Breaky Hearts. Ito ay ang question na kung bakit mas pinili ng lead character na maging single at hindi sagutin ang mga lalaking dumating sa buhay niya.

This is definitely one of the best chick flick na napanood ko. Para siyang pinahabang episode ng Sex And The City sa TV.

At ayon sa IMDB, ‘yung sumulat nito e siya ring nag-pen ng Never Been Kissed ni Drew Barrymore na one of my fave rom-coms ever. Kaya pala.

Single ladies, watch this movie at hindi kayo madi-disappoint! At least dito, kahit piniling maging single ng Lead character na si Dakota Johnson e may dahilan, hindi katulad ni Jodi Sta. Maria sa The Achy Breaky Hearts na nagpa-girl ang potah at nag-inarte!

Watch mo ‘to, Vergel! Well-recommended.