Finally, napanood ko rin ang "City of Angels" nina Meg Ryan at Nicholas Cage...
Maraming palpak na pelikula (mostly mga box-office bombs) sina Meg at Nicholas.
Sa pagkakatanda ko, Sleepless in Seattle lang ang film ni Meg na tumatak sa akin. With Nicholas, sa dalawang films ko lang siya naalala: Birdy at Leaving Las Vegas.
The rest, forgettable na lahat.
Kaya na-surprised ako sa kinalabasan ng pairing nila sa "City of Angels".
Ramdam na ramdam mo silang dalawa. It's a romantic fantasy na kakapitan mo kahit hindi kapani-paniwala. Napakahusay nilang dalawa dito.
The film really delivers... In terms of story, editing, scoring, direction... Smooth at nagbi-build up.
Walang eksena na unnecessary or awkward. Walang tapon moments.
Though, the ending is quite similar sa "One Day" ni Anne Hathaway (na una kong napanood), very effective pa ring device ang 'death by accident' sa ending ng isang romace movie.
Nakakaiyak siya!
At nakaka-in love ang theme song!
Watch it!
Saturday, June 29, 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment