Sunday, January 27, 2013
LES MISERABLES
Finally, napanood ko rin ang 'Les Miserables'...
Mabuti at nahabol pa namin ni Edwin sa sinehan. Ayun, okay naman 'yung film adaptation. Hindi naman ako pumalakpak sa tuwa after the movie, wala ring goosebumps effect or what, at lalong hindi naman siya pumasok sa listahan ko ng 'best musical films of all time'. Hindi rin siya ang tipo ng pelikula na uulitin kong panoorin dahil sa ganda. Wala namang ganung factor. Siguro sa sobrang dami ng narinig kong rave reviews kaya ang taas ng expectations ko. Ang ending, kahit sobrang ganda ng film, ayun 'chika' lang sa akin.
The film is still spectacular nonetheless. Sasabayan mo pa rin sa pagkanta sina Fantine at Eponine. At hindi mo rin matatawaran ang galing sa pag-arte nina Hugh Jackman, Anne Hathaway at Helena Bonham Carter. Effective na comic relief si Sacha Baron Cohen (Borat). Awkward ang mga eksena ni Russel Crowe habang kumakanta. Miscasted? Passable ang performances ng the rest of the cast.
So far, Hugh Hackman's my Best Actor for Oscars and Anne Hathaway's for Best Supporting Actress.
Next up...
Silver Linings Playbook, Django Unchained, Amour and Lincoln.
Kung sino may dvd copies, peram.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment