Sunday, January 27, 2013

LES MISERABLES



Finally, napanood ko rin ang 'Les Miserables'...

Mabuti at nahabol pa namin ni Edwin sa sinehan. Ayun, okay naman 'yung film adaptation. Hindi naman ako pumalakpak sa tuwa after the movie, wala ring goosebumps effect or what, at lalong hindi naman siya pumasok sa listahan ko ng 'best musical films of all time'. Hindi rin siya ang tipo ng pelikula na uulitin kong panoorin dahil sa ganda. Wala namang ganung factor. Siguro sa sobrang dami ng narinig kong rave reviews kaya ang taas ng expectations ko. Ang ending, kahit sobrang ganda ng film, ayun 'chika' lang sa akin.

The film is still spectacular nonetheless. Sasabayan mo pa rin sa pagkanta sina Fantine at Eponine. At hindi mo rin matatawaran ang galing sa pag-arte nina Hugh Jackman, Anne Hathaway at Helena Bonham Carter. Effective na comic relief si Sacha Baron Cohen (Borat). Awkward ang mga eksena ni Russel Crowe habang kumakanta. Miscasted? Passable ang performances ng the rest of the cast.

So far, Hugh Hackman's my Best Actor for Oscars and Anne Hathaway's for Best Supporting Actress.

Next up...

Silver Linings Playbook, Django Unchained, Amour and Lincoln.

Kung sino may dvd copies, peram.

Wednesday, January 16, 2013

LIFE OF PI

watched "LIFE OF PI" with Direk Edong Roy yesterday... 

its a magical experience... 

napakaganda ng cinematography at production design... 

this is the kind of movie na gusto mong ulitin para lalo mong mas maintindihan...

at the end of the day, nag-GOOGLE na lang ako para malaman kung ano ang ending. at sa wakas, normal lang pala na hindi ko na-gets ang ending nito (kung ano sa dalawang version ni Pi ang mas paniniwalaan kong kuwento)...

Interpretation is subjective... at feeling ko, 'yun ang intensiyon ng pelikula.

To quote film critic Ben Kendrick:

"Are you a person that prefers to believe in things that always make sense/things that you can see? Or are you a person that prefers to believe in miracles/take things on faith? There are no right or wrong answers – just an opportunity for introspection."

Wednesday, January 2, 2013

SISTERAKAS



MMFF Day 7: SISTERAKAS.

Funny movie but not as hilarious as Kimmy Dora 1 and Zombadings. Panalo ang lahat ng eksena ni Vice Ganda, pumantay si Ai-Ai pero hindi ang isang Kris Aquino. Salamat na lang at isa siyang gay icon, hindi na halatang hindi siya bagay sa role.

Overall, it's still a fun ride! Watch it! :)

My Verdict: 3 out of 5