Wednesday, September 5, 2012

JOLOGS


 
Year 2000, at 20... sumali ako sa first Star Cinema Scriptwriting Contest... my first written script was "Imparsiyal", a political thriller in the tradition of Jonathan Kellerman's novels. Pero hindi 'yun ang sinubmit ko... I wrote a new one intended for the tilt, the script was entitled "Suntok Sa Buwan" with the theme 'beauty is the best revenge', its a melodrama, mas mainstream ang atake... inapi-api si girl, natutong tumayo, yumaman, binalikan ang mga taong umalipusta sa kanya... very 'Amor Powers' ang eksena...

Luckily, out of 200 plus entries, shortlisted ako sa first elimination... so naging 30 plus na lang kami... months after, deliberation again and again... down to twelve semi-finalists, I was no. 15th... super sama ng loob ko... I even wish na sana mawala na 'yung pang 12th to 14th para makapasok ako... hahaha. see, ganito kakitid ang utak ko during that time... pakiramdam ko kasi, nandun na e... nandun na.

'Jologs' by Ned Trespeces won that year, semi-finalist ang 'Videoke King' (later to be topbilled by Robin Padilla / Pops Fernandez). I remember, I was first in line sa cinema house to watch "Jologs" nung first day of showing nito... gusto ko kasing malaman kung bakit siya nanalo... at di ko na-enjoy 'yung film kasi I was busy criticizing it, hinahanapan ko talaga ng flaws and all... bitter mode? haha.

Well, after 12 years, naka-move on na rin. Just lately, after watching Star Cinema's 'The Reunion', saka ko lang naisip na "Jologs" was way better in terms of theme, production values, acting, scoring, story, etc. With its non-linear structure, the movie was ahead of its time.

Napanood ko ulit ang "Jologs" years ago sa cable na. Mas na-appreciate ko na siya. Mas malinaw na sa akin kung bakit siya ang pinili ng mga judges. :)

I hope I got to see "Jologs" ulit... Wanna see Baron Geisler in drag again... wanna hear Assunta de Rossi utter those ultra fave lines: "Ang eepal niyo!"... 


Oh, I miss "Jologs"!

No comments:

Post a Comment