Just came from watching Cinemalaya film, "Sta. Niña. I'm giving the film a 3/5 rating.
The film is reminiscent of Bernal's Himala. In fact, it could pass as a modern-day version of Himala, with a male lead. Coco Martin provides a solid performance but in some scenes, he's using a "soap-Opera" acting technique (nagda-dialogue habang nakatalikod sa kausap or tumitingin sa malayo habang nagda-dialogue ang ka-eksena).
Parang nagsisimula na siyang kainin ng mainstream at nawawala na ang raw acting na nagustuhan ko sa kanya before (Think: Brillante Mendoza films).
At some point nga habang nanonood, i thought I was watching Walang Hanggan. Well, it's more of the blockings siguro. Sana tama ako.
On the other hand, Alessandra de Rossi, Anita Linda and Irma Adlawan, as always, delivers sterling performances!
Intense ang scene nina Irma at Alex sa loob ng simbahan. Pukpukan! As with Angel Aquino, hindi ko siya naramdaman dito. Hindi effective ang kanyang passive performance.
Over-all, malinis ang pagkakagawa ng pelikula. Passable ang editing, cinematography at directing. Story-wise, nailahad ng maayos ang kuwento.
Yun nga lang, nakakasira ng moment ang spoonfeed dialogues na hindi na binigyan ng room para mag-isip ang mga viewers. Ang mga argument at exposition ay idinadaan lahat sa dialogue. Whereas, sa Himala, ang bawat arguments ay nakikita sa sitwasyon at gawa ng mga characters. Remember, Nora face to face with Gigi Duenas sa isang scene? Less dialogue, subtext yet very effective.
For the Noranians, go watch it, not to compare Himala from this, but to see once more Maria Leonora Theresa, the doll... as Marikit.
Thursday, July 26, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment