Friday, October 18, 2013
CARRIE (2013)
Sobrang taas ng expectation ko sa remake ng Carrie.
Hindi naman sa disappointed ako, pero mukhang wala na talagang makakapantay sa original version ni Brian DePalma.
The whole time I'm watching, kinu-convince ko ang sarili ko na mas magaling sina Moretz at Moore kesa kina Spacek at Laurie. Alam kong mali pero hindi ko maiwasan. Sobrang fan kasi ako ng original.
Though, magaling sina Moretz at Moore dito, (naroon ang effort nila na mag-create ng bagong Carrie at Margaret) pero you know they're acting the roles.
Unlike Sissy and Piper sa original version, sila talaga 'yung characters. Binuhay nila. Naalala ko, pareho silang na-nominate sa acting awards sa Oscars noon.
Well-executed naman ang iconic bloody prom scene kaso parang may kulang. Yung haunting theme song ba ni Kate Irving noon? Hindi ko tiyak.
Ang mahalaga, faithful itong updated version sa book ni Stephen King.
Nagustuhan ko 'yung idea na for the first time, totoong teenager ang gumanap sa role ni Carrie.
It's still a decent re-adaptation of the novel.
A must-see for Stephen King fans!
Friday, October 11, 2013
GRAVITY
really enjoyed watching GRAVITY...
nagustuhan ko 'yung minimalist take ni Alfonso Cuaron sa isang outer space movie.
simple ang plot at treatment... pati acting ni Sandra Bullock, controlled...
and yet the film is spectacular!
isa siyang kakaibang experience... para kang pinakawalan sa kalawakan kasama ni Sandra Bullock...
kasama mo siyang haharapin ang mga danger sa outer space...
yes, it's a survival movie just like 127 Hours, Life of Pi and Cast Away...
only this time, it's BETTER.
FIVE STARS! :)
#masterpiece #alfonsocuaron
Subscribe to:
Posts (Atom)