Sunday, September 29, 2013
BADIL
Now, my take on Chito Roño's BADIL:
Quite disappointing... I expected too much din kasi.
Nag-set na ng bar ang Kinatay ni Brillante Mendoza sa ganitong klase ng pelikula.
At katatapos lang din ng OTJ kung saan, tulad ni Jhong Hilario sa BADIL, ang karakter nina Gerald at Piolo ay mga inosenteng tao na nilamon ng masamang sistema.
Anticlimactic ang pag-arrive ng BADIL. Nagmukha siyang malabnaw na version ng Kinatay at OTJ.
Parang kulang din sa research, sa totoong buhay at kalakaran, 500 pesos per head ang vote-buying before election. Lalo pa't sa probinsiya ito nangyari at hindi sa Maynila. Masyadong malaki ang 1000 pesos.
Over-reacting din ang karakter ni Jhong sa mga situations. Hindi ko ma-gets kung bakit kailangang magpanggap na buntis ni Mercedes Cabral? Bakit biglang lumakas si Dick Israel at pumunta sa botohan?
Hindi ko nakapitan ang mga characters dahil hindi makatotohanan ang mga pangyayari at sitwasyon.
Wednesday, September 25, 2013
MOMZILLAS
Forgettable ang MOMZILLAS.
Paglabas mo ng sinehan, mapapaisip ka kung bakit ito kumita ng 100 million sa loob ng isang linggo. Aba, tubong-lugaw ang Viva Films at Star Cinema!
Isa itong chopseuy movie, sangkap ang iba't-ibang clichéd Regal comedy flicks nung 80's.
Gasgas na pagpapatawa na pilit isinalba nina Eugene at Marya sa loob ng isa't kalahating oras.
Mapapalampas ito ng mga fans ni comebacking Diamond Star.
Pero kung di ka niya fan, I suggest, wag mo na panoorin.
Lilipad ang 200 pesos mo. Maniwala ka.
Sunday, September 22, 2013
NOW YOU SEE ME
Na-entertained ako sa panonood ng "NOW YOU SEE ME"...
It's another bank heist movie na ang plus one ay mga illusionists ang salarin.
Gusto ko 'yung mga pelikulang maraming twist-and-turns, 'yung may mga big reveal sa ending kaya nag-enjoy ako watching this.
Panalo din ang A-List casting. Nakakatuwang makita sa iisang screen sina Michael Caine at Morgan Freeman, face-to-face at nagbabatuhan ng mga maaanghang na linya.
Top-notch camera works sa magical show scenes, very involving. Para kang isa sa mga audience.
Watch it for a magical experience!
Saturday, September 21, 2013
ANG KUWENTO NI MABUTI
Nakaisa na ako sa CineFilipino Film Fest!
Here's my take on Mes De Guzman's ANG KUWENTO NI MABUTI.
Ang joy sa panonood nito ay ang makita si Nora Aunor na nagsasalita in Ilocano the entire film. Refreshing siya! At hindi mukhang inaral, she's very proficient!
Not her best performance (mas gusto ko pa rin siya sa Thy Womb), pero Nora Aunor is still brilliant as "Mabuti". Kahit most of the time e nakangiti siya, kitang-kita mo pa rin sa mga mata niya na may dala-dala siyang mga "bagahe". The role suits her perfectly.
Medyo annoying lang ang CGI fog sa eksenang paakyat siya ng bundok at papunta sana siya kay Kapitan. Deadly ito dahil 'yun ang opening sequence na magse-set ng mood ng audience.
Jarring din ang paiba-ibang kulay ng mga eksena. May problema sa color grading.
And sana, hindi na lang idinaan sa dialogue 'yung "... hindi pagsubok ang bag ng pera na yan... bigay yan ng Diyos dahil nangangailangan tayo... kapalaran yun" (or words to that effect).
'Yun na kasi ang mensahe ng buong pelikula at hindi na sana ini-spoonfeed sa mga tao. Mas better kung subtext na lang para mas effective.
Still a pretty decent film. Just don't expect too much.
Thursday, September 5, 2013
ON THE JOB
Just came from watching Erik Matti's ON THE JOB.
Naiyak ako hindi dahil naapektuhan ako sa napakahusay ng pagganap ni Joel Torre (given na 'yun). Naiyak ako sa tuwa dahil naisip ko, sa wakas, dumating na sa buhay ng Star Cinema ang pinakamagandang pelikula na nai-produced nila.
Dahil sa engaging performances ng mga artista, captivating cinematography, sleek editing, polished screenplay, meticulous production design at superb direction, masasabi kong ang OTJ ang the best pinoy crime film of all time.
A well-crafted film na worth every peso ng ibabayad mo.
Ito ang pambarag sa lahat ng nakakasuka nang formula rom-coms na pinrodyus ng Star Cinema.
It's the real deal! The film's a MASTERPIECE!
FIVE STARS!!!
Naiyak ako hindi dahil naapektuhan ako sa napakahusay ng pagganap ni Joel Torre (given na 'yun). Naiyak ako sa tuwa dahil naisip ko, sa wakas, dumating na sa buhay ng Star Cinema ang pinakamagandang pelikula na nai-produced nila.
Dahil sa engaging performances ng mga artista, captivating cinematography, sleek editing, polished screenplay, meticulous production design at superb direction, masasabi kong ang OTJ ang the best pinoy crime film of all time.
A well-crafted film na worth every peso ng ibabayad mo.
Ito ang pambarag sa lahat ng nakakasuka nang formula rom-coms na pinrodyus ng Star Cinema.
It's the real deal! The film's a MASTERPIECE!
FIVE STARS!!!
Subscribe to:
Posts (Atom)