KUMPARE Indie Movie

KUMPARE Indie Movie
Kasing-lakas ba ng alak ang tama mo sa kanya?

KUMPARE

MY MOVIE POSTERS

Wednesday, June 6, 2012

Indie Actor: JOBBEN BELLO






Si Jobben Bello ay isang 29 year-old theater at indie film actor. Una siyang nasilayan sa pelikulang indie na Hugot (2008) kung saan bida si Ana Capri, idinirek ni Jonison Fontanos. Nasundan ito ng ‘Parisukat’ (2010) at ‘Ombre’ (2011) na pawang idinirehe rin ni Mr. Fontanos.


Sa pelikulang Hugot, ginampanan niya ang role ng isang transsexual na may-ari ng gotohan. 


Sa ‘Parisukat’, mahusay niyang nagampanan ang role ng isang landlord (murderer) kapareha ang 90’s sex icon na si Toffee Calma. 

Naging bubbly gay best friend naman siya ni Darwin Taylo (isa ring indie actor) sa pelikulang ‘Ombre’ kung saan tampok din ang Survivor Philippines castaway na si Jef Gaitan.


Ngayong 2012, katatapos lamang niyang i-shoot ang isa na namang sexy film na ‘Hubo’ tampok ang bida ng ‘Anton Tubero’ na si Lance Lopez. Kabilang din sa nasabing pelikula sina Arkey Muñoz ng ‘Masikip Sa Tatlo’, Jeremy Ian ng ‘Kubli’, Miko Madrid ng ‘Masukista’at Adriana Gomez. Ito ay mula sa Silverline Entertainment, sa panulat at direksiyon ni Direk Eds Espiritu.


Iniidolo ni Jobben simula pagkabata si Roderick Paulate na nagging inspirasyon niya sa pag-arte. Mataas din ang respeto ni Jobben sa indie actor na si Chamyto Aguedan sa larangan ng komedya at pag-awit. Ninanais rin ni ‘Jovs’ (kanyang palayaw) na makasama ang dalawang ito sa isang pelikula.

(Source: Chito Alcid)

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...